CHAPTER LV

54 16 3
                                    


K  ---------  55

"Sino ka bang bata ka?" Nanlalamig na pang-aasar ni Wood habang hindi pinapansin ang nanlalamig na aurang nagmumula kay Nonack.

Seryoso naman itong sinagot ni Nonack, "Nonack Wayne."

"Oh... hahaha! Ikaw pala ang basurang pinag-uusapan nilang lahat. Ano na ngayon? Hindi mo matiis ang ginagawa kong pakikipamakeout sa iyong asawa? Sinasabi ko na sa iyo ngayon pa lang, sa akin na ang asawa mo!" Sabi ni Wood na may disturbing at naghahamong mukha."

"Mukhang naghahanap ka ng gulo."

Paisa isang sinabi ni Nonack ang mga salitang ito. Agad na naramdaman ng lahat ang panlalamig na inilalabas ng kaniyang aura sa paligid.

Ito pa rin ba ang basurang manugang natin noon? Bakit siya biglang nagkaroon ng ganito kalakas na aura?

"Ah! Ako ba? Naghahanap ng gulo? Kilala mo ba kung sino ang kausap mo, bata? Kanina pa kita hinahanap pero nagawa mo na ring dalhin ang sarili mo sa akin ngayon!" Angil ni Wood kay Nonack na para bang isang bayolenteng tigre.

Nang mapanood ito ng mga nakapaligid na miyembro ng pamilya Perez, nakaramdam sila ng bigat na, nakapagpagulo sa kanilang mga nararamdaman. Pero kahit na inis na inis ang mga ito kay Nonack, hinihiling ng karamihan sa mga sandaling ito na manalo sana si Nonack sa magiging laban nila ni Wood.

Pero alam siyempre ng lahat na isa lang itong panaginip. Tatlong taon na nagchampion si Wood sa pinakakinikilalang martial championship sa buong mundo nang sunod sunod kaya nagawa nitong magtayo ng napakaraming martial clubs sa kanilang bansa!

"Hindi ka mananalo sa kaniya, Nonack! Tumakbo ka na dali!" Sigaw ni Chen kay Nonack matapos mag-alala para sa buhay nito. Masaya na siyang nagpakita sa mga sandaling ito si Nonack.

Pero tumayo lang doon si Nonack at hindi gumawa ng anumang kilos na para bang wala siyang narinig na kahit ano. Kahit na noong makita niya ang pagdamba sa kaniya ni Wood, wala siyang ginawa kundi tumayo roon na parang isang bato.

Dito na nagpanic si Chen, agad siyang tumakbo sa sala at tumawag ng pulis. Agad namang sinagot ng kabilang linya ang tawag kung saan isang sumagot ang pulis sa kaniya, "Ano pong maitutulong namin sa inyo?"

Nanginig ang nababagabag at nagpapanic na si Chen habang sinasabing "Magpadala kayo ng pulis sa tahanan ng mga Perez ngayundin. Dalian ninyo! Mayroong nag-aaway sa amin!"

Bamm!

Habang nagsasalita si Chen, isang napakalakas na vibration ang mararamdaman sa sala. Nilalabanan na ni Nonack si Wood!

Nagdalawang isip naman ang pulis na nasa kabilang linya, "Nag-aaway? Sino ang nag-aaway  sa inyo?"

Isa ang mga Perez sa pinakaprestihiyosong mga pamilya sa buong Donghai City kaya sino ba ang makikipag-away sa loob ng kanilang property?

"Si Wood Young, sinasaktan niya ang aking... ang aking asawa!" Agad na sinabi ni Chen, pero nang sabihin niya ang salitang asawa, agad na kumabog ang kaniyang dibdib at namula ang buo niyang katawan.

Ito ang unang beses na inamin niyang asawa niya si Nonack.

Nang ibaba na niya ang tawag, natigilan si Chen nang makita niya ang nangyari sa hall. Hindi lang siya dahil ang lahat ay natigilan sa kanilang nakita.

Walanh sinaman ang nagdalawang isip sa kakayanan ni Wood, siya ang pinakamalakas na lalaki sa buong Donghai City. Pero hindi nila inasahang matatapatan ito ni Nonack. Tumindi na sa mga sandaling ito ang laban ng dalawa na kasalukuyang nagpapalitan ng suntok sa bilis na hindi makikita ng mga pangkaraniwang mata ng isang tao.

'Son-in Law who surpasses them all'Where stories live. Discover now