CHAPTER 28

60 14 1
                                    

KABANATA XXVIII

Nagsabi ang lahat ng kanikanilang mga opinyon.

Tanging si Chen lang ang absent minded sa mga sandaling ito. Iniisip niya kung bakit siya lang ang gusto ng Platinum Corporation? Nagustuhan na siya nito nang hindi pa niya nakikita ang mismong presidente ng kumpanya!

At sino rin ang nagbigay sa kaniya ng orihinal na pares Worship of Crystal na iyon?

Nagkaroon ng libo libong tanong si Chen sa kaniyang puso na magagawa niya munang isantabi at huwag isipin sa ngayon. Pero napuno naman ang kaniyang isipan ng imahe ni Nonack na ipinalit ang kaniyang sarili bilang hostage para makalabas sila ni Samantha nang buhay!

Tatlong araw nang hindi nakikita ni Chen si Nonack. At sa tatlong araw na ito, hindi manlang umuwi sa bahay nila si Nonack, kumusta na kaya siya?

Hindi na napakali pa rito si Chen. Pinilit niya ang kaniyang sarili na huwag itong isipin, pero hindi na niya ito maiwasan kaya napuno na ang kaniyang isipan nang tungkol kay Nonack.

"Ano sa tingin mo, Chen?" Tanong ni Grandma Perez sa mga sandaling iyon.

"Chen..?"

"Chen...?"

"Opo, opo." Sabi ni Chen habang itinitingala ang kaniyang ulo at napansin na nakatingin sa kaniyang ang lahat.

"Ano ang bumabagabag sa isipan mo ngayon, Chen?" Tanong ni Grandma. "Anong problema?"

"Wala naman po, Grandma." Ngumiti si Chen at iniling ang kaniyang ulo habang inaalis sa kaniyang isipan si Nonack.

Sa Platinum Corporation.

Hawak hawak ni Nonack ang isang Folder sa kaniyang kamay. Nagawa na niyang makagawa ng analysis sa kasalukuyan status ng Platinum Corporation sa loob ng tatlong araw. Pero bago pa siya maging presidente, hinawakan ang kumpanyang ito ng kaniyang hipag pero hundi naging maganda ang performance nito dahil sa pangit na pamamalakad bito sa kumpanya.

Nasa 100 million dollars lang ang gross profit nito noong nakaraang taon.

Masyado nang mababa ang halagang ito para sa isang kumpanya na gaya ng Platinum Corporation. Ang ganitong klase ng mga kumpanya ay dapat na mayroong annual gross profit na hindi bababa sa 2 billion dollars at ito ay kung magiging konserbatibo pa ito sa mga gagawin nitong galaw.

Kapapasok pa lang ni Nonack bilang bago presidente ng kumpanya at kinakailangan na niyang gumawa ng paraan para maresolba ang issue na ito. Simple lang ang naisip niyang solusyon dito, ang pagpapabango ng pangalan ni Janelle at pagpromote rito.

Napakaganda ng itsura ni Janelle at mayroon ding hindi maikukumparang ganda sa hubog ng kaniyang katawan, hindi rin naging ganoon kapangit ang ipinakita nitong pagkanta. Kaya kung magagawa nilang imarket ito nang maayos, siguradong mabilis siyang sisikat nang husto.

Kahit hindi na nakatira si Nonack sa bahay ng pamilya Perez, mayroon pa rin siyang nararamdaman kay chen. Kaya ibinigay niya ang pagpapaganda at pagpopromote kay Janelle sa pamilya nito bilang huling regalo niya sa kaniyang asawa.

Ayon sa naging research ng mga Perez, dapat na sumali si Janelle sa 'Superstar'.

Isa itong talent show competition na maihahalintulad natin sa "Super Boy" at "Super Girl" na talent show series na inere nitong mga nakaraang taon.

Naipakita rin sa analysis na magbibigay ang Platinum Corporation ng suportang pinansyan da mga programang ito. Nakita ni Nonack sa kaniyang imbestigasyon na ang pinakamalaking sanhi ng mababa nilang kita ay ang malaking investment ng kanilang kumpanya sa "Superstar".

'Son-in Law who surpasses them all'Where stories live. Discover now