"Sabihan mo naman yang kabit mo na wag niya kaming idamay-damay, kung ano-anong ginagawa niyang istorya para saming pamilya----" Aisssh!! Ang aga-aga, bunganga agad nang kapit-bahay namin magiging alarm clock! Irita akong bumangon nalang kasi puyat ako gabi sa raket ko tas ayan, away kapit-bahay gigising sakin. Napatingin agad ako sa cellphone ko upang e check kung anong oras na.
"Oh shit!!" nagising ako sa wisyo bigla kasi alas 9:00 ng umaga ka pala. Patay ako kapag na late ako nito! Tumayo na ako kaagad para maligo at mag toothbrush. Mamaya nalang ako kakain! After maligo eh nag bihis na ako kaagad kasi ngayon ang araw na may aaplyan na naman akong trabaho, mayroon na namang bagong apilyedong Marcos ang uusbong sa politika kaya maraming job offer. Narinig kung tumunog ang phone ko at nakita na si Mamshie Cass na yun. Yung organizer ng event at chairman ng kung ano-anong ganap.
"Hello, Mamsh? Papunta na po. Ayan! Papunta na po ako." madali-dali akong lumabas ng apartment at ni lock muna yun bago pumara ng tricycle. "Kuya, baranggay hall po."
"Late ka na naman! Tatanggalin na talaga kita! Naku kung di ka lang talaga masipag!" panenermon na naman niya. Lagi nalang niya ako senesermonan pero never naman niya ako tinanggal.
"Papunta na po. Promise." inayos ko kaagad ang buhok ko sa mirror na nakasabit sa tricycle.
"Dalian mo na. Kapag nauna pang dumating sayo si Sir. Sandro, talagang mamumuro ka sakin!" binabaan niya agad ako ng phone. Masungit lang yan pero very professional at love ako niyan.
"Kuya, dito nalang po. Salamat." inabot ko na agad ang bayad saka bumaba "Keep the change!" habol ko pa at tumatakbo na ako papasok ng Baranggay Hall. Wala eh puyat talaga ako kagabi kaya ayan late na nagising.
Pumasok agad ako at dun nakita ko si Mamshie Cass. Ayaw mag patawag ng Sir, Castro kasi lalaking-lalaki daw pakinggan. Lumapit ako kaagad sa gawi niya saka sinundot ang kanyang tagiliran.
"Oh diba, Mamsh. Di ako late.." mahina ako natawa kasi ang seryoso ng usapan ng mga nasa loob ng Hall.
"Isa ka sa ipa-aapply ko as secretary ni Sir, Sandro. Kaya umayos ka jan." aniya. Ano?? Teka di ko alam to ah!
"Teka. Di ko alam yan, Mamsh.---"
"1k ang sweldo kada araw dipa kasama dun ang special events at tips." Woah! Ang laki na nun para sakin noh.
"Okay go!" pag a-agree ko agad, kasi naman ang laki na niyan para sakin.
"Ayan. Raketera ng taon awardee para sayo." umakto pa siyang pinapasahan ako ng korona at binuka ang pamaypay na palagi niyang dala-dala.
"Ilan ba kami mag-aapply??" dapat ihanda ko na ang sarili ko kasi baka grabing interview ang gagawin samin.
"Marami. Di magkanda-ugaga kasi andaming gustong mag apply. Ipa photocopy mo nga to sa labas ang application form na ginawa ko para sayo habang wala pa si Sir, Sandro."
"Naks! You're the best, Mamsh." sundot-sundot ko pa sa tagiliran niya. Lumabas muna ako habang bitbit yung folder na may lamang application form ko para ipa photocopy. First time ko makikita yung sinasabi nilang Sir, Sandro kasi first time din niyang tatakbo na congressman. Sana naman di siya pihikan sa secretary at mapili ako, sayang naman yung sweldo ang laki eh.
"Hey that's mine!'" sigaw ng lalaking pagkababa sa sasakyan eh biglang hinablot ang kanyang cellphone. Tumakbo sa gawi ko ang humablot ang cellphone niya kaya agad kung tinapon ang pack bag kung dala sa paa niya dahilan para madapa siya at yun nahirapan bumangon kasi nauntog ulo niya sa semento buti nalang di duguan. Lumapit ako sa gawi niya na hinihipo ang kanyang noo. Napangiwi nalang ako ng makita na ang laki ng bukol niya sa noo.
YOU ARE READING
It could be us // Sandro Marcos (2)
RandomWould I fit in to your world? Would it be worth to take the risk?? Sandro Marcos Fan fiction.