Naka set na ang araw kung kelan ipapakilala si Sandro sa buong bayan. Two days from now inauguration na niya. Nakakatuwa at lahat kami ay excited na sa both victory ni Daddy at nang asawa ko. Pinag hahandaan na namin ang araw na yun kaya andami ng ganap sa paligid. Dress fit here and there, medyo hectic na ang schedule at andami niyang kailangan gawin kaya minsan nalang kami halos magkita kasi pag-uwi niya, tulog na ako or di kaya pag gising ko naka alis na siya, di talaga kami nag papang-abot. Andami talagang kailangan gawin at tapusin.
"Tapos na tayo, Ma'am. Thank you.." sabi nung designer after mag sukat sakin. Minamadali na nila kasi 2 days from now inauguration na niya. Nakaka-stress na.
"Salamat po." nag paalam na sila na aalis ng bahay at kaya hinatid ko na sila sa pintuan. Naiwan na naman akong mag-isa dito. Tatlong araw na na ganon ang routine namin na halos di na kami nagkikita sa bahay. Ganito pala talaga pag politician ang asawa, first timer pa niya. Busy talaga and the help that I could do to lessen his pressure, is to understand the situation.
Pumunta nalang ako ng kusina para mag hanap ng makakain. Nag lilihi na naman ako. Baby, wag masyadong mahirap na pagkain hanapin mo kasi busy si Daddy. Napahawak nalang ako sa tiyan ko habang nag sasalin ng tubig sa baso. Pinapakiramdaman ko pa kung ano ang hinahanap ni baby. Gusto ko kumain ng dragon fruit. Gosh!
"Kuya Spencer...." tawag ko sa body guard ni Sandro sa labas.
"Ma'am??" sulpot niya agad.
"Samahan mo ako sa public market, please. Gusto ko kumain ng dragon fruit."
"Ma'am, kabilin-bilinan ni Sir, Sandro na di ka palabasin..." pag explain pa niya.
"Wala naman siya dito. Wag kang mag-aalala, di kita isusumbong. Nag lilihi na talaga akoooo..." pamimilit ko pa.
"Eh ma'am baka mapagalitan ako nito." nag kamot agad siya ng batok kaya nag pa awa epek na ako kasi wala eh, gusto ko talaga kumain ng dragon fruit. "Kapag di ako nakabili nun, iiyak nalang ako."
"Ay nako wag, Ma'am. Masama sa buntis ang umiyak. Ihahanda ko lang po ang sasakyan." napangiti naman ako sa sinabi niya. Umalis siya agad para ihanda ang kotse. Pumunta muna ako ng kwarto para kumuha ng jacket at wallet ko kasi malamig sa labas ngayon.
Pag kalabas ko, nahanda na ni Spencer ang sasakyan kaya sumakay na agad ako at nag punta kami sa malapit na market pero walang benta na dragon fruit. Naka ilang market na kami, wala parin. huhuhu.... gusto ko na talaga kumain ng dragon fruit.
"Wala na ba talagang ibang mapupuntahan??" umiing-iling si Spencer at napakamot nalang ng ulo.
"Ay teka Ma'am! May nag bebenta po ng dragon fruit ice cream dito sa malapit. Ayaw niyo po nun??" Oo nga noh. Matagal na nung huli ko yun natikman. Grabi na miss ko yun.
"Dun tayo, Kuya." pinaandar niya agad ang sasakyan at di naman kalayuan yung nag titinda ng ice cream na dragon fruit ang flavor. May mini shop na pala dito na nang bebenta ng ganon, dati kasi sa Mamang sorbetero lang yan nabibili. Si Kuya na ang bumaba para bumili dahil baka pagalitan siya ni Sandro kung anong mangyari sakin. Eh wala naman siya. Busy.
Di naman nag tagal ay dumating na si Kuya Spencer dala yung dalawang ice cream cup. Natakam agad ako. Pag kapasok niya agad sa sasakyan ay nilamutak ko na agad ang ice cream, tig-isa kami. Ang boring kumain na mag isa kaya ayon sinamahan niya ako. Ang saya-saya ko na dahil sa ice cream na ito. After namin kumain, bumalik narin kami sa bahay dahil baka pagalitan daw siya ni Sandro. Mapapairap nalang ako sa inis. Ang boring na dito sa bahay tapos di pa kami nag kikita, busy naman si Honey kaya di ko siya pwede guluhin. Mapap buntong hininga ka nalang sa pagka boryong dito sa bahay. Ang hirap pala talaga pag ganito yung sitwasyon namin ni Sandro pero wala akong magagawa kasi mahal ni Sandro ang bayan namin at gusto niyang mag silbi. Bilib ako sakanya dahil dun. Di ko siya masisisi na busy siya lagi pero yun na nga miss ko na siya. Maiiyak nalang talaga ako sa pagka-miss sakanya. Mag hahanap nalang ako ng pweding gawin. Tumayo na ako para kumuha muna ng tubig sa kusina kasi nauuhaw ako dahil sa ice cream kanina. Bigla akong nakaramdam ng sakit sa tiyan ko, akala ko normal lang na sakit pero parang iba na talaga to. Masakit na masakit talaga to. Kinuha ko agad ang cellphone sa bulsa ko para tawagan si Sandro. Iba na talagang sakit tung nararamdaman ko at namamawis na ang noo ko. Anak, please kumapit ka lang. Please, anak.
"Damn it Sandro! Ba't di mo sinasagot ang tawag ko!" sigaw ko sa harap ng phone habang iniinda ko ang sakit ng tiyan ko. Arggh!!! Tinawagan ko ulit siya pero wala paring sumasagot! Namimilipit na ako sa sakit, nag-aalala narin ako sa baby ko. Please, Lord. Tulungan mo ako. Sumaktong pumasok si Kuya Spencer. "Tulong!! Kuya tulong!!!" sigaw-sigaw ko na para marinig ako.
"Ma'am! Anong nangyari?!" binitawan niya agad yung mga bitbit niyang gamit at inalalayan ako kasi di na ako makatayo ng maayos sa sobrang sakit ng tiyan ko.
"Kuya tulong! Yung baby ko please. Dalhin mo ako sa ospital. Please!" mahigpit na ang pagkakahawak ko sakanya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nung makita kung may dugo na dumadaloy na sa paa ko. "YUNG BABY KO!!! PLEASE!!" para na akong nag hysterical after makita yung dugo. Please! Yung baby ko! Binitbit na ako ni Kuya palabas ng bahay at nilagay sa kotse pero bumalik muna siya para e lock yung pinto. Dios ko, ang anak ko! Sumakay agad si Kuya saka pinaandar ang sasakyan habang tinatawagan ko naman si Sandro kahit nababahiran na ng dugo ang kamay phone ko. SANDRO ASAN KA NABA?!!!!!!
"Ma'am kapit lang po kayo jan." nag paharurut ng pag papatakbo si kuya sa pag drive habang ako naman iyang ng iyak habang hinahawakan ang tiyan ko. Anak, please wag mo iwas si Mommy! Promise gagawin ko ang lahat for you! Naramdaman ko nalang na nanghina ang katawan ko at nanlalabo na ang paningin ko. Lord, yung anak ko, please. Nawawalan na ako ng malay at nahiga na talaga sa passenger seat.
YOU ARE READING
It could be us // Sandro Marcos (2)
AcakWould I fit in to your world? Would it be worth to take the risk?? Sandro Marcos Fan fiction.