After mag bagong taon eh mgayon hinaharap na naman namin ang bagong chapter ng buhay natin but this time kasama ko na si Sandro. Pinaghahandaan na namin ang kanyang campaign dahil malakas rin ang kalaban niya pero dahil suportado ng mga tao dito si Sandro, wala kaming dapat ipag-alala.
Double na rin ang mga nakabantay sakanya tuwing nag pupunta kami sa bawat barangay para mamigay ng mga food packs bago mag simula ang campaign. Bali regalo niya to nung new year na gusto niyang e share sa ibang tao. Nakatoun lahat ng tao kai Sandro na busy sa pag sasalita sa harap at yung mga guards naman ay nakabantay. Nakatayo lang din ako sa likod ng audience dahil may plano akong kompirmahin kung si Kian ba talaga ang may gawa nun. Imposibleng mawala lang siya agad na parang bula sa camera team, after that incident hindi na namin siya nakita.
"Di parin ba pumapasok si Kian??" tanong ko sa mga kasamahan niya habang kumukuha ng video kai Sandro.
"Di parin, Mia eh. Ewan ko ba dun. Nawala nalang bigla. Galit na nga si Sir, Ken eh." tukoy niya sa handler nila.
"Matanong ko lang, Kuya. Nung insidenting may namaril kai Sandro. May nakatuka bang nag video nun?? Kahit saang angulo???" kailangan kung mag-imbestiga dahil di ako titigilan ng utak ko kakaisip sa pag sagot ng mga tanong.
"Lahat naman ng napupuntahan ni Boss, Sandro naka record yun. Try mo mag tanong kela Miko, yung medyo tabain. Yun oh." turo niya sa lalaking nakatayo malapit sa stage. Siya daw ang natuka nun malapit sa kinatatayuan ni Sandro that time.
"Sige, kuya. Maraming salamat." tinapik ko siya sa balikat na tinanguan lang ako. Pinuntahan ko agad si Sir, Miko. "Sir??" pagkalapit ko sakanya.
"Oh, Mia? May kailangan ka???" aniya.
"Sir, pwede ko bang matignan yung narecord mo last activity ni Boss??"
"Bakit?? May nangyari ba???"
"Wala naman po. May nawawala kasi akong gamit, baka lang nahagip ng cam kung sino kumuha." pagsisinungaling ko pa dahil di nila basta-basta ibibigay yan sakin. Tumango lang siya saka binigay yung SD card at bumalik ako sa table kung saan nandun ang laptop ko. Sana talaga may makuha akong sagot.
Iniscan ko lahat ng angulo ng bawat video at saktong nahagip dun kung saan nakatayo si Kian na may palihim na kinuha sa bag niya at pumwesto sa likod ng poste na medyo may kalayuan sa kinatatayuan ni Sandro. Maybinunot lang siya sa parang likoran na at dun tinotok niya ang baril kai Sandro saka pinaputok na ikinagulat ko.
"May problema ba??" tanong ni Sir, Miko. Ayokong malaman niyang may alam na ako.
"Ah? Wala po. Nakita ko na yung gamit ko. Nahulog lang pala. Wait kunin ko lang yung SD card." palusot ko sagad kinopya yung video sa laptop ko dahil parang may mali talaga sa pangyayari. Bakit di man lang nila ito nireport or nireview para mapakita sa police.
After kung ma copy yun ay binalik ko na agad ang SD card kai Sir, Miko. Patay malisya nalang akong nag lakad paalis kasi ayokong mapaghalataan na meron na akong alam. Natapos na si Sandro sa pagsasalita at nakaupo nalang siya sa harap na pasimpling tumitingin sakin. Ngayong may alam na ako, alam ko rin na delikado tung ginagawa ko,
"Hey? Are you okay??" pasimple niyang pagtabi sakin.
"Okay lang ako, Boss. May kailangan ka??" iniisip ko pa kung paano ko sasabihin kai Sandro yung nalalaman ko. Magiging mitsa to ng gulo pero kailangan niya talaga to malaman or else manganganib na naman yung buhay niya.
"Just chill, babe. Maraming guards. Nothing will happen to me." pag a-assure niya.
"Yang bibig mo! Baka may makarinig sa atin. Layo ka nga!" pag di-divert ko agad saka konti akong umusog kasi parang may nakatingin talaga sakin pero di ko alam saang banda or sino ba.
"Alright HAHAHA I'll have you at my office later." kumindat pa siya kaya pinandilatan ko agad siya ng mata saka ako lumingon-lingon sa paligid kasi baka may makarinig saamin. Buti nalang talaga yung ibang fans niya nasa malayong gawi. Minsan talaga makulit din tung si Sandro. "Kidding HAHAHAAHA love you.."
"Ferdinand Alexander!" pagbabanta ko agad then inangat niya ang kamay niya na parang sumusuko saka tumatawa. Tss.. kailangan pa talaga kompletohon pangalan bago tumino eh!
Natapos na ang programs and di parin namin winawala ang tingin kai Sandro dahil medyo maangat na siya ngayon at matunog ang pangalan kaya we always made sure na safe siya lagi. Busy siya kakapicture sa with his fans and nag-iisip ako kung paano ko sasabihin sakanya yung nalalaman ko. Wala akong mapagkakatiwalaan muna sa ngayon. Pagkapasok namin sa sasakyan ay dinumog parin ng fans ni Sandro ang pinto ng van at nanguusisa sa salamin ng biglang mahagip ng mata ko si Kian sa malayuan na nakatitig lang sa sasakyan namin. Kahit naman tinted tung van pero ang creepy parin niyang tumitig sa gawi namin.
"Kuya umalis na tayo." sabi ko agad pagkasakay ng body guards ni Sandro. Tinapik-tapik ko pa yung balikat ng driver niya.
"Easy, babe. Anong nangyayari sayo??" tumingin ako sa kinatatayuan ni Kian kanina kaso nawala na siya dun. Mas lalo akong kinabahan.
"Kuya, let's go. Please." pagmamakaawa ko na kasi iba yung takot ko this time pag si Sandro na pinag-uusapan.
"You look scared." pinaandar na agad nila yung sasakyan at dun ako nakahinga. Ano ba talagang motibo ni Kian at bakit niya ginagawa to?? "Are you okay? You look pale." inabot agad ni Sandro ang tubig na di ko pinansin kasi lumilingon parin ako sa likod kung may sumusunod ba saamin.
"May pag-uusapan tayo sa office mamaya." tipid ko lang sagot habang siya eh parang gulong-gulo pero di parin niya binitawan ang kamay ko.
Pagkarating namin sa HQ ay dumiretso na agad kami sa office niya dahil di na ako mapakali sa sobrang kaba. I need to tell him the truth, he needs to know the truth.
"What happened?" tanong niya agad nung nakapasok kami sa office. Sinara ko muna ang pintuan at nag check ng mga ilalim ng table and chairs to make sure walang spy recorder. "What the hell is going on?? Kanina ka pa di mapakali." gulong-gulo na siya dahil sa inaakto ko.
"About the gun shoot incident. I found the culprit." sabi ko habang tinitignan siya ng diretso sa mata.
"How???"
"I got the video from Sir, Miko nung nag vi-video siya that time sa kabilang side kung saan galing ang putok ng baril." di ko nalang sinabi na di ito sinabi ni sir sakanya. "Here." saka ko pinakita ang copy ng video kanina sa phone ko. "This is you while delivering your speech. On the other side makikita mo si Kian na parang may binunut sa bag niya and tinago agad sa likod niya saka siya pumunta sa likod ng poste."
"That bastard!!" he said saka in-unbotton ang butones sa kanyang polo.
"You have to chill, Sandro. We have to think before making a move. Nawala siya agad sa team niya na parang bula. Wala tayong alam sa mga galaw niya. Earlier, nakita ko siya nakatayo sa malayo habang nakatingin sa sasakyan. Wala tayong alam sa takbo ng utak niya. Di ko nga alam kung anong motibo niya."
"That explains na parang takot na takot ka kanina. You don't need to worry, babe. Kaya ko ang sarili ko." niyakap niya agad ako saka hinalikan sa buhok. Ayokong may mangyaring masama sakanya.
YOU ARE READING
It could be us // Sandro Marcos (2)
AcakWould I fit in to your world? Would it be worth to take the risk?? Sandro Marcos Fan fiction.