Dahan-dahan akong bumangon sa kama dahil tulog na tulog pa ang asawa ko at ayaw ko siyang magising. Gusto ko e surprise siya pag gising niya dahil deserve ni Daddy Sandro ma surprise. Nakakapagod ang trabaho ng asawa ko but never ko yan narinig na nag reklamo, never yan napagod sa pag tulong sa kapwa niya. Tinignan ko muna siya saka nakiramdam if hindi ba siya nangising sa pag bangon ko. Okay, good. Naka tingkayad ako habang nag lalakad papuntang pintuan para hindi talaga niya marinig yung mga kibot ko. Mahina kjng pinihit ang pinto para makalabas at matagumpay naman kaya dahan-dahan ko naman iyong isinara.Tulog pa naman si Riley kaya malaya akong makakagalaw nito. Simula ng dumating si Fourth, Russell at Riley sa buhay namin, naging completo na yung pagkatao ko, as in, buong-buo. Hindi man ako nakaranas na may complete family but tinupad yun ni Sandro sakin yung promise niya na maranasan ko yun. Never siyang nag kulang na alalayan ako sa kung ano man ang mga desisyon na gusto kung gawin, mga bagay na nag papasaya sakin, lahat-lahat. Kaya bilib na bilib ako sa asawa ko dahil kahit late na yan makauwi galing trabaho, he always make sure na makapag-bond sa anak namin kahit sandali lang before bed time nila.
Kinuha ko yung cake na binake ko kagabi na tinago ko muna ng maayos para hindi niya makita yun. Ngayon ko pa lang lalagyan ng icing since tinuruan ako ni Honey mag bake, mag gawa ng icing at mag design. Iba talaga ang feeling na may kapatid kang babae kasi pwede mo hingan ng tulong anytime. I'm so lucky to have a sister-in-law like Honey and Ezra na yung walang awkwardness between saamin kasi pareho kaming nag kakaintindihan.
"Icing, here we come." kausap ko sa sarili ko at nag simula na mag crack ng egg saka e separate yung yolk sa egg white. I turned on the mixer at nag a-add ng sugar konti-konti hanggang sa matansya ko na yung gusto kung klasi na tamis sa icing. Ayaw ni Sandro nang masyadong matamis. After nag icing sa cake, I designed it with crushed cookies tapos candle for the final touch. Simple but made with love.
"Good morning Mom..."
"Ay apo!" napapitlag ako sa gulat dahil sa pag sulpot ni Fourth. "You startled me, Son. Sorry. You need anything?" ang aga niya kasing nagising. Alas 6:00 palang kasi eh.
"You should stop drinking coffee, Mom." sagot niya habang nag-uunat. Ayan na naman siya, pinapangaralan na naman ako na itigil na ang pag-inom ng kape. "I heard some noises so I went out to check." jusko. Yung anak ko, napaka-tapang. E check niya daw sino yung nag-iingay sa kusina.
"Next time, Fourth. Don't do that again. What if I was a burglar and hurt you." yumuko ako para mag pantay kaming dalawa at iniwas ang medyo mahaba niyang buhok na tumatabing sa kanyang mukha. "I know you're strong, anak. But in times like this, you have to think first before doing an action. Hindi ko kayang masaktan ka." I said then hugged him.
"Sorry, Mom." sagot niya habang magkayakap parin kami. Nawala saamin ang Kuya niya which is yung nakunan ako kaya ayaw kung masaktan ang anak ko kahit sino man sa kanilang tatlo.
"Ma...mam..mam.." kibot ni Russell na nag patigil sa pag yakapan namin ni Fourth. Hindi pa siya gaanong nakakapag-salita kaya puro ganyan lang ang alam niya.
"Good morning, baby brother." bati ni Fourth saka niyakap ang kapatid niya. Pinaaningkitan ko agad siya ng mata.
"Did you wake him up?" palagi niya yan ginagawa para may kasabtwan siya everytime lalabas ng kwarto. Bali nasa iisang kwarto lang si Fourth at Russell while Riley is staying in our room since sa crib naman siya natutulog.
"Nope." labas sa ilong niyang sagot. Mas lalo ko pa siyang pinaningkitan ng mata.
"What did your Dad told you about lying?" may halong authority kung sita. At age like Fourth, 3 years old. It's a good start to discipline them and teach them basic etiquettes, manners and proper behavior. Because, madadala na nila yan hanggang paglaki eh kasi inunahan mo na turuan habang bata pa.
YOU ARE READING
It could be us // Sandro Marcos (2)
AcakWould I fit in to your world? Would it be worth to take the risk?? Sandro Marcos Fan fiction.