CHAPTER 09

5.1K 171 26
                                    


Biglang bumara yung pagkain sa lalamunan ko dahil sa sinabi niya kanina kaya nung naka hanap ako ng chance na umalis eh umalis na agad ako sa office. Nakakahiya talaga. Alam kung magkikita pa kami mamaya pero di ko kaya siyang makita ngayon. Diko alam paano e-eexplain yung pasa niya sa noo.

Oras na para pumunta kami sa isang baranggay kaya kinatok ko siya agad sa office para umalis na kami. Tinititigan lang niya ako saka ngumingiti na parang nang-aasar. Kaasar talaga!

"Wag mo nga ako ngisihan ng ganyan."reklamo ko agad kasi nananadya na siya.

"Woy boss moko, wag kang ganyan." saka naman siya tumawa ulit. Shesh!

"Sabi mo eh. May schedule ka ngayon sa isang baranggay. Alis na tayo bago ka pa ma-late." at inantay ko lang siya sa pintuan habang siya eh ang laki parin ng ngisi sa mukha habang kinukuha ang kanyang mga gamit na dadalhin.

"Pikon ka ba??" sabi niya nung nadaan siya sa harap ko. Nananadya talaga eh!

"Di noh." pumasok na rin kami sa elevator na mas lalo pang nagpa awkward sa sitwasyon kasi kami lang dalawa ang nakasakay.

"Talaga?? Ngiti ka nga." ang kulit talaga nito.

"Yoko nga." para kaming bata na nag-aasaran dito sa elevator. "Yung pasa pala sa noo mo, Boss. Ahmm di ko sinasadya yan." pagiiba ko agad ng usapan.

"Ang sakit kaya nito. May kapalit yan dahil sa ginawa mo."

"Ano??"

"Treat me."

"Ang yaman-yaman mo tas magpapalibre ka sakin??" grabi talaga yung pangungulit niya.

"Dapat nga maging mabait ka sakin." napa-smirk nalang ako sa sinabi niya. Ang feeling talaga.

"At bakit naman??"

"Ting sweldo ngayon. Ayaw mo ba ma sweldohan??" biglang nag bago ang ihip ng hangin sa katawan ko dahil sa sinabi niya.

"Boss, gusto niyo ba ng tubig? Pagkain? Towel? May kailangan ka ba? Sabihin mo lang." saka pinagpagan ko pa ang balikat niya sa minasahi. Mahirap na ting sweldo pala baka pumalya, di ako sweldohan.

"HAHAHAHAHAHAHA yan pagdating sa pera, ginaganahan ka." halos nag echo ang tawa niya sa elevator sa sobrang lakas, ngayon ko lang siya nakitang tumawa na ganto kalakas. Sa sobra ko siyang tinititigan eh parang nag so-slow mo na siya habang tumatawa. Putik! Mia umayos ka! Gumising ka!

"Di naman, medyo lang. Sino ba kasing di gaganahan pag sweldo, diba??" pagbawi ko agad. Saktong pag bukas naman sa elevator kaya lumabas na agad kami at sumakay sa van.

Saktong oras naman kami nakarating sa isang baranggay kung saan mag bibigay ng food packs at kung ano-ano pa. Nag bigay lang ng kunting message si boss saka nag simula na ang bigayan. Tuwang-tuwa talaga ang mga tao sa kanya kasi aside sa mabait daw eh ang gwapo pa, totoo naman na gwapos siya, makulit nga lang tas mapang-asar.

"Mia.."

"Uy Kian. Naks! Pormang-porma sa jersey ah." pareho kami ng suot na jersey pero yung kanya eh na di-define yung muscles niya sa biceps.

"Medyo masikip nga eh." sabi niya saka inayos-ayos ang jersey shirt niya.

"Malaki lang talaga muscles mo." tumingin muna ako saglit sa gawi ni boss at balik naman kai Kian kaso nahagip ko agad siya na masama ang tingin samin habang nag-uusap sila ni Gov. Matt. Ano na naman bang pinoputok ng butchi nito?? Binigyan niya ako ng nakakamatay na tingin. Akala niya naman matatakot ako. Pinag patuloy ko lang ang pakikipag-usap kai Kian, nakikita ko lang siya sa gilid ng mata ko na papalapit sa gawi namin.

"Hey, Mia. Kailangan ka dun sa mga taga distribute." pagkalapit niya agad at pinutol ang pag-uusap namin ni Kian.

"Huh? Di naman ako naka assign dun ah..." pagtataka ko pa.

"Just go." irita niyang sagot. Wala akong nagawa kundi sundin siya kasi ting sweldo ngayon kaya kailangan maging mabait. Pumunta ako sa mga taga distribute at tumulong agad kasi nakikita ko yung ibang bata na ang saya-saya sa mga natatanggap nila.

"Ang ganda mo daw ate, sabi ng kasama ko." sabi nung bata na pagkalaki ang ngisi.

"Ay salamat HAHAHAHA..." nahiya tuloy ako sa compliment nila.

"Pano ba yan, palitan tayo dito sa krayola ah kasi isa lang to." dinig ko sabi nung bata sa likod ko. Nakita ko kausap niya yung nakakabata sa kanya, kapatid niya siguro yun.

"May problema ba??" nilapitan ko agad yung mga bata.

"Ate, isa lang po yung krayola na natanggap namin eh dalawa kaming nag-aaral." sabi nung mas nakakatanda.

"Bigyan ko nalang kayo ulit. Kunin ko muna." kumuha agad ako ng crayons malapit sa kinatatayuan ni Sandro.

"What happened??" tanong niya nung makalapit ako sakanya.

"Yung magkapatid, kulang daw ng crayons." turo ko agad sa magkakapatid na nakatingin sakin. Bumalik agad ako at ang saya-saya nila nung matanggap ang crayons at agad nila akong niyakap na niyakap ko naman sila pabalik.

"Thank you ate!!" saka tumakbo sila papunta sa Mama nila at yumakap. Nakakatuwa sila tignan.

"Seems like you missed your Mom." biglang sulpot ni Sandro sa likuran ko.

"Di ko naman sila nakita pero gusto ko maramdaman anong feeling na may magulang. Teka nga! Kanina kapa lapit ng lapit sakin. Lumayo ka konti baka maissue na naman ako nito eh!" lumayo agad ako sakanya at siya naman ay tawa ng tawa. Tumulong na ako sa pag-bibigay ng mga food packs kaso kailangan ilipat yung box dun malapit sa stage pero walang mag kakarga kasi busy lahat so ako nalang ang kumarga. Nawalan ako ng balanse dahil sa bigat ng dala ko.

"Mia!" sabay na sigaw ni Sandro saka ni Kian na ngayon eh nakahawak na sakin pareho. Ay wow ano to, teleserye?? Umayos agad ako ng tayo kasi napapagitnaan nila akong dalawa tas nakatingin na yung ibang volunteer saamin.

"Ay sorry po. Nawalan ako ng balanse. Sige po, tuloy lang kayo." pag hinging tawad ko sa mga naabala.

"Are you okay??"

"Okay ka lang??" sabay parin na pagkasabi ni Sandro at Kian.

"Okay lang ako. Chill lang kayo." iniwan ko sila agad na masyadong nag-kakainitan sa isa't-isa.

Natapos ang program na matiwasay at nakakapagod. Nakasakay narin kami sa van at tahimik lang kami pareho ni Sandro kasi natigil muna kadal-dalan ko kasi napagod ako kanina. Nakarating kami sa HQ pasado alas 5 kaya nung nakabalik ako sa cubicle eh trinabaho ko na ang kahapon na report. Ba't kaya ganon yung inasta ni Sandro kanina?? Napakagulo niya minsan.

"Mia???"

"Huh? Ay boss, bakit??" kasi nakita ko ng ni-wave niya ang kanyang palad malapit sa mukha ko.

"Tulala ka eh. Out na tayo." aniya. Tinignan ko agad ang relo ko. "I'm your boss. Pwede ka ng mag out. Libre mo na ako kasi sweldo mo naman ngayon." yun oh! Nabuhayan ako sa sinabi niya.

"Sige, sabi mo eh. Wag kang maarte kung san kita dadalhin." tumango siya agad saka ang laki ng ngiti.

It could be us // Sandro Marcos (2)Where stories live. Discover now