Pasado alas 9 ng umaga na kami nagising ni Sandro kasi panay ang reklamo niya kagabi dahil di niya maluto ng maayos yung turon. Buti nga tinuruan siya ni Honey kasi ang ingay talaga nila mag luto nila Simon kagabi kaya di na nakapag timpi yung misis niya kaya bumaba kasi baka magising yung mga bata sa ingay nila sa kusina. Paano ba naman kasi kada talsik ng mantika pareho silang nag tatatalon sa takot matalsikan. Natatawa nalang ako habang pinapanoud sila sa counter table, nakipag videocall pa sila kai Vinny na nasa Manila, ayon pinag tawanan silang dalawa sa pagluto. Si Honey na mismo ang nag luto ng turon dahil natatawa narin siya sa asawa niyang natatakot matalsikan ng mantika. Nag movie marathon narin kaming apat nung maluto na yung turon kaya ayan late na kaming nagising. Napag desisyonan namin kagabi na hapon na kami uuwi para makapag bonding naman kami sakanila."Babe, gising na. Alas 9 na oh..."niyogyog ko pa si Sandro na tulog parin at nag takip lang ng unan sa mukha. "Pag si baby nalipasan ng gutom, lagot ka talaga!" dumilat agad ang mata niya at agad siyang bumangon.
"Halika na, kakain na tayo." aya niya agad.
"Mag damit ka nga! Baka makita ka ng mga anak ni Simon." binato ko agad yung t-shirt sakanya at sinout niya naman ito saka pumunta sa banyo para mag momog. After niyang mag hilamos at mag momog, ako naman sumunod. Bumaba narin kami para kumain, baka kanina pa gising sila Honey.
"Good morning lovers!" bati agad ni Simon samin nung magka hawak kamay kaming bumaba ni Sandro sa hagdan.
"Good morning, fucker!" tinampal ko agad siya sa balikat kasi anjan yung mga anak ni Simon kumakain.
"Kung ano-anong natututunan ng mga anak ko sainyong mag kapatid ha! Mag walang katuturan!" panenermon ni Honey.
"Tinuturuan nila yung mga anak ko ng kung ano-ano." dagdag pa ni Simon.
"Lalo ka na! Kung ano-ano naririnig ng mga anak mo sayo kaya ginagaya ka nila." nag kamot nalang sa batok si Simon habang natatawa sa misis niyang nakapamewang na habang sinesermonan siya. "Alam niyo ba nung nag away kami sabi ng mga anak ko mag make love daw kami. Jusko nawindang ang kaluluwa ko!" ayan kasi puro katarantaduhan rin pala tung si Simon, lalong-lalo na si Vinny.
"Yan kasi puro ka kalokohan!" asar ni Sandro kai Simon. Binalingan ko agad siya ng tingin as if di siya ganyan.
"Sus! Akala mo talaga di rin gumagawa ng kalokohan!" saway ko agad. Natatawa nalang kaming naupo sa dining.
"We'll have a barbecue party for lunch." sabi ni Simon. Shalan sa barbecue party.
"That's great! Honey will surely cook the barbeque, you don't know how to cook." asar na naman ni Sandro.
"As if you know how to cook." bara ni Simon.
"Pareho naman kayo di marunong mag luto." sabay pa naming sagot ni Honey. Nagkatinginan kami saka tumawa. Para na talaga kaming magkapatid.
"Excuse me???" sabay rin na sagot nila Sandro at Simon. Nag katinginan naman sila at nag irapan. Parehong maattitude.
"Tito and Daddy are very noisy. Eat in silence." reklamo ni Gianna habang sinusubuan ni Honey.
"Ayan napag sabihan tuloy kayo nang bata." ngumiwi pa si Honey sakanilang dalawa. Kumain na lang kami ng tahimik kasi baka mapagsabihan na naman kami ni Gian.
Pag katapos namin kumain, tumulong na ako kai Honey na mag ligpit ng pinagkainan at mag hugas ng pinggan habang nag chi-chikahan. Nag aayos naman ang mga boys ng grill para sa barbecue mamaya. Nag offer si Honey ng pag kakakitaan ko kasi nakwento ko na ang buhay ko sakanya at pareho nga kami na hindi sanay na walang ginagawa sa bahay man or sa labas, ayon nag offer siya na pwde akong maging investor sa restaurant and boutique niya. Sabi ko pag-iisipan ko muna kasi di ko pa na check yung bank account ko kung magkano na ba talaga naipon ko lahat-lahat.
After namin sa lahat ng gawain. Nag marinate na kami ng karne at nag hiwa-hiwa ng mga sangkap. Nakakatuwa ka bonding si Honey kasi pareho kaming madaldal at di nauubusan ng kwento. Magaling din siya sa lahat ng bagay especially sa arts. Lahat ng design sa bahay nila ay puro gawa niya. Nakakabilib talaga yung galing niya.
"Go play with Tito Sandro and Daddy." sabi ni Honey sa mga anak niya habang nag sisimula na silang mag grill ng karne.
"Mahirap ba mag buntis, Sis?" tanong ko sakanya.
"Medyo, di kasi ako makagalaw-galaw nun pero madali nalang dahil may magaling akong asawa and for sure ganon din si Sandro sayo. Less stress pag may nag aalagang mister." saka siya kumindat sakin. Double meaning yun kaya natatawa nalang ako. Pati din pala siya eh maharot din kagaya ko. Nakikipag laro na si Honey sa mga anak niya at ang mga boys naman ay nag pa-paypay na sa grill. Malawak ang garden nila dito kaya sariwa talaga ang hangin. Naupo muna ako at pinag masdan sila Honey na nakikipagkulitan sa mga anak niya. Ang saya niya tignan. Excited na ako para sa baby ko na lumabas sa mundo. Wala akong mga magulang kaya di ko hahayaang maramdaman nang anak ko ang naramdaman ko dati. Pupunuin ko siya ng pag mamahal at supporta.
"Malapit na rin tayo umabot dyan, babe. Antay ka lang." minsan parang kabuti tung asawa ko. Sumusulpot nalang bigla sa kung saan-saan.
"Excited na nga ako eh." niyakap niya agad ako at hinawak-hawakan ang tiyan ko. Tinitignan lang namin silang mag-asawa na nakikipag kulitan sa mga anak nila.
"Balik lang ako dun, babe. Umupo kalang diyan para di ka mapagod. I love you..." sabi niya.
"I love you too..." bumalik na siya agad sa grill at tinitignan lang ako habang nag pa-paypay. Nag scroll muna ako sa phone para makibalita sa mga nagaganap sa paligid. Unang bunggad palang eh announcement na sa pagkapanalo ni Daddy ang nakita ko. OMG! "PANALO SI DADDY!!!" sigaw ko agad. Nagulat silang lahat at nag silapitan sakin.
"WHAT?! PANALO SI DAD?! OMG YEHEY!!" nag tatalon si Sandro, Simon at Honey. Ako naman nag papapalakpak sa tuwa. Thank you Lord!!
"GRANDPA IS THE NEW PRESIDENT!!! YEHEY!" sigaw ng mga bata at nakikipag celebrate narin saamin. Biglang tumunog yung phone ko at si Miss, Chena tumatawag.
"Good morning, Ma'am."
"Oh Mia, di ko macontact si Sir, Sandro. NANALO SIYA!!!" gulat na gulat ako sa sinabi niya.
"What happen???" pag-aalala agad ni Sandro.
"Panalo ka!!!! PANALO KA BABE!!!!" nagulat naman silang lahat pero napalitan agad ng tuwa!!! Grabi double blessings para saaming ito! Salamat Lord!
"Salamat, Miss, Chena! Salamat talaga. Kausapin ka daw ni Boss, Sandro." binigay ko agad ang phone ko kai Sandro para magkausap sila.
"Thank you Lord!!!" Nag tatatalon na kami ni Honey sa tuwa pati ang mga bata nagagalak rin sa balita na nanalo si Daddy at Sandro sa election. Maraming salamat Panginoon!
Natapos na mag-usap si Sandro at Miss, Chena kaya niyakap ko agad siya sa tuwa at nag congratulate. Masayang-masaya ako para sa asawa ko dahil binigyan siya ng pagkakataon ng kababayan namin na patunayan ang kanyang kakayahan.
YOU ARE READING
It could be us // Sandro Marcos (2)
RandomWould I fit in to your world? Would it be worth to take the risk?? Sandro Marcos Fan fiction.