Pasado alas 12 nung mag simula na ang mga putukan at masaya ako na sinalubong ang bagong taon kasama ang pamilya ni Sandro. Ang saya pala talaga kapag kasama may kasama kang pamilya sa ganitong mga celebrasyon. Kasabay ng pag tatarotot namin ang bawat pag putok ng mga fireworks. Ang saya ng pamilya nila. Masaya ako dahil na exprience ko tung ganito dahil kai Sandro. Masaya siyang tumatalon kasama ang Mommy niya kasi inaasar siya ni Vinny na baka tumaas pa raw sila. Nakaktuwa talaga ang pamilya nila.
"HAPPY NEW YEAR!!!!" sabay-sabay naming sigaw. Matapos nun ay nag simula na kaming kumain at nag kwentohan. Ang gaan sa pakiramdam yung pamilya ni Sandro kasi di mo ma-feel na di ako belong. Konting kibot, ku-kumustahin nila agad ako.
"Malamig na kamay mo. Wait." hinubad agad ni Sandro ang jacket niya saka isinuot yun sakin.
"You always call me cheesy for being sweet to my wife, but look at you now?? HAHAHA" pag-asar agad ni Simon.
"Leave them alone, love." saway agad ng kanyang asawa.
"Yeah you should listen to your wife, Simon." pikon na sagot ni Sandro.
"You both stop it HAHAHA para kayong bata." singit ni Vinny. "look at me. I'm the only bachelor here." proud na sabi pa ni Vinny na ikinatawa naming lahat kasi ang cute ng pagkasapi niya pero sinampal lang siya ng anak ni Simon. "hey, don't slap Tito's baby face." at pinisil-pisil nito ang pisnge ng bata.
"Harper, isn't interested in your face. Look." turo agad ni Simon sa anak niyang kalong ni Honey na masama ang tingin kai Vinny.
"Your son looks like judging my soul. But since he's cute, I'll just let it pass."
"He doesn't like bad faces, Vin." ani ni Sandro na tinawanan agad ni Simon at nag appiran sila.
"Okay stop the fight. Let's eat." sabi ni Tita na tuwang-tuwa makita ang kanyang anak na nag-aasaran.
Natapos na akong kumain at kinakandong ni Sandro ang isang anak ni Honey na si Emman or mini Simon daw. Ayon sinusubuan namin siya ng pakonti-konting baby food niya. Tuwang-tuwa siya everytime nilalaro ko siya habang pinapakain. Napakabungi-ngis na bata talaga.
"Pwede na ba tayong mag baby??" tanong agad ni Sandro.
"Heh! Di pa pwede noh! Marami ka pang responsibilities na dapat gawin. Dadating din tayo dyan." malaki agad ang ngisi niya dahil sa sinabi ko. Ang cute nilang tignan habang kinakandong ni Sandro si Emman at nilalaro ang kanyang kamay. Nagulat pa kami nung nag baby talk si Emman.
"Ma..mama" kibot-kibot ni Emman.
"Emman said his first word!" gulat ni Sandro at nag unahan lumapit sila Tito at Tita para marinig yun.
"Say it again apo..." ani ni Tita.
"Ma--mamamama..." patuloy na sabi ni Emman na sa tuwa nila Tita eh napa-papalakpak sila. Maswerte ang mga batang to na napapaligiran sila ng mga taong mababait at mapagmahal.
"Ohhh... come here, Apo." kinuha agad ni Tita si Emman saka nilaro-laro kasama si Tito.
"Are you okay, babe??" tanong agad ni Sandro.
"Yes naman. Thank you for inviting me here. First time ko mag bagong taon na may kasama, ang saya. Masayang-masaya talaga ako." inabot ko agad ang kamay niya para mahawakan.
"I'm happy that you are happy, babe. I love you."
"Jeez! You guys get a room. Respeto sa single naman oh." singit agad ni Vinny kasi sweet na rin sa isa't-isa ang mag-asawang Simon at Honey.
"Mag girlfriend ka na kasi." sabi ni Honey.
"Yan kasi! Having two girlfriends at the same time. Kakarmahin ka rin." gatong ni Simon.
"Magiging bachelor ka na until you get old." isang gatong pa ni Sandro.
"Never gonna happen! I'm still enjoying my life." ani ni Vinny.
"If you say so HAHAHAHA" sabay na sagot ni Sandro at Simon na humagalpak pa ng tawa. Medyo nainom na rin kami ng konti dahil gumaya sakin si Sandro na di wine ng ininom kundi beer.
"Anyways... punta muna kaming swing. Nakakasawa tignan pag mumukha niyo." referring to Simon and Vinny.
"The feeling is mutual" sabay na sagot ni Simon at Vinny na nag katinginan pa bago tumawa.
"Lunatics. Let's go, babe." tumayo na agad kami para pumunta sa swing area nila. Grabi ang lawak talaga ng garden nila. Kahit pa magtatatakbo ako dito talagang mapapagod ako sa sobrang lawak. Nakarating kami sa swing area nila. Ang ganda dito at mas lalong umaliwalas ang hangin. Romantic tignan dahil sa mga lights. Umupo kami sa swing at ninanamdam ang simoy ng hangin at ang katahimikan ng paligid.
"Alam mo ba dati, tuwing bagong taon dun ako sa simbahan tumatambay kasi dun feel ko may kasama ako habang sinasalubong ang bagong taon. Ito lang siguro yung new year na naging masaya ako." pag kwento ko pa habang mahinang nag swi-swing.
"Bakit naman??"
"Dahil sayo at sa pamilya mo. Ramdam ko ang sobrang init ng pag tanggap nila saakin. Masayang-masaya ako dahil sayo, Sandro." tinitignan ko siya sa mata habang sinasabi yun.
"Ako ang mas masaya dahil nandito ka. Thank you for giving me a chance, babe. Mahal na mahal kita." tumayo siya agad sa swing saka inaya akong sumayaw.
"Para tayong baliw na sasayaw dito kahit walang music." basag ko pa.
"Let the nature be our music." he said in a husky voice. Inilagay niya agad ang mga kamay ko sa batok niya at hinawakan niya ako sa magkabilang bewang. Nag simula kaming mag sayaw na parang kami lang ang tao sa mundo at ang huni ng hangin ang aming tugtug. "I love you, babe." sabi niya na hindi pinuputol ang aming titigan. Inantay ko talaga mag 12:59 bago ko to gawin sakanya. Inilapit ko bahagya ang mukha ko sakanya saka hinalikan siya sa labi.
"Happy new year, Sandro." sabi ko nung matapos ang halik tas siya mukhang gulat na gulat. Hinalikan niya ako pabalik at dun mas pinalalim pa niya. Naging romantic ang gabing iyon para saaming dalawa.
YOU ARE READING
It could be us // Sandro Marcos (2)
RandomWould I fit in to your world? Would it be worth to take the risk?? Sandro Marcos Fan fiction.