CHAPTER 33

5K 141 2
                                    


"Son, what ever the result of the election, win or loss, your mother and I are very proud of you. And also I would like to say thank you sa mga tumulong kai Sandro and his allies all through out his campaign. Maraming salamat sainyong lahat." sabi ni Dad habang naka video call through big screen dito sa conference room dahil busy din sila sa head quarters sa Manila para sa monitoring of votes. Nag palakpakan naman ang mga staff na nakasama namin dito sa conference room dahil di rin madali yung trabaho nila kahit di palang nag ca-campaign.

"Thanks, Dad. Balitaan niyo lang kami always sa status niyo jan. Mom, I'll see you soon. Ingat kayo and I love you both." parang naiiyak si Mommy Liza nung nag salita si Sandro. Nakwento kasi ni Mom dati na di madali yung pinagbuntis niya si Sandro hanggang sa lumaki na close na close sa kanya kaya na to-touch siyang nakikita na malaki na talaga ang naging baby niya noon.

"Also, I would like to congratulate you Sandro and Mi---"

"Dad! Thank you HAHAHAHA" buti nalang naputol agad ni Sandro si Daddy na magsalita or else narinig na ng boung tao dito sa conference room na kasal na kami. Natatawa naman si Dad na hinahampas-hampas ni Mommy at nag tatago sa camera habang tumatawa dahil muntikan na madulas si Dad na sabihin ang score namin ni Sandro.

"Alright HAHAHAHA anyways... keep safe always, Son. We'll see you soon. We have to go. Bye everyone." dun na nag end ng call si Daddy.

"Wag muna kayo umalis. May pa blow-out tayo today dahil masisipag kayo kaya mag bo-boodle fight tayo." announce ni Sandro na ikinatuwa ng mga staffs. Kaya mahal na mahal siya ng kababayan namin kasi pang masa talaga ang ugali at inuuna niya. "Babe, patawag naman si Honey para mag order sa restaurant nila." bulong niya sakin kaya tinawagan ko agad ang asawa ni Simon. Kakapanganak palang niya kaya di pami nagkikita ulit since naging asawa ako ni Sandro.

"Hello? Honey??" sabi ko nung sinagot na niya yung phone.

"Yes, sis??" sagot niya sa kabilang linya. Ohh... sweet.. Wala akong kapatid kaya ang gaan sa pakiramdamdam tawaging ganon.

"Si Sandro mag papa blow-out sa staffs niya, order sana kami nung pang boodle fight meal, dalawang order kasi madami kami ngayon dito."

"Okay. Noted, Sis. Ipapadala namin diyan in less than an hour. Bisita kayo dito if di na kayo busy para mag kwentohan tayo. Finally may sister narin ako!!" tili ni Honey sa kabilang linya. Pareho kami ng nararamdaman kasi may sister na rin ako.

"Hehehe sige, bibisita kami jan pag di na kami busy. Thank you, Sis. See you soon." en-end call ko na saka nag bumalik sa loob ng conference room kasi busy na sila sa pag-uusap sa loob.

"Okay na ba yung food??" tanong ni Sandro.

"Oo. Matatagalan lang ng konti pero keri na kasi maaga pa naman." tumango-tango lang siya saka nakinig sa mga staffs na nakikipag kwentohan at binabalikan yung mga epic na nangyari during campaign. Merong nahulog sa kanal, na slide, na dapa, nagka inlaban. Nakakatuwa pakinggan yung mga kwento nila.

"Medyo matatagalan daw onti yung food. I hope maintindihan niyo." paliwanag ni Sandro.

"Maaga pa naman, boss. Okay lang. Last meal together naman natin to." sagot nung isang staff niya.

"Bibigyan ko parin kayo ng trabaho kahit manalo or matalo man ako. Hindi lang ito ang last meal natin." nagagalak naman ang mga staff na marinig yung sinabi ni Sandro kasi mostly sa mga nag tra-trabaho dito as staff niya is temporary job lang talaga to so kapag natapos ang election eh back to normal na pero ayaw ni Sandro kaya nag-iisip kami nung isang araw pa kung anong pweding e offer sakanila na trabaho pagkatapos ng election kung matalo man yung asawa ko.

After ilang days pa bago malaman ang final result ng election and hoping kami na manalo ang asawa ko kasi determinado siyang mag silbi sa bayan and sinusuportahan ko siya dun dahil proud ako sa mga ginagawa at gagawin pa niya. Malaki ang tiwala ko sa asawa ko kaya alam kung sa tamang tao ako pumusta at sumuporta. Nakarating na yung food kaya sumali na ako sa pag set-up dun sa baba para maluwag ang space at di mag kalat sa taas.

"Isa to sa ma mi-miss ko pag natapos na tung trabaho natin, ate." sabi ko sa naging close ng staff dito sa HQ.

"Yiee...kami ba talaga ma-miss mo or si boss, Sandro? Naku! Kitang-kita namin mga titig mo sakanya ha nakoo..." pang-aasar niya. Wala pala silang idea about sa sataus namin ni Sandro so akala siguro nila secretary/boss secret lover lang kami HAHAHAHA...

"Di ah HAHAHA basta ma-mimiss ko to promise." nag aarange na kami ng pagkain sa lamesa at inaayos ang pagkakalagay ng kanin. Grabi yung mga seafoods oh ang lulusog at ang sasarap tignan. Natatakam na akong kumain grrr! Natapos kaming ayosin ay tinawag na namin ang lahat ng staffs saka si Sandro at nanalangin muna bago mag simulang kumain. Napuno ng saya at tawa ang lamesa habang kumakain kasi en-enjoy nila ang araw nato after all the hard work.

"You did well, babe." bulong ni Sandro na tinutukoy yung pagkaka-arrange nung boodle.

"Tinulungan ako ni Ate Dimps noh." kanina ko pa pinapapak yung mangga at shrimps kasi natatakam ako dun sa dalawa. "You also did well, babe. Congratulations my congressman." bulong ko naman sa kanya na ikinatawa niya.

"Yieeeee nag haharotan na naman ang secret loversss...." pang-aasar na ng lahat ng staffs.  Natatawa nalang ako sa mga panunukso nila kasi totoo naman na nag haharotan kami pero di nila alam na di lang kami secret lovers kundi secret married na talaga HAHAAHA...

Natapos ang araw na punong-puno ng saya at kwentohan, busog na busog lahat ng staff sa sobrang daming pagkain kaya nag balot sila para may mai-uwi sa pamilya nila. Ang saya-saya lang na makita silang masaya at mahal na mahal nila si Sandro kahit minsan masungit and asawa ko.

Pauwi na kami sa bahay at kiniwento ko na gusto ni Honey dumalaw daw kami sa bahay nila dahil nga mag sisters na kami. Pumayag naman si Sandro baka sa susunod daw na araw pupunta kami sa bahay nila Simon para narin makita yung mga pamangkin niya dahil namimiss na rin niya ang mga makukulit na yun.



It could be us // Sandro Marcos (2)Where stories live. Discover now