Dinala ko siya sa isang food park na di masyadong maraming tao. Para naman maka-enjoy siya ng di siya na dudumog. Nakabantay din naman yung guards niya kaya kampante na ako madala siya dito.
"Woah... this place is so cool." sabi niya saka pinalibot ang tingin sa paligid.
"Syempre Ilocos eh. Turo ka na anong gusto mo." lumingon siya agad sakin na nanlaki ang mata. "Oh bakit??"
"Ililibre mo talaga ako??"
"Ayaw mo??"
"I want that chicken skin, barbecue pork and chicken." turo niya sa tinda at masayang pinagkukuha agad ng tindera kasi marami siyang pinili.
"Ikaw mag babayad niya kasi di mo pa ako pinapasweldo HAHAHAHA" napa poker face agad siya.
"That's not fair ha! Pero sige, kuha ka na ng sayo." aniya.
"10 pork barbecue saka 5 cup rice, Ate."
"Kaya mo yan ubusin???" gulat na tanong niya.
"Yung guards mo, pakainin na rin natin kasi almost dinner narin naman." nakita ko sa reaction niya na mukha siyang proud sa sinabi ko.
"Magaling. Okay upo muna tayo." saka kami umupo sa may bench habang niluluto pa ang order namin. "Ang ganda dito." habang nakatitig siya sa tanawin. Wala ako sa wisyo na kinuha ang phone ko saka pinicturan siya kaso nag flash nung pag capture ko. "Are you taking pictures of me??" akala ko magagalit siya sa ginawa ko kasi kinuhanan ko siya ng picture na walang paalam. "Selfie tayo..." lumipat agad siya sa upuan ko saka siya ang humawak sa phone at nag picture. "Cute natin dito." sabay pakita sa picture namin na kinunan niya. Bakit iba na ang tibok ng puso ko. Parang di na parang dati tuwing nakikita ko si Sandro. Ano bang nangyayari sakin? "Tualala ka na naman." yugyug agad niya sakin.
"Maka yugyug ka Sandro ha." natawa naman siya saka nakipag picture ulit gamit phone niya. Nag pose nalang ako para di halata na andami kung iniisip dahil sakanya.
After ilang minutes ay dumating na rin ang food namin kaya inaya na namin ang body guards niya na sumabay kumain kaso nahihiya pero pinipilit ko talaga, dun naman natawa si Sandro. Enjoy na enjoy kami kumakain habang nag kwe-kwentohan kasama ng body guards niya. Ang saya na napapalibotan ka ng mga taong masaya kapag nakikita kang masaya.
Pagkatapos namin mag dinner eh tumambay muna kami dun kasi nagandahan si Sandro sa view at di niya alam kung kelan siya makakabalik ulit dito kasi magiging busy na siya dahil mag babagong taon na at next year is starting na ng campaign.
"Thanks for bringing me here. I didn't know na may ganto palang lugar na tago pero maganda." Aniya habang nakaharap kami sa dalampasigan.
"Soon. Ma de-develop na to. Marami na rin ang makakapunta dito." sabi ko. Mag katabi lang kami habang nakatoun ang attensyon sa dalampasigan at tinitignan ang mga bituin.
"What's your plan in life?" nagtaka ako sa tanong niya kasi out of nowhere ganyan talaga yung tanong niya? "I'm just curious."
"Hmm... sarili ko muna isipin ko. I mean, yung plan ko is para sa sarili ko muna which is makapagtrabaho sa ibang bansa. Kung papalarin na magka lovelife edi masaya. Eh ikaw ba??" balik kung tanong sakanya.
"Gusto kung tumulong talaga sa mga kababayan ko. Ito muna saka na love life. Focus muna ako dito. Swerte na rin kung magka lovelife ako na kayang intindihin yung trabaho ko." seryoso niyang sagot.
"Tama nga naman. Hindi rin madali yang trabaho mo. Ako nga secretary mo lang tas nalulula na ako pag tinitignan ko lahat ng schedule mo. Grabi noh nakakaya mo yun." saka ko lang na realized kung gaano ka hirap ang pagiging politician pero never ko narinig nag reklamo si Sandro kahit minu-minuto may tinatambak akong mga papeles sa table niya para permahan or basahin.
"Yeah... mahirap but worth it naman kung para sa mga kababayan ko. Magaan sa pakiramdam ang makatulong."
"Satrue." lumingon agad siya sa sinabi ko. Bakit na naman???
"What's 'satrue' mean?"
"Yan kasi spokening dollar ka. Ang meaning ng 'satrue' is pinag halong 'sakto' and 'true.' Ganern!"
"Oh wow... Amazing new words." siguro di pa talaga siya sanay sa mga ganong salita kasi kita ko yung pagkamangha sa mata niya.
"Ang lamig na ng panahon. Mag babagong taon na pala, marupok ka parin ba???" napa poker face nalang siya sa sinabi ko. Ako naman ang mang-aasar ngsyon sayo.
"I'm not marupok, okay? Masyado lang akong nag tiwala." pag dedepensa niya.
"Nag tiwala ka, okay, acceptable. Pero nung sinira na nga trust mo tas paulit-ulit na palang ginagawa sayo will never be okay. Ikaw yung klasi na taong di marunong gumanti eh pero binibigyan mo sila ng rason to take advantage of you. Kahit mapagmahal ka dapat marunong ka rin kumilatis who are you going to trust again."
"Your advice are so deep. Damn. Did someone hurt you???" naging seryoso agad siyang nakatingin sakin.
"Dahil na rin siguro yun sa mga experience na nangyari sa buhay ko. I only have myself to trust. Kung marunong kang magtiwala sa sarili mo, malalaman mo agad sinong mga tao ang pwede mong pagkatiwalaan. You know, di naman kasi all the time anjan yung pamilya or kaibigan mo para e-consult yung opinions nila regarding sa mga problema mo, sarili mo parin ang mag de-decision in the end."
"Good point. I love your advice." pag aagree pa niya. Masaya ako sa comment about sa advice ko sakanya. "Speaking of that... How do you spend your Christmas holidays or new years???"
"Sanay na ako mag-isa. Tuwing pasko eh nagsisimba lang ako tas kakain sa labas since walang trabaho niyan. Pag bagong taon naman eh natutulog nalang ako, di na ako naghahanda kasi mas mararamdaman kung mag-isa lang talaga ako." yan yung katotohanan na mahirap tanggapin eh. Masakit tanggapin na kahit kailan diko na experience mag pasko at mag bagong taon kasama ang pamilya.
"Spend your new years eve with us." Huh??
"Ano???"
"Dun ka mag bagong taon samin." pagulit pa niya.
"Bakit naman? Wag na nakakahiya noh!"
"Be our guest. Welcome ka sa family namin." Ba't parang iba yung meaning ng sinabi niya. Masyado yata akong na excite sa sinabi niya kasi imagine mag babagong taon na may makasama akong isang pamilya.
"Sige titignan ko." kunwari para di halatang gusto ko rin naman. Ang saya siguro pag may pamilyang kasama na sasalubong sa bagong taon.
"Alright... Here's your sweldo." sabay abot saakin ng sobre at agad ko naman tung tinignan.
"Teka sobra yata to, Sandro. Di pa ako nag dadalawang linggo as secretary mo ah."
"Kasama na bonus mo jan." Naks!! Napaka galante talaga. Kung ganito palagi ang sweldo ko edi di na ako mamroblema sa araw-araw na gastusin. Kahit boung buhay maging secretary niya ako.
"Thank you, Boss. Kung ganto lagi kalaki sweldo ko, kahit pa pang habang buhay magiging secretary mo ako."
"Be my girlfriend instead." He said without hesitations.
YOU ARE READING
It could be us // Sandro Marcos (2)
RandomWould I fit in to your world? Would it be worth to take the risk?? Sandro Marcos Fan fiction.