CHAPTER 28

5.3K 139 41
                                    

Nakaupo lang ako sa buhangin at nakaharap sa kawalan kasi parang sinasakal ako kapag nandun lang ako sa loob. Naiiyak ako dahil sa hindi ko alam na kadahilanan. Takot? Pressured? Feel of unfair? Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko na yun mababawi kasi permado na eh. Takot ako na pasukin yung totoo niyang mundo. Kahit sabihin kung mahal na mahal ko si Sandro ay di ko maitatangging mahirap siyang abutin kahit jowa ko na siya, ang layo ng agwat namin. Mayaman siya, nakapag-aral sa ibang bansa, galing sa high profile na pamilya, eh ako? Secretary lang niya. Ang gulo. Naguguluhan ako sa buhay nato. Takot ako, takot akong pasukin ang totoo niyang mundo, mundo niyang hindi ko naranasan kahit minsan. Kanina pa ako iyak ng iyak habang nakaharap sa dagat dahil at least dun nakakaramdam ako ng payapa. Ang emotional ko ngayon.

Naramdaman ko ang presensya ni Sandro sa likod ko pero di ko lang siya pinansin. Kasalanan ko din yun dahil diko binabasa yung mga pinipermahan ko. Ang tanga ko sa part na yun! Naiinis ako sa sarili ko! "Here... Malamig dito..." binalot niya ako ng blanket at naupo sa tabi ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Magulo pa ang isip ko dahil sa mga nangyayari. Mahal ko si Sandro pero hindi pa ako handang pasukin ang totoo niyang mundo. Hinayaan ko lang tumulo yung mga luha ko habang nakatingin sa kawalan. "Babe, look... I didn't mean to upset you. I know masyadong madali. Mahal kita kaya ako nag desisyon na pakasalan ka at the same time ma protectahan ka."

"Bakit hindi mo ako kinausap? Wala bang halaga sayo yung opinion ko? Hindi mo man lang ba kinonsider yung mararamdaman ko? I felt betrayed, Sandro. Yung part palang na di mo sinabi sakin about dyan eh araw-araw tayo nag kikita sa HQ, wala ka man lang sinabi sakin. Marami kang oras para sabihin sakin yung totoo but you choose na manahimik."

"Are you upset na natali kana sakin because di mo naman talaga ako mahal?" galit ko siyang tinignan after sa sinabi niya. How dare you?!

"Wag na wag mung gagamitin sakin yang linyahan mo na yan! Buong pagkatao at pagkababae ko binigay ko sayo! Kahit pa ibuhis ko ang buhay ko para sayo tapos qu-questionin mo yung pagmamahal ko sayo?! Ang galing!" pinakpakan ko pa siya. Nakita kung nag iba agad ang expression niya dahil na realized siguri niya yung kamalian niya.

"I'm sorry, babe. Hindi yan ang ibig kung sabihin. Please understand me..." akmang hahawakan na niya ang kamay ko pero umiwas ako agad.

"Understand you?! Inintindi mo ba ako?! Inintindi mo ba ako bago ka mag decision? Hindi mo alam kung gaano ako nag iisip gabi-gabi dahil lang sinasampal ako ng katotohanan kung gaano ka kataas. Na kaya ba talaga kitang abutin or panaginip lang to na pinipilit kung ayaw magising?"

"I understand your frustration, babe. Please huminahon ka muna. Let's talk na di ka sumisigaw. Please." pag mamakaawa na niya dahil halos habulin ko na ang sarili kung hininga sa kakaiyak habang nag sasalita.

"Ang unfair mo eh. Di mo man lang ako inisip kung anong mararamdaman ko kapag nilagay muna ako sa posisyon na yan. Mayaman/Mahirap tandem tayo, Sandro."

"The hell I care kung mahirap/mayaman tandem tayo. Mahal kita, yun ang importante. Mahal na mahal kita and I'm deeply sorry for doing this to you. I know this is bullshit but all I care is you. I want you, I love you. I'm really sorry for not considering you first kasi I know di ka papayag about this." napabuga nalang ako ng hangin sa sinabi niya. Nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya while saying those words. I know he loves me and so do I. But love is not just the bases para sa gantong sitwasyon. Masaydong madali, masyadong complicado. "Please, babe. Forgive me. I'll fix this. Please just don't leave me." dun na niya ako nahawakan sa kamay at dinampi iyon sa pisnge niya saka hinalikan.

"Masyadong complicated itong nangyayari. Hindi ko alam kung maayos mo pa to. Mahal kita, Sandro. Siguro ang dapat nalang natin gawin is lusutan tung gusot nato. Mag e-election na, wag na natin pang komplicaduhin pa yung sitwasyon."

"What do you mean? Are you breaking up with me?"

"Itinali mo na ako sayo tas sasabihin mo makikipag break ako?! Ano ba talaga?"

"So what do you mean?"

"Harapin nalang natin to. Andito na tayo." para parin siyang nalilito sa sinabi ko. Ako mismo nalilito pa rin sa nangyayari pero wala na kaming magagawa dahil kasal na kami. Ayoko na masyadong pa kompiladuhin ang lahat.

"Babe, kung napipilitan ka wag nalang natin to ituloy. Please."

"Wag ituloy? Tapos na nga eh. Andito na, San—" parang bumaliktad agad ang sikmura at naduwal ako bigla kaya napatayo agad si Sandro. Tuloy parin ako sa pagsusuka sa buhangin habang si Sandro nakahawak sa buhok ko para di ko masukahan.

"Are you okay??? Na stress kana yata, babe." Hindi ko pinakinggan yung sinasabi niya kasi nasusuka parin ako. Lately stress na talaga ako dahil malapit na ang election sama mo pa si Kian na di pa nahuhuli tapos ngayon, ito na naman. Nung maramdaman kung okay na ako, pinunasan ko agad ang gilid ng bibig ko. Nawalan ako sa kakasuka kaya muntikan na akong natumba at buti nalang nasalo ako ni Sandro. Kinarga niya agad ako papasok sa bahay dahil di ko kayang tumayo. Napaka helpless ko habang kinakarga niya at kitang-kita kung nag-aalala na siya sa nangyari sakin. Inihiga muna niya ako sa sofa saka siya kumuha ng tubig sa kusina.  "Uminom ka muna." abot niya sa basong may tubig. Medyo na papapikit na ako kasi hilong-hilo na talaga ako kaya pinikit ko muna ang mga mata ko nung makasandal ako sa sofa habang alalang nakatingin si Sandro sakin at pinunas-punasan niya ang noo kung pawis na pawis. "Don't worry, babe. I'll make sure na worth it tung ginagawa ko for you. Sorry kung umabot tayo sa ganito. Mahal na mahal kita, higit pa sa buhay ko." yan nalang ang last kung narinig sa sinabi ni Sandro kasi di ko na kinaya ang sakit ng ulo ko kaya napatulog nalang ako.

It could be us // Sandro Marcos (2)Where stories live. Discover now