CHAPTER 04

5.4K 191 69
                                    


Maaga akong gumayak para maaga akong papasok sa HQ. Tuloy-tuloy yung idlip ko sana kagabi kaya di na ako nakapag dinner. I made sure marami akong makakain for breakfast kasi for sure maraming gagawin. Tinitingnan ko palang yung schedule ni Boss, Sandro nalulula na ako sa sobrang daming gagawin niya. Kumain na ako agad after maligo at mag bihis, nag provide naman ng unifrom Boss kaya di na problema sakin ano isusuot, may pa jersey pa nga eh. Mag babaon nalang ako ng lunch since naparami luto ko ng adobo, share ko nalang yung iba sa staffs.

Pinasadahan ko muna ng tingin ang sarili ko sa salamin saka inayos yung buhok ko. Lumabas na rin ako para makaalis na kasi dadaanan ko pa yung mga asong pinapakain ko kada umaga. Kunting lakad lang naman ayon nakita ko agad yung mga aso sa tabi ng kalsada na tuwang-tuwa nung nakita nila ako. Nilapitan ko sila agad saka nilapag yung lalagyan ng pagkain nila, naaawa kasi ako sa kanila na halos mamatay na sa gutom at sobrang payat, di ko rin naman sila pwede amponin kasi bawal sa apartment ko ang may pets. After pakainin sila ay dun na ako sumakay ng tricycle papuntang HQ.

"Sa head quarter po ni Sandro." kilala naman dito yung head quarter nila boss kaya madaling matutuntun ng mga sasakyan. Di naman nagtagal eh dumating narin ako at inabot ang bayad agad sa driver saka pumasok na sa HQ.

Sumakay na kaagad ako ng elevator, aktong mag sasara na sana yung pinto may pumigil na kamay saka pumasok ang isang lalaking pamilyar sakin. Teka... saan ko ba to nakita?? Panaka-naka ko siyang tinignan at ayon nahuli niya akong nakatingin sa kanya.

"Mia???? As in Malina Isabelle Asuncion Mendoza?? Ikaw ba yan??" teka, ba't kilala niya ako??

"Sorry, magkakilala ba tayo?? Familiar yung mukha mo eh." tanong ko agad at pilit inaalala kung saan ko ba talaga siya nakita.

"Ako to, si Kian. Katrabaho mo sa bar dati." halaka oo nga noh?? Ay shocks! Kinalimotan ko na kasi yun na nag trabaho ako minsan dun, kasi naman, waitress ako dun sa bar pero yung ibang mga matatandang pumaparty eh gusto akong e take home or di kaya hinihipoan ng ibang lalaki habang nag se-serve, ayan nasapak ko yung customer na ng hipo sakin kaya natanggal ako sa trabaho, buti nalang talaga di ako hiningian ng bayad danyos.

"Oy, long time no see... Anong ginagawa mo dito??" nag kwe-kwentohan lang kami habang nakasakay sa elevator.

"Cameraman. Nag co-cover kami sa mga activities, charity works at kung ano-ano pa sa partido nila Sir, Sandro. Ikaw??"

"Secretary ako ni Sir, Sandro. Grabi nag katrabaho uli tayo. May ulam ka ba for lunch?? Punta ka sa office namin, bigyan kita ulam." pag offer ko agad. Naging magkaibigan naman kami nung nag trabaho ako sa bar so walang masama kung bigyan ko to ng ulam mamaya.

"Yun oh! Di ka parin nag-babago eh. Mapagbigay parin." pareho kaming natawa sa sinabi. "Oh dito na yung floor ko. Una na ako ha, see you sa lunch time." ngumiti lang ako. Pagkabukas ng pinto eh lumabas na siya agad.  Pinindot ko ulit ang button para mag sara na ang elevator.

Nakarating na ako sa 7th floor. Dumiretso agad ako sa office para makapag set-up sa mga anong kailangang gawin. Usually kasi daw mga 7am pumapasok si Boss, kailangan prepared na ang lahat bago paman siya dumating. Pag kapasok ko sa office, nilagay ko agad ang mga gamit ko sa desk saka nag walis saglit dahil maalikabok ang sahig, may sakit daw yung janitor kaya walang mag lilinis sa 7th floor especially sa office. Ayon after mag linis eh nag sulat ako sa sticky note sa mga anong naka schedule niya sa umaga.

"Hello. Good morning..." bati agad ni boss pagkapasok sa office.

"Good morning, Boss. Ready na po yung kape at schedule niyo." bumalik na agad ako sa desk para gawin yung ibang dapat gawin.

"Did you sweep the floor??" aniya habang tumitingin-tingin sa sahig.

"Ah yes... Bawal po?"

"No. Not at all. Pero may janitor naman ah."

"May sakit daw. Kaya ko naman gawin, Boss. Wag mo na ipagawa sa iba." nag buklat ako sa mga bagong documents na nakatambak sa desk ko para basahin yung ibang kailangan permahan ni Boss.

"Talagang kina-reer mo yung all around moto mo ah." umupo na siya saka uminom ng kape niya habang nag-babasa sa nakalagay sa stick notes na gagawin niya. "Ang cute ng penmanship mo." natawa siya kunti sa sinabi niya.

"Cute like me AHAHAHAHA"  pagpapatawa ko pa saka nag simulang mag edit ng layout for the tarps kasi nakatulog na nga ako kagabi kaya ayad diko nagawa.

"Sabi mo eh..." saka sumeryoso ang mukha niya. Grabi siya oh, parang di kumbinsido HAHAHAHA..

"Parang di ka kumbinsido, boss ah HAHAHAHA" natawa lang siya saglit saka seryoso na nakatoun ang attention sa cellphone. Bad mood ba siya??

Nanahimik nalang ako kasi parang wala yata siya sa mood ngayon para makipag-kwentohan. Nag nanakaw tingin lang ako sa gawi niya kasi seryoso talaga mukha niya habang nakatitig lang sa phone at halos mag connect ang dalawa niyang kilay sa sobrang kunot.

Naging abala nalang ako sa pag la-layout ng tarps para makita niya mamaya ang results. May naka sched siyang meeting sa conference room alas 8 kaya nag ready lang ako ng notebook at yung isang phone for the record.

"Boss, may meeting kayo ngayong 8." dun palang siya nabalik sa wisyo kasi ang lalim ng iniisip niya bago ko siya tinawag.

"Ah yeah..yeah thanks for reminding." aniya at inayos ang sarili niya saka tumayo. Nakasunod lang ako sa kanya papuntang conference room. Mukhang malalim yata iniisip niya kasi ang tamlay niya mag lakad di parehas kaninang umaga.

Pagkapasok namin sa conference room eh may mga iilan ng mga tao na nandun at lumapit naman agad kai boss para makipag fist bump. Nagsimula na rin ang meeting nung makumpleto na lahat ng participants, naka record naman yung phone ko so okay lang mag salita si boss. Naka-ready narin ang pakain kaya tumulong nalang akong e distribute sakto naman patapos na mag salita si boss saka mag dismiss. Bandang alas 12:49pm na nung makabalik kami sa office for lunch break.

Ni ready ko kaagad yung ibibigay kung ulam kai Kian, baka kasi dumating na yun. Saktong matapos ko lagyan yung isang paper plate eh may kumatok sa pintuan.

"Ako na, boss." dali-dali akong pumunta sa pinto. "Kian. Wait kunin ko muna yung ulam mo." bumalik agad ako sa table at naiwang bukas yung pintuan, binati naman ito ni Kian na tinanguan lang ni Boss, Sandro. "Oh ayan, ulam mo. Happy eating." di ko na siya pinatagal tumambay para naman makakain na siya agad. Bumalik na rin ako sa upuan para makakain na pero binigyan ko muna si Sandro.

"Is this adobo??" sabi niya agad pagka lapag ko ng plato sa table niya.

"Yes po. Masarap yan, ako nag luto eh. Kain na kayo." akmang aalis na ako sa harap niya, bigla akong natigilan dahil sa tanong niya.

"That cameraman. Is he your boyfriend perhaps??" lumingon muna ako sa gawi niya at nakita kung ang seryoso ng mukha niya na nag-aantay sa sagot ko.

"Si Kian?? Di ah! Ka-trabaho ko lang yun dati sa bar." biglang namilog ang kanyang mata sa sinabi ko. "As a waitress. Ang dumi ng iniisip mo boss HAHAHAHA" nakita kung naka hinga siya sa sinabi ko. Ano ba iniisip niya kasi??

"Oh I thought--- Nevermind. Thanks for the adobo. Ubusin ko to, kuha lang ako ng kanin."

"Ako na, Boss. Antay kalang jan." lumabas ako kaagad para kumuha ng kanin sa pantry. Bumalik narin ako kaagad para makakain na siya kasi may lakad pa kami mamaya sa isang baranggay.

"Thank you. Happy eating!" aniya pagkalapag ko ng kanin sa lamesa niya. Akmang babalik na ako sa table eh hinawakan niya agad ang pulsuhan ko.

"May kailangan kayo, Boss??" parang may gusto siyang sabihin pero parang nag pipigil lang siya.

"Nevermind. Kumain ka nalang." saka niya binitawan ang kamay ko. Lakas naman ng amats nito.

It could be us // Sandro Marcos (2)Where stories live. Discover now