Sumunod na kaagad ako papasok sa office kahit di parin ako maka get over sa nangyari kanina. Grabi siya, nawindang ang puso ko sa sobrang kaba sa ginawa niya. Pag kapasok is parang wala lang nangyari kasi naka-upo lang siya sa desk niya saka nag-babasa ng kung ano-ano. Kailangan ko na rin e print out yung layouts ko para matingnan niya na rin kaso na a-awkwardan galing narin sa nangyari kanina. Kaya mo to, Mia. Pagkatapos ma print ng layout eh lumapit agad ako sa table niya.
"Boss, ito na po yung layout ng tarps mo. If may gusto kayong e add or ibahin, sabihin niyo lang po." nilapag ko na agad yung printed layout.
"This is good. Less design but catchy tignan. Good job, Mia. I love this." aniya at tinitignan parin niya yung layouts.
"E se-send ko na agad yan sa mag pri-print, Boss."
"Alright. I'll go for this." tumingin lang siya saglit sakin saka ngumiti. Minsan ang gulo ni Boss. Mabait tas ilang minuto ang sungit tignan. Napaka moody talaga. May biglang kumatok kaya naman ako na nag bukas.
"Yes po??" tanong ko sa babae na nasa pinto.
"May cubicle na available na for you, Mia." sabi nung isang staff. Nag request kasi ako kahapon if pweding sa cubicle nalang ako sa tapat ng office ni Boss para naman may privacy rin siya.
"Oh okay po. Lilipat na ako mamaya." tumango naman yung staff saka umalis. Katapat lang ng pinto yung cubicle kaya incase may kailangan si Boss eh madali lang niya akong matatawag.
"What's that all about??" minsan talaga nakakagulat siya pag nagsalita bigla kasi ang lalim ng boses saka sanay ako na tahimik siya ngayong araw.
"Availabe na yung cubicle na katapat ng pinto nitong office, Boss. Dun ako pupwesto para may privacy naman kayo dito."
"Says who??" tanong niya agad then he leaned back sa upuan.
"Says me." inosente kung sagot.
"If I said no, susunod ka ba??"
"No." tipid kung sagot.
"Tss... Okay lang namn dito ka sa loob ng office ah. Ang sabihin mo umiiwas kalang kasi na fafall ka na." nagulat ako sa sinabi niya. Nag bibiro yata siya kaya bigla akong natawa pero ang serious nang mukha niya so naging seryoso ako bigla.
"Feeling mo, Boss. Dun nalang ako sa cubicle para naman may privacy ka. Wag ka mag alala mag katapat lang naman tayo, di mo ako masyadong ma mimiss." bawi ko sa biro niya kanina.
"Yeah right." huh?? Anong yeah right??
"San ba lakad natin mamaya, Boss??" pagiiba ko ng topic at bumalik na agad sa desk para mag lipit kasi bukas nalang ako mag lilipat ng gamit.
"Malalaman mo yan mamaya." naag kibit balikat nalang ako sa sinabi niya. May pakulo yata boss ko.
Natawagan ko narin yung mag pri-print ng tarpulin at umagree sila sa design para narin di mahirap ang pag print. Malapit na matapos ang working hours kaya unti-unti na ako nag ligpit at si Boss naman ay subsub sa kaka-laptop habang nag che-check ng mga papers. Mag aalas 6 na nung inaya na ako ni Boss lumabas.
"Lets go??" inantay pa niya ako sa pinto kasi kinukuha ko pa ang gamit ko.
"San ba kasi tayo pupunta, Boss??"
"Sandro" pag co-correct pa niya. "tapos na working hours." sabay na kami lumabas at tumungo sa elevator.
"Sabi mo eh. Saan nga tayo pupunta??"
"You'll see." tipid niyang sagot saka pinindot ang button pa basement parking.
"Daya nito. Nag-aaya tas secret ang pupuntahan." inayos-ayos ko pa buhok ko kasi medyo magulo na.
"Wag mo talian buhok mo."
"Huh?? Bakit?? Pangit ba??" di ko na tinuloy pag tali sa sinabi niya.
"Your neck looks seductive." namilog agad ang mata ko sa sinabi niya. Jusko ha!
"Hoy! Ikaw ha tinitignan mo ba yung leeg ko???" pumwesto agad ako sa harap niya saka siya tinitigan diretso sa mata.
"Ah--ahm... No." sabi niya na di halos makatingin ng diretso sakin.
"Liar! Di ka nga makatitig ng diretso sa mata ko. Shesh!" pangungulit ko habang hinuhuli yung mga tingin niya.
"Like this???" bigla niya akong hinawakan sa magkabilang balikat at sinandal sa pader ng elevator at diretsong tinitigan sa mata.
"Ahh... Sandro... lumayo ka nga." halos maamoy ko na ang hininga niya sa sobrang lapit namin sa isa't-isa.
"You look cute when you're blushing." he said without breaking our eye contact.
"Ano ba.. Hahaha... layo ka nga.." pilit ko siyang tinutulak pero masyado siyang malakas. Nararamdaman kung nag iinit ang pisnge ko. Why am I blushing??? Bigla nalang bumukas ang elevator ayon na divert yung attention niya kaya natulak ko siya agad. "Aist!" saka kunwari nag pagpag sa magkabila kung balikat.
"Grabi ka talaga! HAHAHAHA..." aniya saka hinawakan ang kamay ko palabas ng elevator at pumunta sa van. Sinapian ba tung boss ko? Kanina bad mood to ah tas ngayon sweet as candy.
"Bitaw nga..." kunwari kung bawi sa kamay pero hinigpitan niya lang yung hawakan.
"Don't force it. Di kita bibitawan." tigas ng ulo talaga.
Pumasok na kaagad kami sa van saka palang niya ako binitawan. Umandar na agad ang sasakyan nung maka-upo kami. San ba talaga kasi kami pupunta?? Buong byahi eh tahimik lang kami pareho hanggang sa makarating kami sa sosyal na restaurant.
"Anong ginagawa natin dito??" tanong ko agad nung makababa na kami.
"Dinner."
"Di ko to afford noh... Bahala ka jan wala akong pambayad dito." angal ko agad. Mukhang mamahalin dito kaya di ko to afford ganto.
"Tss... Ako nag offer, ako mang-lilibre. Tara." Tama ba yung dinig ko?? Ililibre niya ako?? Naks!! Sumunod kaagad ako sa kanya papasok sa restaurant. Grabi ang bongga dito. Shalan! Pagkakita sa staffs samin eh pinadiretso na kaagad kami sa private room at dun kitang-kita ang ganda ng view sa labas. Grabi ang ganda dito!
"Ang ganda dito, Boss. Grabi!!" pinalibot ko agad ang tingin ko sa kabouhan ng room kasi ang ganda talaga. First time kung maka punta dito.
"Sandro nga. Tss..." aniya at pinag masdan lang akong maaliw sa ganda ng view sa labas.
"Ay oo nga pala. Sandro hehehe..." nauna na siyang maupo sa table saka namn ako umupo kasi grabi ang ganda dito. Walang tao since private area at ang galante talaga tignan.
"First time here??" napatingin agad ako sa kanya na nakatingin lang din pala siya sakin.
"Ah oo... Sanay kasi ako sa turo-turo at karenderya kasi less gastos."
"Ang kuripot mo noh??"
"Medyo. Kasi pag di ako nag-ipon, kangkongan ako pupulutin." natawa namn siya sa sinabi ko.
"Oh well buti marunong ka mag save ng pera. That's good. Di ka nga ma utangan kahit hug lang HAHAHAHA" tawa pa niya.
"Aba syempre noh! Mahirap nah!" di naman nag tagal eh may dumating na waiter saka may bitbit na pagkain. Nag taka ako kasi di pa naman kami nakapag order ha.
"I made a reservation earlier and already order. Hope you like it." sabi niya. Tinitignan ko yung pagkain na nilapag sa harapo ko. Grabi amoy palang natatakam na ako!!
"Para san naman to, Sandro? May okasyon ba??" inamoy-amoy ko agad yung pagkain kasi nakakatakam kahit amoy palang.
Bigla akong natigilan sa ginawa ko sa sinabi niya at napatingin agad sa kanya. "I just wanna date you."
YOU ARE READING
It could be us // Sandro Marcos (2)
AléatoireWould I fit in to your world? Would it be worth to take the risk?? Sandro Marcos Fan fiction.