CHAPTER 26

5.2K 141 3
                                    

Nakarating ako ng rooftop kakasunod kay Andro. Kailangan ko siyang makausap para malaman kung bakit na kay Kian ang loyalty niya at hindi kai Sandro na mismong boss niya.

"Andro!" na corner na siya nung nasundan ko siya sa rooftop. "May itatanong lang ako sayo. Aminin mo lang ang totoo, tutulungan kita." pag kukumbinse ko pa dahil nakita kung natakot siya nung makita niya ako.

"Please, Ma'am. Nadamay lang ako. Diko talaga gusto yung ginawa ko. Pasensya na po" halos lumuhod na siya sa harap ko sa pag mamakaawa.

"Sagutin mo lang ako ng totoo kung bakit ka pumayag na gamitin ni Kian para maging mata niya sa loob ng head quarters ni Sandro? Ipapangako ko ang kaligtasan mo."

"Inutusan niya lang ako na bantayan bawat galaw mo kapalit ng di niya sasabihin na drug adik ako. Ma'am, parang awa niyo na. Malalagot ako ni Sir, Miko kung malaman niyang gumagamit parin ako." pagmamakaawa na niya.

Jusko! Malaking problema talaga yan pag nalaman ni Sir, Miko na gumagamit siya dahil isa yan sa bawal dito sa HQ. "Tinakot ka ba niyang isusumbong ka sa pulis pag dika pumapayag sa utos niya?"

"Oo! Ayokong malaman ng isa kung anak na gumamit ako. Tumigil na rin ako maam kaso may pananakot si Kian na pwede niyang gamitin laban sakin kaya nahahawakan niya ako sa leeg. Ma'am parang awa niyo na... Ayokong malaman to ni Sir, Miko dahil matatanggal agad ako, may anak pa akong binubuhay. Parang awa niyo na, Ma'am." nakaluhod na siyang lumapit sakin at nakikits ko ang takot at pagsisisi sa mata niya. Napa-buntong hininga nalang ako dahil sa sitwasyon niya.

"Tumayo ka na diyan. Please lang ayosin mo ang buhay mo dahil may anak ka pang binubuhay. Maawa ka sa anak mo..." napa yuko nalang siya sa sinabi ko habang umiiyak. "Hindi ko to sasabihin kai Sir, Miko. Gagawa ako ng paraan para di ka magagalaw ni Kian."

"Talaga, Ma'am?? Maraming salamat. Maraming salamat talaga Ma'am." Hinawakan niya agad ako sa kamay saka nag pasalamat. Pinauna ko na siyang bumaba para di mag taka ang ibang tao kung anong ginagawa niya sa rooftop. Napatingin nalang ako sa malayo dahil sa dami kung iniisip. Ang laking sakit ng ulo si Kian. Nababaliw na talaga siya! Yung obsession niya to highest level!

Di na ako nag tagal sa rooftop dahil marami pa akong kailangan trabahuin at kailangan isipin sa mga susunod na hakbang para tuluyan na talagang mahuli si Kian, habang tumatagal lalo akong kinakabahan sa kaligtasan ni Sandro dahil hindi ko alam ang tumatakbo sa utak ni Kian at kung gaano kalala ang gawin niya.

"Babe? Nakikinig ka ba?" napabalik ako sa wisyo dahil kai Sandro.

"Ah? Oo. Nililista ko na lahat ng kailangan mo."

"Alright. Good. So continue, last batch ng—" di na siya natapos sa sinabi niya dahil biglang tumunog yung phone ko na nakalimutan kung e vibrate mode.

"Sorry. Sagutin ko lang to." nakita kung number lang ang nakalagay pero baka emergency kaya sinagot ko nalang. Magkaharap lang kami ni Sandro kaya tinitignan lang niya ako habang may kausap sa phone.

"Malina? Malina, ikaw ba ito?" sabi sa kabilang linya.

"Good afternoon. Yes po this is Malina speaking. Who's this?"

"Kapit bahay to ni Tiyo Carding mo. Wag ka sana mabibigla, Iha. Wala na ang tiyohin mo. Tinatawagan ka namin kahapon kaso di ka ma kontak." parang nag balik lahat ang mga masasakit na alala na ginawa ng tiyohin ko sakin. Kahat ng pananakit, pag-aalipusta, panduduro. "Iha? Hello? Anjan ka pa?" hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko na ikinatayo agad ni Sandro at lumapit sakin. Binaba ko ang phone kahit nag sasalita pa ang kabilang linya. Lahat ng pasakit naranasan ko sakanya ni hindi ko naisip gumanti or magalit dahil malaki ang utang na loob ko sakanila sa pag alaga sakin kahit pinagmamalupitan niya ako.

"What happened, babe?? Drink some water." hinayaan ko lang tumulo ang mga luha ko habang nakatingin sa kawalan. Natapos ang buhay nang tiyohin ko na di man lang naka hingi ng tawad saakin. Yung trauma at sakit, andito pa. Pero never akong nag-isip na pag higantihan siya. Pinabayaan lang muna ako ni Sandro na umiyak hanggang sa wala ng tumutulong luha galing sa mata ko.

"Wala na yung tiyohin ko. Kailangan kung umuwi sa Bangui mamaya."

"Samahan kita."

"Wag na. Mas kailangan ka ng mga tao dito, babe. Marami ka pang dapat asikasohin dito. Babalik ako pagkatapos mailibing yung tiyohin ko." pag iinsist ko na dahil alam kung pipilitin niyang sumama.

"Di mo na ba ako mahal?" sabi niya na parang bata at pinasalikop ang dalawa niyang kamay.

"Mahal kita kaya naiintidahan ko na marami kang dapat asikasuhin bukod sakin. Hindi lang saakin umiikot and mundo mo, Sandro. Mahal kita kaya gusto ko gawin mo ang tungkulin mo kaysa samahan ako. Babalik ako, pangako yan." napa buntong hininga nalang siya sa sinabi ko dahil di ko talaga siya papayagang sumama.

"Use my car. And please don't insist. For your own safety din yan, hanggat di pa nahuhuli si Kian kailangan kitang bantayan." pag mamatigas niya. Sumang-ayon nalang ako dahil kapag nakipagtalo ako eh sumama na siya.

After ng office hours eh nag paalam na ako kai Sandro na uuwi na sa apartment bago umuwi ng Bangui. Nag dala lang ako ng extrang mga pamalit at bumyahi na pauwi ng Bangui, isang guard ni Sandro ang nag drive sa sasakyan dahil inutusan niyang sumama sakin para bantayan ako.

Nakarating kami sa Bangui pasado alas 9 na ng gabi dahil natagalan kami sa byahi. Nag tungo agad ako sa luma naming bahay kung saan doon daw ang burol ng tiyohin ko. Para akong na su-suffocate pagkakita ko palang sa lumang bahay namin kung saan naaalala ko ang childhood ko na puro pasa ang katawan ko at halos malagutan ng hininga sa kakapalo nang tiyohin ko. Nakita kung maraming tao ang nandun at ang mga kapatid ng tiyohin kung mata pobre din.

"Ikaw ba si Malina?? Ako yung tumawag sayo kanina, Iha." sabi nung may katandaan ng babae. Siya yung kapit bahay namin na halos di ko na matandaan ang dating itsura niya.

"Opo. Magandang gabi po. Salamat at tinawagan niyo ako." sinamahan niya akong makpasok sa loob para matingnan ko ang kabaong ng Tiyohin ko. Parang nawawalan ng lakas ang mga paa ko habang papalapit kami sa kabaong at tumutulo narin yung mga luha kung kanina ko pa pinipigilan. Nasilayan ko kaagad ang mukha niyang mapayang natutulog lang.

"Alam mo ba na sa kahuli-huling hininga niya eh hinanap ka niya para humingi ng tawad sa mga nagawa niya sayo?" napalingon agad ako sa kasama kung babae kanina. Umiling-iling ako kasi hindi ko alam na inantay niya ako hanggang sa huling hininga niya.

"Tiyo, pasensya niya kung hindi kita nabisita, akala ko galit ka. Akala ko sasaktan mo ulit ako. Wala akong hinanakit sayo, pinatatawad na kita sa lahat ng mga nagawa mo, Tiyo. Mahal kita, salamat sa lahat -lahat dahil pinatibay mo ang loob ko." naluluha nalang ako habang tinititigan siyang payapang natutulog sa loob ng kabaong. Naway malinaw ang iyang paglalakbay dahil napatawad na kita.

It could be us // Sandro Marcos (2)Where stories live. Discover now