CHAPTER 05

5.4K 197 95
                                    

Dinalian ko ng kumain kasi aalis na kami dahil may visitation sa isang barangay. Ayon sarap na sarap si Boss, Sandro sa ulam kaya naparami daw kain niya. Kanina ko pa talaga iniisip kung anong gusto niyang sabihin kanina. Ba't ba kasi mag papa-suspense pa eh, yan tuloy nag iisip ako ng mabuti kung anong gusto niyang sabihin sakin.

"All set na ba??" tanong ni Boss sakin na nakapag pabalik sa wisyo ko.

"Ah--Oo. Oo, boss. All sent na hehehe" inayos ko agad ang pagkaupo ko kasi aandar na ang van.

"Lutang ka yata. Is there something bothering you??" tanong niya.

"Ah wala, Boss." napakamot nalang ako sa ulo bigla kasi gusto kung mag tanong sa anong gusto niya sanang sabihin kanina kaso nakakahiya naman kasi kasama namin dito sa van yung mga body guards niya.

"Okay..." bad mood parin yata siya kasi tipid lang siya mag salita ngayon at less ang tawa. Ano kayang nangyari sakanya??

Pagkarating namin sa barangay ay pagkalabas palang ni Boss eh andami nang mga kumakaway, mapa babae, lalaki, matanda. Lahat natutuwa nung nakita siya, meron namang iba na nakatotok ang camera ng phone sakanya, sabog na naman tung notifications mamaya sa mga mentions at tags sa kanya. Lahat ng nadadaanan niya ay nakiki fist bump at ang iba namang babae ay nangigisay sa kilig. Ibang klasi talaga tung si Boss, Sandro.

Pumunta na agad siya sa harap at ako naman ay pumwesto sa gilid, sakto andun si Kian na nakahawak sa camera. Ni-ready ko lang ang recorder ng phone saka ko na e start kapag nag salita na si boss.

"Oy, Mia. Grabi yung luto mo ang sarap parin." nag simula ng nag salita si Boss kaya naka play na yung recorder.

"Ay salamat at nagustuhan mo. Naparami kasi luto ko kaya ayan nabigyan ka. Kanina ko lang talaga nalaman na nag tra-trabaho ka rin pala dito." nag kwe-kwentohan lang kami habang nag sasalita si Boss pero nakikita kung tumitingin siya sa gawi namin. Nag tuloy lang ang kwentohan at tawanan namin ni Kian kasi naka-record lang naman ng sinasabi at ginagawa ni boss at steady lang kami sa gilid.

"Alright... May we call on Gov. Matt to share some messages?? Agyamanak" pareho kami ni Kian napalingon agad kai Boss kasi wala naman sa usapan na magsasalita si Gov. Matt ah at halatang nagulat din si Gov. Matt sa pag tawag ng kanyang pangalan. Pagkabigay agad ni Boss, Sandro ng mic kai Gov. eh pumunta agad siya sa gawi ko at dun pumwesto sa pagitan namin ni Kian.

Nakatayo lang siya sa pagitan namin habang naka crossed arms. Ano ba nangyari kay boss? Bad mood parin ba siya??

"Okay ka lang, Boss? Gusto mo tubig??" tanong ko agad sa kanya nung makita kung namumula ang kanyang tenga.

"No. I'm fine. Just stay here." galit ba siya?? Bakit?? Anong nangyari?? May nagawa ba akong mali?? Hindi na talaga ako makikipagdaldalan sa susunod.

Bumalik nalang si Kian sa pag o-operate ng camera dahil nakaharang na si Boss, Sandro saming pagitan. Buti nalang talaga anjan si Kian kasi naman wala akong masyadong kakilala sa mga staffs ni Boss pero unti-unti ko naman silang na co-close since iisa lang naman kami ng pinag tra-trabahoan.

Natapos ang program na nakatayo parin si Boss sa pagitan namin ni Kian at di man lang siya kumikibo. Ba't ba kasi ang hirap niya basahin. Niligpit ko na agad ang mga gamit kasi sasakay na kami ng van pabalik ng head quarters. Nakasunod lang ako sakanya habang siya pinagkakaguluhan na nang mga fans niya kasi mag papa-picture or video greet hanggang sa nahagip ako ng isang fan niya at naapakan ang paa ko.

"Ouch!" ininda ko agad ang sakit kasi nasapol talaga sa may ugat na part eh.

"Are you okay??" lumapit agad siya sakin na ikinatingin nang fans niya. Oh no baka anong isipin nila.

"Okay lang po yung SECRETARY niyo po." pag lilinaw ko pa dahil baka kung anong isipin ng ibang fans niya. Pilit akong ngumiti kahit iniinda ko parin ang sakit sa paa. Medyo madaling manakit talaga ang paa ko kasi dahil na rin siguro sa trabaho ko dati na palaging nakatayo. Inakay na ako nang body guards ni boss at ni Kian, nauna nila akong ihatid sa van na paika-ika ang lakad.

"Balikan niyo na si Boss baka maipit siya sa mga fans niya." sabi ko sa body guards niya at kai Kian ng makarating sa pintuan ng van. Agad naman silang bumalik kasi dinudumog na talaga si Boss. Ibang klasi rin kamandag nito eh. Naupo lang ako sa loob ng van saka tinignan ang paa kung naapakan kanina na nag dudugo ngayon, pano ba naman di dudugo eh yung nakaapak is naka-heels tas yung takong pa talaga ang naka-apak, manipis kasi tung sapatos na sout ko ngayon kaya ayan. "Kala ko pa naman sa ugat lang na apakan kaya masakit, yun pala nag dudugo na." pagbulong-bulong ko pa. Habang pinupunasan ko yung nag dudugo kung paa ay nagulat ako ng biglang bumukas ang pintuan ng van.

"Are you alright??" tinignan niya agad ang nag dudugo kung paa. "Oh jeez your foot is bleeding. Dalhin ka na namin sa ospital." aniya at naupo agad saka sinara ang pinto ng van.

"Nako! Wag na boss. Malayo to sa bituka, promis. Punsan ko lang to saka may band aide naman akong dala. Keri ko to."

"Are you sure??" pag sisiguro pa niya.

"Sure na sure, Boss." nilinis ko agad dugo saka nilagyan ng band aide, may kirot pero sanay na ako sa sakit.

 Tahimik lang kami habang bumabyahi pabalik ng head quarters at nag aantay lang kung sinong unang kikibo saming dalawa.

"Busy ka mamaya after work??" tanong niya.

"Di naman, Boss. Bakit?? May ipag-uutos ka ba??" umiling naman siya saka ngumiti pero bakit yung ngiti niya is parang di naman talaga masaya. May problema ba siya??

"Ahm... Wala naman. Mag papasama lang sana ako."

"Okay. Extra payment nga lang." pabibiro ko pa.

"Okay ka ah AHAHAHA..." yun oh! Nakatawa rin siya. Halatang pagod na siya pero wala eh, mahal niya mga kababayan kaya patuloy siya sa pag se-serve na walang hinihiling kapalit kaya ang Dyos na ang gumawa ng paraan para e bless siya dahil sa maraming nag mamahal sakanya.

"Aba syempre HAHAHA..." na li-light na yung awra niya kaya feel ko nagiging okay na siya.

Nakarating na kami sa HQ at dun pumasok kami agad sa elevator sakto nakasakay si Kian kaya nag sabay kaming tatlo, nauna pala silang nakarating dito.

"Buti nakita kita. Ito oh yung ID mo, nahulog kanina." bigay niya agad sa liscense ID ko. Putik talaga kapag nawala to di ako makakapag ibang bansa. Lisensya ko to sa pagiging teacher eh. Apaka burara o talaga, Mia.

"OMG yung ID ko jusko! Salamat talaga! Pag to nawala, sira na future ko." niyakap-yakap ko pa ang ID ko at sunod niyakap si Kian na natawa nalang  pero si Boss, Sandro ang sama ng tingin samin. "Sorry sorry..." bumitaw kaagad ako sa pag kakayakap kai Kian at umayos ng pag tayo.

Nakarating na kami sa floor ni Kian kaya nauna siyang bumaba so kami nalang dalawa ni Boss sa loob ng elevator. Tahimik lang kami at reflection lang niya sa harap nakikita ko.

"Please stay away from him." sabi niya na di ko marinig masyado sa sobrang hina.

"Ano, Boss??" ulit ko pa.

"I said keep distance from him." bigla niya akong kinorner sa pader at nagkakatitigan lang kami. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko kasi isang dangkal nalang ang pagitan ng mukha namin. Saktong tumunog ang elevator indikasyon na nasa 7th floor na kami. Na una siya agad lumabas at naiwan akong gulat parin kasi ang lapit halos ng mukha namin kanina.

It could be us // Sandro Marcos (2)Where stories live. Discover now