CHAPTER 53

4.1K 128 62
                                    


Me: San ka???

Sandy<3: Nasa office ako, babe. Why??

Me: Puntahan kita. May pag-uusapan tayo.

Sandy<3: No, babe. Ako nalang pupunta jan. Wait for me. You wanna eat something??

Me: No. I only need you to come here.

Sandy<3: Coming...

Naluka pa ako sa emoji kasi may padila-dila pa. Maharot talaga kahit kailan. Gusto kung malaman agad ni Sandro ang ginawa ni Steph para hindi na siya makatakas. Sabay na rin namin pupuntahan si Kian para paaminin sa pag sabwatan nila ni Steph. Kailangan na matapos ang kagagahan nung babaeng yun. Natatawa parin ako sa ginawa ni Honey kanina, akala ko talaga magagalit siya dahil nag kalat yung office ko pero ayon siya pa nauna para makaganti ako. Masaya pala talaga pag may ate kasi handa kang ipagtanggol kahit kanino. Inaatupag ko na ang mga papers para sa business namin ng may kumatok sa pinto.

"Pasok..." pag bukas ng pinto, bumungad agad ang asawa kung naka polo habang naka shades. "Hoy, san ka galing?? Ba't ang gwapo mo ngayon??" sinara niya muna ang pinto saka pasayaw-sayaw na lumapit sakin.

"Just born handsome." simple niyang sagot. Napa-irap nalang ako sa kahanginan niya.

"Yung totoo? Nilunok mo ba yung aircon sa bahay??" bigla siya nag taka sa tanong ko.

"No. Why??"

"Ang hangin mo. Umupo kana, may pag-uusapan tayo."

"Wait. Where's my kiss??" pabebe niya. Natawa nalang ako saka nilapitan siya para mahalikan. Smack lang sana pero bigla niyang hinapit ang aking bewang at pinalapit sakanya. "I miss you... I need to re-charge." sinandal niya ang noo niya sa noo ko at nag nose to nose kami. Ipinulupot ko ang aking mga kamay sakanya. I need to re-charge too...

"You look tired. Are you okay??" tanong ko at hinawakan ang magkabilang pisnge niya. Tinanggal ko agad ang shades niya at nagulat ako na may pasa siya malapit sa mata. "Anong nangyari sa jan?!" nataranta agad akong humiwalay sakanya.

Napakamot siya sa batok "Pinikon ko si Gov. Matt eh ayon hinarot ako kaya nagkauntogan kami." natatawa nalang ako sa pagiging makulit nilang mag pinsan.  "By the way. Anong pag-uusapan natin?"

"Upo ka muna." mag kaharap na kaming naupo ngayon. "Steph came here earlier.."

"WHAT?! WHAT DID SHE DO TO YOU?!"

"Patapusin mo nga ako! Teka lang naman...She came here earlier para personal mag condolence after what happened to me..."

"Wait. What?? Paano niya nalaman yan?? Walang nakakaalam sa nangyari kai baby bukod kela Mommy." gusto ko nalang tampalin noo ko dahil hindi talaga ako pinapatapos ni Sandro mag salita. "Okay. Okay I'll shut up... Continue.."

"Yun na nga yung point. Nalaman niya yung nangyari eh wala naman ibang nakakaalam nun. Diba pinakuha ko sayo yung backgrounds ni Kian, nalaman ko na yung recent na pinagtrabahoan niya ay Chavez Inc. at si Steph ang boss niya. Nag tataka ako kung bakit nakapasok din siya sa event nung inauguration mo eh yung mga may pass lang naman ang pweding pumasok dun." dun na nag-isip si Sandro sa sinabi ko.

"Does it mean may kinalaman ni Steph sa nangyari??"

"Oo. Sinabi pa niya kanina na you love her pero nabuntis mo ako kaya kailangan mo ako panindigan. Is that true??"

"Kinasal kana sakin bago ka pa nabuntis. Mahal kita, babe. Wag kang maniniwala sa sinasabi niya."

"Subukan ko lang mag sinungaling. Puputulan talaga kita ng bayag." tinignan ko yung ano niya kaya agad niya yung tinakpan.

"Not gonna happen! Jeez, babe. Stop staring at my pet. Pag ito nagalit..."

"Oh ano?? Ano??"bara ko agad.

"Wala. Magagalit lang HAHAHAHA..." napangiwi siya sa subrang pag tawa dahil masakit yung pasa niya sa mata.

"Kuhanan muna kita ng ice." lumabas na ako at nakita kung andaming tao sa resto. Nag hanap ako ng ice sa kitchen. Bumalik agad ako sa office at binalot ng panyo ko yung ice bago ilagay sa pasa niya. "yan kasi ang haharot niyong dalawa."

"Aray.. aray.. dahan-dahan naman, babe. Masakit." kinuha niya yung sakin tapos siya na nag lagay sa mukha niya.

"Pupunta ako sa prisinto para itanong kai Kian kung bakit siya nakipagsabwatan kai Steph."

"Easy. For their own interest. Makukuha ka ni Kian and mapupunta ako kai Steph." sabi niya.

"Bakit? Sasama ka??" banta ko.

"Hell no! What I'm saying is may sense yung hinala natin. Connect the dots." kibit balikat niya.

Pinunasan ko muna ang mukha niyang nabasa dahil sa ice. Pinasout ko narin yung shades niya saka kami lumabas gamit ang backdoor dahil dudumugin yung asawa ko kung sa front kami dadaan. Nag paalam na ako kay Honey at naiintindihan niya na kailangan namin gawin. Pinag drive na kami ng guard ni Sandro papuntang prisinto. Hindi pa nalilipat si Kian sa Manila City Jail kaya kailangan hingan namin siya ng statement. Pagkarating namin sa prisinto ay dumeritso na kami sa isang room kung saan pwde namin siya makausap. Ako na muna ang pumasok para hindi ma trigger si Kian na mag-wala dahil nanjan si Sandro.

"Mia?? Mia sabi ko na nga ba hindi mo ako matitiis eh..." sabi ni Kian nung makapasok ako sa kwarto. Nagka scar na yung mukha niya dahil sa aksidente na nangyari saamin.

"Gusto kitang makausap. Umupo ka." umupo naman siya na parang maamong tupa. Nakita kung natututuwa siyang makita ako pero ako? Nangigiit ako sa galit. Kung pwede palang suntukin ko siya sa puyo para hilo, ginawa ko na kaso hindi pa pwede. "Kailangan ko ang tulong mo...Sabihin mo lang saakin ang totoo para hindi ako magalit sayo." pag kukunwari ko.

"Ano yun??? Kahit ano basta wag kalang magalit sakin" hinawakan pa niya ang kamay ko pero binawi ko agad iyon.

"Kaano-ano mo si Stephanie Chavez??? Mag sabi ka lang ng totoo, hindi ako magagalit sayo." pinipilit ko ang sarili kung hindi siya masampal sa galit.

"A-amo ko s-siya...."

"Amo mo lang ba talaga?? UMAMIN KA KUNG HINDI MAGAGALIT AKO!" sa lamesa ko nalang ibinaling lahat ng galit ko kaya ko iyon hinampas na ikinagulat niya.

"Kasabwat ko siya! Binayaran niya ako para tulungan siya! Siya lahat ang may pakana nun! Pareho kaming makikinabang pag nakuha kita! Hindi ko inaasahan na maaksidente tayo!" pangungumpisal niya.

"DAHIL SAINYO NAWALA ANG ANAK KO! DAHIL SA KASAKIMAN NINYO NAKUNAN AKO!!" dun ko na ibinuhos ang galit ko dahil sa sinabi niya. Bakit may mga ganitong klasing tao ang mahilig mamahamak ng kapwa para sa pansariling interest nila?!

"Buntis ka nung mga panahon na yun?!"

"OO!! BUNTIS AKO NUNG MGA PANAHON NA NABANGGA TAYO!! ILANG BESES AKONG NAKIUSAP SAYO NA ITIGIL MO YUNG SASAKYAN! PARE-PAREHO LANG KAYO NI STEPH! MGA WALANG KWENTA!" para siyang nakonsensya sa sinabi ko. Nag simula na siyang sabunutan ang sarili niya.

"Hindi ko alam! Hindi ko alam na buntis ka! Ang tanga ko!! AGRRH!!!" ginagamit na naman niyang palusot na yan!

Pinakita ko agad ang picture ng anak niya kai Carla na kamukhang-kamukha niya. Biglang namilog ang mata niya at tinignan ako agad. "Anak mo yan diba??? PINSAN KO LANG NAMAN ANG BINUNTIS MO! Ngipin sa ngipin!" dun na ako tumayo.

"Please! Please Mia wag mo idamay ang anak ko! Parang awa mo na!" umalis na agad ako sa kwarto at nag sisigaw-sigaw na siya nung makaalis ako. Wala akong planong masama sa anak niya, tinatakot ko lang siya para maramdaman niya ang naramdaman ko nung mga panahong gusto ko protektahan ang anak ko pero wala akong magawa.


It could be us // Sandro Marcos (2)Where stories live. Discover now