Busy ako kaka-kalkal sa backgrounds ni Kian dito sa bago kung office. Finally! Business partners na kami ni Honey and she's so happy to work with me kasi madali daw akong katrabaho rin aside sa sister-in-law niya ako. Actually, hindi ko inasahan na dito pala ako mapupunta like, akala ko kapag nagturo ako sa ibang bansa eh yun na talaga ang pangarap ko pero I found myself na interested sa business and agriculture. Lahat ng pera na naipon ko ni liquidate ko at in-invest, good thing napag usapan din to sa course ko ang about sa business, at least may idea ako how to handle this. Hindi naman pwede na umasa lang ako sa asawa ko.
Nakita ko sa files ni Kian yung mga pinasukan niyang trabaho at kung ano-anong raket. Pinakuha ko narin ang background ni Carla, pinsan ko. Feeling ko nag ka relasyon sila ni Kian at nabuntis niya kasi kamukhang-kamukha ni Kian yung bata, ang pinag tataka ko lang ay bakit hindi man lang niya sinabi na andito siya sa Pilipinas.
Nagulat ako ng makita na ang last na pinag-trabahoan ni Kian ay Chavez Inc. at si Stephanie yung boss niya. So it means may kinalaman si Steph sa mga nangyari?? Possible ba na siya ang may pakana nun?? Sa sobrang lalim ng iniisip ko, nagulat ako nung biglang bumukas ang pinto ng office at bumungad yung staff namin dito sa resto.
"Ginulat mo ako, ate." napahawak pa ako sa dibdib dahil sa gulat.
"Ay sorry po, Ma'am. Kanina pa po ako kumakatok eh." siguro occupied na utak ko kaka puzzle sa mga nangyayari. "May bisita po kayo, Ma'am."
"Ah sige, papasukin mo nalang, please." lumabas na yung staff at inayos ko muna ang sarili ko bago dumating yung bisita. Pag angat ko ng ulo, si Steph agad ang bumungad. Akala ko ba nasa UK na to?? "What are you doing here??"
"I heard what happened about your baby..." umupo siya sa harap ko without waiting for my signal. Where are her manners???
"And???"
"And I just want to personally say my condolences..." nag intay lang ako sa susunod niyang sasabihin. Sumandal ako sa swivel chair saka nag crossed arms, alam ko na kung saan ito patungo. "about what I offered you sa hospital.... papayag ka pa din ba??" she is so unbelievable! Saan ba niya nakukuha ang kakapalan ng mukha niya para humarap sakin.
"Na ibigay ko asawa ko sayo dahil wala na ang anak namin??"
"No.. no... It's not like--yeah??" gusto ko tampalin utak niya para magising siya sa kagagahan niya. Isa pa ito abnormal mag-isip!
"What made you think na ibibigay ko ang asawa ko sayo after we lost our baby?? Kaya ka bang balikan ng ASAWA ko??" pag mamatigas ko na pero mukhang di to tatablan kasi masyado ng makapal ang mukha.
"He told me he love me, kaso nabuntis ka niya so papanindigan ka niya..." the fuck?! Half gusto kung maniwala sa sinabi niya pero mahilig mag balat kayo ang mga kagaya ni Steph kaya alam kung nag-iimbento lang ito. Medyo nasaktan ako kasi pweding totoo, pweding hindi. Asawa ko lang ang makakasagot nun.
"You think tatanggapin ka ng asawa ko after I found out na ikaw ang last na pinag-trabahoan ni Kian. Si Kian na dahilan kung bakit namatay ang anak namin. Sa lahat pa ng pweding mung idahilan na pag punta dito, gusto mo makidalamhati?? Kami lang mag pamilya ang may alam na buntis ako at nakunan." I lean on the desk at stare at her whole soul. "How come maririnig mo yun sa kahit sino eh ultimo mga kapartido ni Sandro hindi alam ang mga nangyayari sa buhay niya." mukha siyang di mapakali sa sinabi ko.
"Wala akong alam sa sinasabi mo! I came here in peace!" mukhang natataranta siya pero pilit niyang kumalma.
"Chill. Wala akong sinasabi na may alam ka. Napaghahalataan ka tuloy." nakita ko sa mga mata niya na naiinis or kung ano ba. Napa-smirk nalang ako.
"What are you trying to say?!"
"Talaga? Wala ka ba talagang idea sa sinasabi ko???" tumayo ako at dahan-dahang lumapit sakanya. "Walang ibang nakakaalam nung nakunan ako kundi pamilya lang ni Sandro. So bakit ka nandito at bakit alam mo na nakunan ako??" inilapit ko ang mukha ko sakanya. "Sigurado ako nakipag sabwatan ka kai Kian." tinulak niya ako agad buti nalang nahawak ako sa desk kundi matutumba ako.
"How dare you to accuse me!! Kaya ka nakunan dahil masama ang ugali mo! Sandro doesn't deserve you!" punyeta! Idadamay mo pa ang anak ko sa desperadahan mo! Walang atubili ko siyang sinampal sa pisnge.
"Hindi sana ako makukunan dahil sainyong dalawa ni Kian! Malalaman ni Sandro ang kagagahan mo at ako na mismo ang mag sasabi sayo na mismo siya isusuka ka!" tinulak na naman niya ako kaya napasalampak na talaga ako sa sahig.
"Sis??---WHAT THE HELL IS GOING ON HERE??" nagulat kami sa pag pasok ni Honey at nadatnan niya ako nakaupo sa sahig. "Oh gosh. Let me help you..." agad siya lumapit sakin at tinulungan akong makatayo. "Anong nangyayari dito??"
"Yan! Yang babae na yan! Nakipag sabwatan kai Kian para kuhanin ako!!" duro ko kai Steph na ngayon ay natatakot na. Sinamaan siya agad ng tingin ni Honey.
"Alam mo ikaw namumuro na ako sayo ha! Ilang beses ko na naririning ang pangalan mo. Desperada ka na talaga!" galit niyang nilapitan si Steph at hinawakan sa magkabilang braso. "Oh sis! Tirahin mo na to!" nagulat ako sa katapangan ni Honey hahahaha this is exciting!
"No... no... wag sa ilong ko please!" pag mamakaawa ni Steph habang nag pupumilit na makawala kai Honey. Wag sa ilong? Oh sige sa ilong kita titirahin. Madali akong kausap! Sinapak ko agad siya sa ilong!
"Oh ayan! Ganyan! Ganyan napapala ng mga kagaya mong homewrecker!" hinwakan pa siya ng mahigpit ni Honey. "Hindi kana sana nangialam! Dahil sa kagagahan mo ayan! Ultimo si Sandro isusuka yang kasamaan ng budhi mo!" ramdam na ramdam ko ang gigil ni Honey habang pinag-sasalitaan niya si Steph.
"Buong buhay ko hindi ako nananakit ng kapwa pero yung idawit mo ang anak ko dahil sa pagiging obssess mo!? Namumuro na ako sayo! PATI ANAK KO DINAMAY NINYO! ANG KAPAL NG MUKHA MO PUMUNTA DITO! PARA ANO?! PARA HILINGIN NA IBIGAY KO ANG ASAWA KO?! GO TO HELL STEPH!" aktong sasapakin ko na naman siya... "TAKBO!" dun na siya binitawan ni Honey at halos matalisod na siya sa pag takbo palabas ng office ko. Nung makalabas na siya ay lumapit agad si Honey sakin dahil galit na galit talaga ako.
"Sis, okay ka lang?? Baliw na talaga yung babae na yun." tumango nalang ako dahil nakita ko siyang nag-alala. Para na talaga kaming mag kapatid nag tutulungan pag inaapi. Natawa nalang kami nung magkatinginan kami.
"Sis, what if ma issue na tayo after sa ginawa natin sakanya." pag-aalala ko kasi hindi lang kami ordinaryong tao, mga asawa namin matataas ang position kaya natatakot ako na madawit ang mga pamilya namin.
"Kahit saang korte tayo umabot, tayo ang papanigan ng batas dahil nasa tama tayo. Yung babaeng yun ang dapat matakot dahil hindi lang simpleng kabaliwan ang ginawa niya. Buhay na ang nawala dito.." tama si Honey. Buhay ng anak ko ang nawala dito kaya ipaglalaban ko kung ano ang dapat kahinatnan ni Steph. Niyakap nalang ako ni Honey habang naiiyak ako sa galit.
YOU ARE READING
It could be us // Sandro Marcos (2)
RandomWould I fit in to your world? Would it be worth to take the risk?? Sandro Marcos Fan fiction.