MIA's POV.
Maaga akong nagising dahil walang Sandro ang nakapa ko sa tabi. Bumangon agad ako para hanapin siya kasi di ako sanay na wala siya sa tabi ko. Lalabas na sana ako ng kwarto pero biglang bumukas ang pinto at bumungad agad si Sandro na may bitbit na pagkain.
"Good--- babe. Ba't ka bumangon? Baka mapaano ka." pinanliitan ko agad siya ng mata dahil sa sinabi niya.
"Buntis lang po ako, hindi baldado." nag kamot nalang siya sa batok at inakay ako pabalik sa kama.
"Ayokong mapagod ka eh."
"Kaka-gising at bangon ko lang, di ako mapapagod nyan. Ang aga mung nagising ah." nilapag niya muna yung pagkain sa bed side table bago umupo sa kama katabi ko.
"Nag pa appointment ako sa OB. Need muna natin siguraduhin kung okay ba si baby, okay?" medyo naninibago ako sa pagiging tripple pagiging maalaga niya ngayon pero hayaan nalang kasi ang sweet niya tignan.
"Paano pag may nakakita sayo?? Wala pang ibang nakakaalam kung ano na ba talaga tayo, babe." pag-aalala ko kasi baka kasi pag chismisan yung asawa ko.
"As of now, wala akong pake sa sasabihin nila. Besides, private hospital naman yun kaya safe tayo babe if your worry about that. Please lang, wag mo na yan isipin. Our baby is more important than anyone. Diba baby??" baling niya sa tiyan ko at hinihimas-himas yun kaya nakikiliti ako.
"Excited na ako marinig yung heart beat ni baby..." nakikita kung masayang-masaya si Sandro dahil sa mga mata niyang nag niningning.
"So am I, babe. Excited na ako makita yung baby natin."
"Girl or boy? Ano gusto mo babe?" tanong ko sakanya habang nakahawak sa tiyan.
"Hmm... Kahit ano, basta lumaki siyang mabait at malusog. Okay ako dun. Kaya pala no these past few days lumalaki tiyan mo, akala ko bloated ka lang." may halong panlalait na yun ah!
"Ang sama mo! Sinasabi mo bang mataba ako?!"
"Hindi ah! What I mean is lumalaki na yung tiyan mo that time and may laman na pala."
"Teka. Wala ka bang gagawin today??" nag taka kasi ako na chill lang siya ngayon.
"Meron. Pero samahan muna kita sa OB before pumunta ng HQ."
"Sama ako. Ma bo-bored lang ako dito sa bahay. Baka mag taka na yung ibang staff bakit hindi ako pumapasok." nag bago bigla yung expression ng mukha niya at alam kung di to papayag kaya uunahan na kita. "Pleaseee...." saka ako ng puppy eye.
"Jeez! It's so hard to say no with your puppy eyes." olats ka parin sakin!
"Mag practice ka na dahil kapag babae tung anak natin, di ka talaga makakapag NO."
"I would never say NO to my daughter kaya..."
"What if she will ask you permission to have a boyfriend."
"NO--" mabilis pa sa alas kwatro niyang sagot kaya natatawa ako. "I mean--- arghh! Wag muna sa ganyan. "
"Sabi mo di ka mag no-no HAHAHAHA"
"Yeah but big NO muna about that matter."
"If you say so. Kain na tayo para di tayo ma late." breakfast in bed sana surprise ni Sandro kaso napurnada dahil bumangon ako hahahaha... Nag simula na kaming kumain since may table naman kami dito sa kwarto. Taray! Puro healthy foods yung mga niluto niya. Gulay and prutas is waving!
"Eat lots of nutritious food, babe. I want you and our baby to be healthy always." napangiti nalang ako sa sinabi niya dahil napaka maalaga niya talaga. Anak, maswerte ka dahil si Sandro ang daddy mo, mapupuno ka ng pagmamahal galing sa mga taong mag mamahal sayo.
Pag katapos kumain eh pinaligo na niya ako at siya na mag liligpit sa pinagkainan ko para makabihis na daw ako agad. Pagkatapos kung maligo ay nagbihis na agad ako. Napili kung mag sout ng maluwag na damit para di mahalata ng staffs na lumalaki yung tiyan ko. Hanggat walang nag tatanong, walang makaka-alam. Nahagip ng mata ko yung tuxedo ni Sandro na kung saan nakitaan ko ng picture nila ni Steph kaya kinapa-kapa ko yun sa bulsa at andun parin yung picture. Kainis! Ba't andito pa to!? Nakakirita! Padabog kung ibinalik yun sa bulsa at sinara ang cabinet.
"Ligo muna ako, babe." sabi niya at pumasok na sa banyo. Hindi niya ba talaga alam na may picture sila ni Steph sa bulsa or tinatago niya lang yun?? Nakakainis ha!
Inayos ko lang sarili ko sa harap ng salamin at nag lagay lang ng konting make-up para di ako maputla tignan. Natapos na si Sandro maligo at mag bihis kaya umalis na agad kami. Di ko na muna siya inimikan kasi nawala na ako sa mood. Ganto yata pag buntis, masyadong iritable. Nakarating na kami sa hospital at dumeritso sa OB, buti nalang walang katao-tao dito dahil baka mag taka sila anong ginagawa namin dito.
"Good morning Mr. and Mrs. Marcos." bati agad nang Doctor.
"Good morning, Doc." sabay pa naming bati ni Sandro.
"Alright. Nasabi na ni Sir, Sandro ang tungkol sainyo. You have nothing to worry, Misis. Also, wag kang ma stress about what's happening sa paligid dahil hindi yan nakakabuti sa baby." sabi nung Doctor.
"Salamat, Doc." tangi ko nalang naisagot.
"Higa ka na dun Misis para ma check natin si baby." sinunod ko lang yung sinabi nang doctor saka inangat ang shirt ko para malagyan ng gel. Nakahawak lang si Sandro sa mga kamay ko habang mino-monitor yung baby namin. Tumayo agad ang doctor para kumuha ng unan.
"May problema ba doc?" pag-aalala ko pa.
"The baby is hiding so need lagyan ng unan ang likod mo para makita talaga si baby. Shy type eh." natatawa ang doctor habang nilalagay ang unana sa likoran ko. Bumalik na siya sa pag detect ng baby at dun nakita sa monitor ang baby namin, maliit palang pero andyan na siya. Naririnig na rin namin ang heatbeat niya. "This is your baby's head and body..." hindi ko na marinig yung sinasabi ng doctor kasi nakatoun ang attention ko sa umiiyak na si Sandro kaya naiiyak na rin ako.
"Why are we crying??" natatawa kung tanong habang nag pupunas ng luha. Ang saya ko nung nakita ko si Sandro na masaya at lumuluha sa tuwa.
"I'm so happy to hear my baby's heartbeat. Why am I so emotional??" natawa si Sandro habang pinupunasan ang kanyang luha. Tinulungan ko siyang mag punas ng luha habang tinititigan parin yung baby namin sa monitor. Ang saya-saya niya kahit di niya sabihin, makikita ko yun sa mata niya.
"Congratulations Mr. and Mrs. Marcos. 8 weeks pregnant, Misis. I'll give you some meds para healthy si baby. Also mag se-set lang ako ng schedule for your pre-natal." sabi nung Doctor.
"Doc, can I have a copy sa print ni baby??" sabi ni Sandro habang nag pupunas ng luha. For the first time nakita ko yung asawa kung umiiyak. Hindi naman kasi yan iyakin. Parang napunta yung symptoms ng pag bubuntis ko sakanya eh HAHAHA
"Sure Mr. Marcos." dun na bumalik ang doctor sa desk niya at tinulungan ako ni Sandro na punasan yung excess gel sa tiyan ko saka binaba yung shirt.
"Congrats to us, Mommy." sabi niya at hinalikan ako sa noo saka niyakap. Ramdam ko ang saya ng asawa ko. Masayang-masaya ako dahil sakanya. "I love you so much, Mia. Thank you for this. Thank you for having a life with me." dagdag pa niya at pinudpod ako ng halik sa boung mukha.
YOU ARE READING
It could be us // Sandro Marcos (2)
De TodoWould I fit in to your world? Would it be worth to take the risk?? Sandro Marcos Fan fiction.