Pinatulog ako ng kapit bahay namin sa bahay nila habang yung gurad ni Sandro eh sa kotse daw siya matutulog. Maaga ang libing ng tiyohin ko dahil wala naman na daw hinihintay kaya wag ng pataggalin. Minsan naiisip ko nalang kaya siguro ganin manakit yung tiyohin ko sakin dati is yun din yung nararamdaman niyang sakit galing sa mga kapatid niya, hindi man lang siya binigyan ng maayos na lamay at deritso pang ililibing. Hindi na ako nakipag kumustahan sa mga kapatid ng tiyohin ko dahil isasampal na naman nila sakin ang estado nila sa buhay.
Bandang hapon na kami naka-alis ng Bangui pabalik sa Laoag dahil hapon na natapos yung libing, di na ako nag tagal dahil di naman talaga ako gusto ng mga kapatid ng Tiyohin ko. Mag gagabi na nung nakarating kami sa Laoag at dumeritso kami sa isang restaurant na tinext ni Sandro sa guard niya kung saan ako ihahatid. Bago kami makarating sa restaurant, dumaan muna ako sa isang public CR para maayos ko muna ang sarili ko at makapag bihis ng desente tignan.
"Hey, babe." lapit agad ni Sandro at bumeso pag kapasok ko sa restaurant. Lumingon-lingon agad ako dahil baka may makakita saamin. "Pag malaman nila then so be it." nakahawak lang siya sa likod ko nung maglakad kami papasok at papuntang table.
"May pa surprise ka talaga noh??" pinaghila pa niya ako ng upuan.
"Of course. You look so overwork and I want to give you a reward for the best secretary."
"Malamang. Ako lang naging secretary mo." basag ko agad sa trip niya.
"Tsk! Let me treat you. Deserve mo yan. You have been through a lot and elections is fast approaching. I want you to relax naman sometimes."
"Basta safe ka lang, relax na ako dun." namilog agad ang mga mata niya sa dahil sa sinabi ko.
"For the first time naging sweet ka HAHAHAHA isa pa nga."
"Extra bayad na yan."
"Ang daya ah HAHAHAHA..." nag kwe-kwentohan na kami about sa nangyari sa libing ng tiyohin ko bago dumating yung food namin. Mag sisimula na sana kaming kumain ng biglang may lumapit saaming babae.
"Sandro??" sabi ng babaeng maganda, maputi, makinis at mukhang mayaman. Bigla akong nanliit sa sarili ko after makita yung itsura niya. Grabi ang ganda niya.
"Steph? What are you doing here??" papalit-palit ang tingin ko sakanilang dalawa and sure ako na magkakilala na sila dati pa base sa mga expressions nila.
"Well... Ilocos Norte is one of must visit so yeah for vacay." medyo ang arte niya sa part nayon buti nalang maganda siya. "Oh... your friend?" sabay pa silang bumaling sa gawi ko.
"My girlfriend." di ko na siya napigilan na sabihin kung ano niya ako talaga.
"Oh..." tinignan pa niya ako mula ulo hanggang paa. Halata ka te. Bitter yan?? "I'm Stephanie. Sandro and I used to date. Nice meeting you...?" ahhh so siya yung babaeng nang loko kai Sandro nung nasa abroad siya. Ang galing.
"Mia. Nice meeting you too..." simple ko nalang tugon. Nakakainis yung pagiging maarte niya, low key judgemental eh!
"We have a dinner date. Can you go?" pag tataboy ni Sandro kai Steph.
"Oh jeez.. Sorry... See you around." at kinindatan pa si Sandro bago umalis na pakending-kending mag lakad. Ang arte talaga!
"If looks could kill, she'll be dead by now. You could have seen your face, babe." nakita kung lumabas na si Steph sa pintuan.
"Ano bang nagustuhan mo sakanya??" nag simula na akong sumubo ng pagkain dahil oo, maarte si Steph pero mayaman, maganda, makinis, at nakapag-aral sa magandang skwelahan. Para akong sinampal ng katotohanan.
"Please not that question..." tinignan ko siya agad. Bakit naman niya iiwasan yung tanong kung wala na siyang feelings for her? Arghh! Ito naman ang pag ooverthink ko eh! "Honestly, it was just a puppy love and then she cheated on me, so yeah. Let's just forget about her." tinititigan ko lang ang plato habang kumakain kasi di ko maiwasang mangliit sa sarili ko.
"Lasing na lasing ka nga nun eh hahaha..." pineke ko nalang pagtawa ko dahil ayokong maisip niya na nag ooverthink na naman ako.
"Okay lang at least I stole your first kiss. Forget about her. Let's just enjoy our date." para akong nabuhayan sa sinabi niya. Tama nga naman. Kung siguro di nag cheat si Steph edi hindi sana kami ni Sandro ngayon.
After namin mag dinner ay inaya ko na siyang umuwi dahil pagod na pagod talaga ako buong byahi. Dinala na naman niya ako sa bahay niya dahil may importante daw kaming pag-uusapan kaya kinabahan ako sa kung ano man ang pag-uuspan namin
Nakarating kami sa beach house niya at nag bihis muna ako bago kami mag-usap dahil feel ko ang lagkit ko na at masyadong maalikabok sa labaw. Mukhsng importante talaga tung pag-uusapan namin base sa seryoso nang mukha niya.
"Sit down, babe." panimula niya nung matapos rin siyang mag bihis at dito na kami sa kwarto mag-uusap. "Here read this." sabay abot niya ng folder sakin. Buksan ko naman agad iyon at binasa kung ano ang nakasulat. Marriage certificate?? Teka?!
"This certifies that Ferdinand Alexander Marcos and Malina Isabelle Asuncion Mendoza were united on this day......" Teka!? Kasal kami?! Pano nangyari ito?! "The ceremony was witnessed and celebrated by Family and Atty. Gadon. Signed by Malina Isabelle Asuncion Mendoza and Ferdinand Alexander Marcos." Wait. What?! How did this happened?! Pinipilit kung alalahanin kung may napermahan ba ako sa petsa nayon. "Can you explain to me what's going on, Alexander?!" naguguluhan parin ako sa nangyayari.
"Remember the day may pinapa sign akong papers sayo and you didn't even bother to read it? That's it." turo niya sa folder na hawak ko.
"How is that even possible?! What the hell is going on? Is this a prank?"
"Babe, calm down. This is the only way to protect you."
"By marrying me?! Sandro, what the hell?!"
"I love you, okay? I love you so much and the only way to protect you and to take care of you is this." napahawak nalang ako sa sintido ko sa ginawa niya.
"You put me in the situation that I don't think I can fit in! Nalulula na nga ako dahil masyado ka ng mataas for me and now, this?! Sandro naman! Na pre-pressure na nga ako dahil sa mga taong nakapalibot sayo! High profile kang tao at isa pa! Hindi ko alam kung belong ba talaga ako jan sa mundo mo! Sana you consider me before doing this!!" nag walk out agad ako at lumabas sa kwarto niya. Maiiyak lang ako dun dahil hindi ko alam kung ano itong ipinasok ni Sandro sa buhay ko.
YOU ARE READING
It could be us // Sandro Marcos (2)
RandomWould I fit in to your world? Would it be worth to take the risk?? Sandro Marcos Fan fiction.