CHAPTER 23

5.5K 150 3
                                    


Hanggang ngayon nag-iisip parin ako ng paraan kung paano mahuhulog si Kian sa bitag na gagawin ko. Kailangan ko siyang mahuli bago pa man siya may gawin kai Sandro. Alam kung delikado to ang gagawin ko at ikakagalit ito ni Sandro pero the only way to protect him is gumalaw ako ng palihim.

Marami na kaming barangay na napuntahan para mangampanya sa pagtakbo ni Sandro at halos lahat pabor sakanya at mahal siya ng mga tao. Sinasamahan parin kami ng mga body guards niya habang nangangampanya pero di naman mahahalata dahil naka uniform din sila same saamin.

"Sana iboto niyo po ako." sabi ni Sandro habang nakikipag kamustahan sa mga tao bawat barangay. Malapit na ang election kaya masyado ng mainit ang pagitan nila Sandro at sa mga katunggali niya.

"Naku ang gwapo mo naman pala talaga, Iho." sabi nung mga matatanda at niyakap pa siya sa sobrang tuwa. Di naman maipagkakaila na gwapo si Sandro at matalino, mabait, humble pa kaya minahal agad siya ng mga tao kahit first time palang tatakbo. Sakin lang yan badboy minsan.

Natapos kami mangampanya sa isang baranggay pero kailangan naming bumalik sa head quarters para sa emergency meetings kasama ang mga kaalyado ni Sandro. Ngayon ko rin isasagawa ang mga plano ko para makomperma kung meron ba talagang traydor sa mga kasamahan ko na connected kai Kian dahil imposibleng si Kian ang nag lagay sa table ko nun eh banned na siya sa HQ.

Pagkarating namin sa HQ ay dumalo muna ako sa meeting saka pumunta sa cubicle para ewan yung notepad na nakalagay ang location na kailangan kung puntahan mamaya. Natapos ang meeting na puro positive vibes lang at nag sasaya ang mga volunteers dahil sa pa blow-out ni Sandro.

"Kain ka muna, babe." sabi ni Sandro nung makapasok kami sa office niya. Nilapag niya platong bitbit niya kanina na may pizza. Nag tabi talaga siya para sakin.

"Ikaw, di kapa kumakain ah. Mukhang pagod ka na." lumapit ako sakanya para sana masahiin siya sa balikat kaso hinawakan niya ako sa kamay para maupo sa lap niya.

"Just kiss me. Ma re-recharge na ako." hinalikan ko siya agad sa noo, ilong, at labi dahil nakikita ko ang pagod sa kanyang mukha. "Much better. I love serving people. I will never get tired in serving them, babe." dagdag pa niya.

"No wonder mahal na mahal ka ng mga tao dahil sa pagmamahal mo sakanila. Mahal kita eh" hinaplos-haplos ko pa ang buhok niya at parang napapakit siya dahil siguro nagugustohan niya iyon. Muntik na maghiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ng biglang may kumatok sa pintuan kaya napatayo ako agad na ikinagulat ni Sandro saka siya natawa dahil inayos ko agad ang sarili ko.

"HAHAHAHAHA nagulat ako sa reaction mo kaysa sa katok HAHAHAHA" tumatawa lang siya at ako naman ang nagbukas ng pintuan.

"Good afternoon. Anjan ba si Sir, Sandro?" sabi nung may edad ng lalaki.

"Andito po. Pasok po kayo. Labas na ako boss." umakto nalng ako na parang wala kaming ginagawa kanina.

Pag kabalik ko sa table ay inasikaso ko na lahat ng mga pending works at kailangan mga permahan para wala na akong pro-problemahin sa susunod. Mag election na sa susunod na linggo kaya kailangan matapos ko na to lahat. Kailangan ko narin madaliin yung mga plano ko bago pa may magawang di maganda si Kian kai Sandro.

Since hindi pa tapos mag-usap yung bisita ni Sandro kanina kaya nag paalam lang ako na kailangan kung umuwi na dahil may importante akong pupuntahan. Nag pumilit pa siya na ihahatid ako kasi hindi ako pumayag dahil alangan naman iwan niya yung bisita niya.

Nakaalis na ako ng HQ at sumakay agad ng jeep pauwi ng apartment dahil mag bibihis muna ako. After kung mag bihis ay lumabas na ako agad at nararamdaman kubg parang may sumusunod sakin kaya dinalian kung mag lakad at pumara ng taxi papunta sa location ng kikitain ko. Nakarating ako agad ng di na tra-traffic. Naupo lang ako dun habang tumititig sa mga tao sa park na nag-eenjoy maglakad-lakad.

"Mia..." sabi nung pamilyar na boses. Andito na siya. Lumingon agad ako sa gawi niya at nakita kung nakatayo siya di kalayuan sakin.

"Kian." malamig kung tugon. Nahuli rin kita. "Bakit ka nandito? May kailangan ka ba?" pagkukunwari ko.

"Sorry kung sinundan kita." dahan-dahan siyang lumapit sa gawi ko. Tagumpay ang plano kung siya mismo ang lumapit sakin.

"Bakit mo'ko sinusundan?"

"Para sabihin sayo ang nararamdan ko." Okay... Di'ko to en-expect. Kaya ba tingangka niyang patayin si Sandro? Alam na ba niya?

"Bakit mo tinangkang barilin si Sandro?" nakita kung nagulat siya sa sinabi ko at parang gustong umatras. "Sagutin mo ako, Kian."

"Hindi ko intensyon na barilin siya! Inagaw ka niya sakin! Ako ang nauna sayo!"

"Nauna? Bakit? Mutual ba feelings natin?"

"Hindi.. no... Liligawan na sana kita kaso sumingit yang asungot na Sandro!" unti-unti siyang humakbang papalapit sakin.

"Wag kang lumapit! Akala ko mabuting tao ka Kian. Nag katrabaho na tayo minsan tapos ngayon naging ganto ka?!"

"Mahal kita! Dati pa! Nung magkatrabaho tayo sa bar hanggang sa nagpalipat-lipat ka ng trabaho, sinusundan na kita dahil mahal kita!" kaya pala dati palang feel ko laging may sumusunod sakin.

"Hindi yan pag mamahal, Kian! Kahibangan na yan!"

"Mahal lang talaga kita at natakot akong sabihin yun sayo dahil alam kung ma re-reject ako kaya tinatanaw lang kita sa malayo..."

"Pinlano mo rin ba yung pag trabaho mo sa HQ ni Sandro?!"

"Ginawa ko ang lahat para makasama ulit kita kahit pumasok pa ako as cameraman kahit wala naman akong alam! Kaso biglang sumingit si Sandro. Inagaw ka niya sakin!!" biglang nag iba ang Kian na kilala ko sa nakikita ko ngayon, para na siyang baliw na nag hysterical.

"Baliw ka na! Walang inagaw sayo si Sandro dahil unang-una palang never kitang nagustuhan!"

"No...no... Wag mung sabihin yan Mia. Please, mahal kita. Naapektohan ka lang kai Sandro. Di mo talaga siya mahal." Aba't na dedekta na siya sa feelings ko.

"Wala kang karapatan na sabihin sakin kung mahal ko si Sandro oh hindi! Isa lang ang alam ko, di kita kayang mahalin! Yung obsession mo ang lala!" lalapit na sana siya para yumakap. "Subukan mung——

"MIA!" nagulat ako ng biglang sumigaw si Sandro at tumatakbo sa gawi namin kasama ang mga guards niya kaya na alarma si Kian at tumakbo agad para tumakas! Lintik! Hahabulin ko na sana siya ng mahawakan agad ako ni Sandro.

"Bitawan mo ako! Kailangan kung mahuli si Kian!" nagpupumiglas na ako sa pagkakahawak ni Sandro

"Hayaan mo na ang mga gwardayang humuli sakanya! Hey!" hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at pinalingon sa sakanya.

"Mahuhuli ko na siya eh!" para akong maiiyak dahil napurnada ang plano kung hulihin si Kian.

"Sila na ang bahala sakanya! Kumalma ka muna!" Urrgh! Nakakairita talaga! "Kumalma ka muna Mia." pilit kung kinakalma ang sarili ko dahil nakikita kung nag-alala si Sandro.

"Mahuhuli ko na siya eh! Kapag nakatakas siya, mapapahamak ka." tuluyan ng tumulo ang mga luha ko at niyakap nalang siya. Ako ang may kasalanan kung bakit manganganib ang buhay ni Sandro pag di nahuli si Kian.

"Antayin natin sila sa van." sabi ni Sandro at inakay ako sa van dahil parang nawala ang lakas ng paa ko.

It could be us // Sandro Marcos (2)Where stories live. Discover now