SPECIAL CHAPTER

5.2K 175 120
                                    

"Come to daddy!! Come here baby..." sabi ni Sandro habang sinasalubong ang anak namin na nag lalakad na. Fourth just turned 1 last week and  natoto na siyang mag lakad. Masyadong mabilis ang panahon kasi dati karga-karga pa namin siya, but now, nakakapaglakad na mag-isa. Baka sa susunod na araw mag-aasawa na yan. Naku! "Say hi to Mommy..." tinuruan pa ng asawa ko ang anak namin na kumaway sakin habang karga niya at pumunta sa gawi ko. Ang cute nila mag-ama tignan.

"Malapit na to maluto ang barbecue. Nilagyan mo na ba yan ng sunblock si Fourth??" tanong ko sa asawa ko habang nag papay-pay ng ihaw. Naisipan kasi namin tumambay muna dito sa beach kasi sunday ngayon and it means family day.

"I did. Kanina pa yan gusto maligo sa dagat. We have to eat first before we swim, okay??" tinignan lang siya ng anak namin saka tumango at tinignan yung luto namin.

"Yum yum..." Fourth said while trying to reach the meat. Nataranta kami agad ni Sandro kasi mainit yun buti nalang nailayo niya agad.

"That's hot. Are you hungry na?? Wait. I'll blow this for you." nag hiwa ng maliit na meat si Sandro at hinipan yun bago pinatikim sa anak namin. "Yummy??" Fourth chuckle and nod. Ang cuteee...

"Cute. Wait, matatapos na to. You guys, sit down." utos ko sakanilang dalawa. Habang hinihiwa ko na ang inihaw na karne ay biglang sumakit ang tiyan ko at napahawak agad.

"Babe?? Are you okay??" lumapit agad si Sandro sakin at inalalayan ako makaupo. "Ako nalang gagawa nito. Sit down with Fourth. Masakit pa ba??" huminga muna ako ng malalim saka siya sinagot.

"Malakas pagkakasipa nang anak mo." natawa siya agad sa sinabi ko. Fourth was 8 months old when I found out I was pregnant again. Naloka ako kasi baby palang si Fourth tas nasundan agad. Yung asawa ko tuwang-tuwa nung malamang buntis na naman ako. Masaya daw mag alaga ng baby especially anak namin. Well, masaya naman talaga. My husband fulfill his promise na tutulungan niya ako sa pag papalaki sa anak namin, hindi lang tinulungan, halos siya na lahat ang gumawa from changing diapers, pag papaligo, pag damit, and all. Bilib na bilib ako sa asawa ko.

"Just sit there and relax. I'll just chop this and--- Fourth! Don't eat that!" sigaw niya kai Fourth. Pinanlakihan ko agad siya ng mata kasi muntik na akong mapatalon sa gulat sa sigaw niya. Binalingan ko agad ang anak namin at kinuha yung toy niya na nalagyan ng buhangin at muntikan na niyang isubo.

"You startled him. Buti di umiyak!" saway ko sa asawa ko.

"HAHAHAHA sorry baby..." lumapit siya agad kai Fourth at pinisil-pisil ang matambok niyang pisnge. "Give daddy a kiss."

"No..." maikling sagot nang anak namin.

"HAHAHAHAHA ayan. Namana nang anak mo yung kasupladohan mo. May katapat kana..." pang-aasar ko sakanya. Sinundot-sundot pa niya ang pisnge ni Fourth na todo iwas. "Nagugutom na yan. Tapos ka na??"

"Ah yeah. Kunin ko lang yung meat." kinuha niya agad yung meat at kanin at nilagyan na yung plato ko ng kanin. "Happy eating!!!" yun anak namin tinitignan lang kami habang nag sisimula na kaming kumain. "Want some, buddy??" Sandro offered. Sinubuan niya ng maliit na karne si Fourth at tawa-tawa itong tumango-tango at nakikisayaw sa music galing sa speaker.

"Look, babe. He's dancing with the beat. May future ang anak mo sa music industry." 

"Way to go, buddy." Sandro said at ginulo ang buhok ni Fourth na nakiki-sabay parin sa beat. "You can be what ever you want, Fourth. I will support you, no matter what." tinititigan ko lang ang asawa ko habang kinakausap ang anak namin. Always the best, loving, caring, and supportive daddy. Lahat na yata sinalo na nang asawa ko.

"How was your work by the way???"

Bumuntong hininga siya bago sumagot. "Good. Tiring but worth it. Helping our kababayans na umunlad is worth of all my sleepless nights." He's right. I can see na pagod na pagod na siya at yung eye bags niya grabi na talaga, isama mo pa na inaalagaan pa niya anak namin kasi ayaw niya na mag hire kami ng babysitter, ayoko din naman mag hire kami ng babysitter.

"I just wanna let you know that I will always be proud of you, My Congressman. You are doing good in everything you do. I love you..."

"Ohh... I love you too, babe. Look at Fourth's reaction HAHAHAHA... are you jealous, bud??" If looks could kill, Sandro would be dead by now. Ang seloso kasi nitong batang ito. Every time hinaharot ako ni Sandro eh iiyak agad para ma divert ang attention. Kaya naman iniisiahan ni Sandro si Fourth na maagang pinatutulog para makapag lambingan naman daw kami. Ayon sa kakaharot, nasundan tuloy.

"Alam mo, walang nakuha ang anak ko galing saakin. Lahat nakuha niya galing sayo. From itsura to ugali, kulit." tinignan ko ang anak namin na busy kakalaro ng kutsara. Pinudpud ko pa siya ng halik sa mukha kasi pinang-gigigilan ko talaga siya.

"What can I do. I'm the father." pag mamayabang niya.

"Sana di mag mana sayo yung height." bulong ko.

"I heard that! I'm not short, okay." nag make face lang ako saka siya tinawanan.

"Sabi mo eh HAHAHAHA..."

"What do you think our baby's gender, babe??" he asked.

"Hmmm...ikaw? Ano sa tingin mo??"

"Not fair. I asked you first."

"I think babae...recently kasi ang init ng dugo ko kung di mo inaayos yung pag tupi ng damit mo. Yung pagiging burara mo, kinaiirita ko. Tas ang sensitive ko sa lahat ng amoy." I explained.

"Yeah we have the same thought too. Nang babato ka kapag anjan ako tas pag wala naman ako eh hinahanap mo ako." sinamaan ko agad siya ng tingin. "That's true...Like nagagalit ka if I'm sitting next to you but pag natutulog ako sa kwarto, tumatabi ka agad." bigla akong na konsensya sa sinabi niya. Harsh though pero ewan, ganyan yung pag bubuntis ko ngayon unlike before nung kai Fourth, gusto ko lagi nasa tabi si Sandro tas palagi ko siyang inaamoy.

"Kabahan ka pag babae to. Di ka talaga mag kanda-ugaga pag may manliligaw na sakanya." para siyang napaisip sa sinabi ko at napag tanto na aabot kami sa ganong sitwasyon.

"I hope it's a boy again." biglang bawi niya agad. Lumapit pa siya sa tyan ko habang hinawak-hawakan. "Baby... are you---DID OUR BABY JUST KICK?!!" his eyes widden and still holding my tummy while waiting for our baby to kick again. "Hi baby... Daddy is here..." nilapit niya agad ang tenga niya sa tiyan ko.

"Kabahan kana. Babae to kasi nagalit na akala mo lalaki siya..."

"Daddy was just joking, baby. I will always love and protect you even if your a girl or boy. Just sleep there peacefully and be healthy. Wag mo masyado pahirapan si Mommy, baby. We are all excited to see you." tinignan ni Fourth si Sandro habang nakikinig at kinakausap ang anak namin sa tiyan ko. Nagulat ako kasi ginaya agad yun ni Fourth at nilapit ang tenga sa tiyan ko. Pinatong ko ang mga kamay ko sa likod nila at tinapik-tapik yun. This is the life that I always wanted. Hindi ko inakala na si Sandro ang makapag papa-completo ng buhay at pangarap ko.

==================THE END==================

It could be us // Sandro Marcos (2)Where stories live. Discover now