CHAPTER 38

4.5K 133 12
                                    

MIA's POV.

Ang tanga-tanga mo, Mia! Naniwala ka agad na di na mahal ni Sandro si Steph! Kitang-kita naman na tinatago niya pa yung picture sa bulsa ng tuxedo niya! Ang tanga mo?!

"Miss? Okay ka lang?" Tanong nung taxi driver.

"Opo." sagot ko nalang. Buti memorize ko address sa bahay nila Honey. Wala na akong ibang mapuntahan kundi si Honey lang. Nakakahiya pero wala akong ibang choice.

Buti nalang may gate pass ako sa village kasi hindi basta-basta makakapasok sa village nila dahil high tech ang security nila. Nakarating ako sa bahay nila Honey at mag didilim na. Naririnig ko sa labas ang mga tawa ng mga anak niya. Pinunasan ko muna ang mga luha ko bago pinindut ang doorbell. Nakita kung lumabas si Honey at nagulat nung maaninag ako.

"Sis?! Anong ginagawa mo dito? Umaambon na. Pasok ka dali." sabay na kaming pumasok bago niya e lock ang gate. Pagkapasok namin sa bahay nila ay pinaupo muna niya ako sa sofa saka siya umalis para kumuha ng tubig.

"Tita!!!!" sigaw nila Harper at Emman. Twice lang nila ako nakita pero natatandaan na nila ako. Ang tatalinong mga bata.

"Hello..." nag silapitan sila agad sakin at niyakap ako.

"We are glad to see you again. Are you okay?" sabi ni Harper at pinunasan ang luha ko. Di ko mapigilan maiyak kasi ang sweet nila. As in.

"Tita is fine. Sa ulan lang to." pag kukumbinsi ko.

"Kids. Punta muna kayo kai Daddy. Go. Tita and I have to talk something important." sabi ni Honey pagkalabas ng kusina habang may bitbit na basong may tubig.

"Okayyy..." sagot nang mga bata at nag unahan umakyat sa taas at nag tatatakbo papuntang kwarto.

"Sorry kung pumunta ako dito na walang pasabi. Wala  talaga akong ibang mapupuntahan. Sorry, Honey." panimula ko nung maka upo na siya.

"Pamilya na tayo at kapatid ang turing ko sayo. Welcome ka dito anytime. Ano bang nangyari? Bakit ikaw lang mag-isa?"

"Nakita ko si Sandro na may kahilakan." dun na nag unahan tumulo yung mga luha ko.

"What?!? Teka. Teka... Sure ka ba siya ang humalik? Ano ba yung position nila. Tinanong mo ba siya?"

"Nakita ko nalang siya na hinalikan siya ni Steph." todo iyak pa rin ako na animoy bata na nag susumbong sa ate.

"Steph? Yung ex niyang niloko siya?" tumango-tango lang ako habang umiiyak. Di ko alam paano pigilan ang mga luha ko. "I don't think kaya kang lokohin ni Sandro. Mahal na mahal ka nun. I'm saying this dahil neutral lang ako. Baka na misunderstood mo lang yung situation at nauna kang mag react." may point si Honey. Hindi ko man lang hinayaan mag explain yung asawa ko. Ang babaw ko! "Minsan kasi kailangan natin nang explanation bag mag react. Di naman lahat ng nakikita natin eh totoo. Mahal na mahal ka ni Sandro kahit ipusta ko pa asawa ko Hahahaha" biro pa niya.

"I heard that... Hey Mia." sulpot ni Simon galing sa taas.

"Magandang gabi, Sy. Sorry nasulpot ako dito. Wala na talaga akong ibang mapuntahan." nasabi ko nalang. Nakakahiya yung pag sulpot ko dito pero wala na atalaga akong mapupuntahan.

"We are family. Welcome ka dito anytime. Nag dinner ka na ba?" umiling-iling ako.

"Dito ka na kumain at mag palipas ng gabi. Teka parang may nag bago sayo..." sabi ni Honey at tinitignan ang itsura ko.

"Buntis ako 8 weeks na..." inunahan ko na siya kaya gulat na gulat yung itsura nilang mag-asawa.

"Oh my God! Seryoso?! CONGRATSSS!!!" Kelan mo nalaman??? Ohhhh..." kita ko sa mukha nilang mag asawa ang tuwa dahil sa pag bubuntis ko.

"Kahapon lang nag PT ako tas kanina nag pa check-up kami. Tapos nung hapon ayon nakita ko si Sandro may kahalikan."

"That bastard!—" angal ni Simon agad.

"Oh isa ka pa! Kala mo di yun nangyari sainyo ni Elisse dati! Edi kung di kita pinakinggan edi hindi tayo umabot dito. Kumalma ka nga, love." pag pipigil pa ni Honey kai Simon.

"Nangyari din yan sainyo??" gulat kung tanong.

"Oo. Pinalabas nang hibang na Elisse na yun na may nangyari sakanila ni Simon sa loob ng office niya kahit wala naman talaga, tuluyan yung obssession niya kaya hinahabol-habol si Simon." pag papaliwanag ni Honey. Nawala bigla ang bigat na nararamdaman ko na kanina ko pa dinadala. Mali ako sa part na diko pinakinggan si Sandro mag explain.

"Love, kumain na muna tayo bago mo kwentohan si Mia." inaya na kami ni Simon sa dining nila habang tinatawag ni Honey ang mga anak nila sa taas. "I called kuya. Sabi ng mga bata kanina andito ka daw kaya tinawagan ko siya so you guys could talk. My kuya loves you, really. Kahit pangit yan stick to one yan." iba din tung mag kapatid eh. Nag babardagulan.

"Salamat, Sy. Gulong-gulo lang talaga ako kanina kaya di ako nakapag-isip ng maayos." tumango lang siya at nginitian ako. Nag uunahan bumaba si Harper at Emman habang bitbit naman ni Honey yung pangatlo nilang anak na babae.

"Titaa!! Are you gonna stay here???" nag-uunahan silang dalawa na tumabi sakin.

"Oh Emman dun ka sa right side ni Tita mo, ikaw naman Harper dun ka sa left side. Nag uunahan na naman kayo." saway ni Honey at naupo na rin sa dining. "Meet Gianna. Gian, si tita Mia." kwento ni Honey sa anak niya habang kinakandong iyon. Medyo nahiya siya kaya tinakpan niya ng bunny staff yung mukha niya. Ang cute!!

"Are you shy?? Ohh... That's your tita Mia, baby." nanliit pa boses ni Simon habang kinakausap si Gianna. Ang saya nila tignan. Hindi na ako makapaghintay na dumating ang panahon na maging ganyan rin kami ni Sandro.

"Tita. Can you play with us after we eat??" paki-usap ni Harper.

"Tita can't play with you. Kasi she has baby in her tummy and we don't want to hurt her baby, right?"paliwanag ni Honey sa mga anak niya habang kumakain na kami.

"WE HAVE ANOTHER BABY?! YEHEY!!" halos sabay pang sabi nang kambal. Nakakatuwa sila. As in!

"Tita will have a baby girl and we're going to be playmates" singit agad ni Gianna na ikinagulat ko. Ang deritso na niyang mag salita.

"Marunong na yan mag salita. Nahihiya lang minsan. Oh kumain na kayo." nag patuloy na kami kumain habang nakikinig kami sa mga kwento ng kambal about sa daycare nila. Nakaka-excite na dumating kami sa araw na yan. Magiging supportive mama talaga ako sa anak ko.

After namin kumain, pinahiram ako ni Honey ng pantulog niya at undergarments na di pa daw niya nagagamit. Nag wash up lang ako at nag bihis sa guest room bago pumunta sa kwarto ng kambal kasi gusto daw nila ako maka bonding ako. Nakakatuwa sila habang tinitignan ko silang nag co-color sa mga drawings nila. Nakita ko si Gianna na gustong bumaba sa kama kaso di niya abot ang sahig kaya kinarga ko muna siya saka nilaro-laro, tawa naman siya ng tawa.

"Babe..." pag lingon ko sa pintuan nakita ko si Sandro na nakatingin samin habang karga ko si Gianna.

It could be us // Sandro Marcos (2)Where stories live. Discover now