Di parin mag sink in sa utak ko yung nangyari kanina. Halos pabalin-balin yung higa ko kasi naguguluhan ba ako kung kinikilig ba talaga ako or naiirita. Ano ba Mia! Umayos ka nga! Accidente lang yun! Broken si Sandro kaya nangyari yun. Madaling araw na di parin ako makatulog kakaisip sa aksidenting halik kanina. Aist! Buti nalang talaga pag dating nang mga body guard ni Sandro eh nakatayo na ako, kundi talagang maiissue ako nun.
Pasado alas 4 ng madaling araw na pero gising parin ang aking diwa. Ano bang nangyayari sayo Mia?! Magpatulog kana self, please. Tina-try kung ipikit ang aking mga mata pero naiisip ko nalang kung paano lumapat yung labi ni Sandro sakin kanina. Ano ba yan! Ba't ba kasi sa lahat ng paglalandingan dun pa talaga sa labi ko. Jusko sana naman di awkward mamaya kung makaharap ko siya.
Wala talaga akong tulog kasi alas 6 na pero wala na talagang balak magpatulog yung sarili ko kaya bumangon na ako para gumayak kasi dapat maaga ako kesa kai Sandro para madali kung mailipat ang mga gamit ko kasi pag nagkataon na nag harap kami, awkward talaga. Not unless di niya yun maalala since lasing siya. Tama, tama. Yan ang isipin mo Mia. Di niya yun maaalala.
Matapos kung mag luto ng ulam eh naligo na kaagad ako at nag bihis saka kumain. Pants at jersey type shirt lang suot ko since may pupuntahan kaming isang barangay mamaya para sa pag-bigay ng food packs at kung ano-ano pa. After kung gumayak eh umalis ba rin ako, sabog pa siguro si Boss kaya mukhang ma la-late yun.
7am nung makarating ako sa headquarters at meron ng ibang staffs since 7:30am ang log in. Nag madali akong umakyat para makapaglipit agad ako ng gamit at makapaglipat. Sana talaga di muna kami magkita, nakakailang talagaaaa.... Pagkarating ko sa office ay nagligpit na kaagad ako saka nag lipat sa cubicle, katapat lang ng pinto ng office. After ko ma bitbit ang lahat eh lalabas na sana ako..
"AY KALABAW!" nagulat ako dahil may biglang nag bukas ng pinto at ang unang bungan ay si Sandro. "Hehehe... Boss, ikaw pala." peki kung tawa. Mukhang may hangover pato kasi inaantok pa talaga itsura niya.
"Si Sandro to not a cow. Pwede mo ba akong ipag-timpla ng kape? My head hurts so bad." Sabi niya sabay sapo sa kanyang ulo.
"Yes, Boss. Upo ka muna dun." Inalalayan ko lang siya saglit para makaupo. Di siya pweding makita ng ibang tao na ganto itsura niya kasi baka ikasisira niya to. Bakit ba kasi uminom-inom di naman pala kaya. "Ikaw kasi iinom-inom ka tpos di mo pala kaya, yan tuloy!" Panenermon ko pa sa sakanya.
"You sound like my mom... Maya kana manermon, tulog ko muna to." Saka siya yumuko sa lamesa at natulog. Aba naman! Pumunta muna ako sa pantry sakto may lomi kai may isang staff na nag dala kasi yun ang negosyo nila so nakihingi ako at nag kunwaring para sakin yun. Di ko nalang ipapaalam na may hangover si boss, baka pag chismisan pa siya.
Bumalik na agad ako sa office at dun nakita ko si Sandro na natutulog parin habang nakayuko. Nilapag ko agad ang mangkok na may lomi kasi mainit-init pa yun, saktong-sakto pampatanggal ng hangover. Tiningnan niya agad yung nilapag ko sa lamesa.
"Where's my coffee??" Tanong niya agad.
"Walang kape. Yan kainin mo para matanggal yang hangover mo. Yan kasi nilaklak ilang bote, di naman pala kaya mag malasing. Kumain ka na habang mainit pa yan." Binigyan ko agad siya ng kutsara saka nilagayan ng tubig ang kanyang baso. Parang bata lang siya na nanonoud sa ginagawa ko. "Kain na."
"Para kang si Mommy mag alaga. Okay I'll eat this para mawala hangover ko. Please don't nag me, sakit sa tenga. Mom already nag me last night please sana wala nang continuation." Aniya saka nag simula ng sumubo.
"Labas na ako. Ubusin mo yan." tumalikod na agad ako.
"What exactly happend last night??" Natigilan agad ako sa tanong niya. Oh hell! May naalala kaya siya???
"Nothing." sabi ko saka nag madaling lumabas pero narinig ko pa siyang tumawa. Anong ibig sabihin ng pagtawa niyaaaa?!? Mababaliw na ako kakaisip!
Pumunta na agad ako sa cubicle ko at minasahi ang aking sintido. Mia! Umayos ka! Dapat kalimotan mo na yun! I'm sure wala siyang naalala that night kasi tinamaan na siya ng alak. Okay let's think that way. Tinoun ko nalang ang attention ko sa mga naka pending works kasi baka mabaliw na ako kakaiisip if may alam ba talaga siya sa nangyari kagabi or wala. Kita ko pa yung pasa sa ulo niya nung natulak ko siya dahilan mauntog kunti yung ulo niya sa sahig kaso wala siyang ininda kasi nga lasing na lasing. Iba to ma broken boss ko.
Lunch time nung tinawag niya ako na pumasok sa office. Napraning na naman yata ako kakaisip eh. Hinanda ko muna ang sarili ko kasi naman matitigan ko lang siya saglit, yung halik na ang naalala ko agad. Pumasok na rin ako agad para matapos nato kung may ipag-uutos man siya. Kailangan ko talaga umiwas, kasi naman yung labi niya nang aakit pag tinitignan, matutulala ka nalang.
"May kailangan po kayo, Boss??" tanong ko pagkapasok sa office niya. Iniiwasan ko rin siyang tignan sa mata.
"Join me for lunch." aniya. Nananadya ba siya?? Ano ba yan!
"Wag na, Boss. Busog pa po ako."
"I insist. Let's eat together. I'm starving and ayaw ko kumain mag-isa." tss... nananadya talaga eh.
"Kunan ko lang po kayo ng food sa pantry." di ko na siya inantay sumagot kasi umalis na ako. Naiilang talaga ako sakanya eh siya naman parang wala lang, baka talaga di niya naalala yung kagabi?? Edi mabuti! I'll act na parang walang nangyari kagabi. Salamat naman, makakahinga na ako. Bumalik na agad ako sa office nung makuha ko na food namin. May naka assign na taga luto kaya araw-araw iba't-ibang putahi ang sineserve. Pagkapasok ko sa office ay busy si Sandro kakakalikot sa phone niya. Yun totoo naging marupok na naman ba siya kaya binalikan niya yung ka-fling kuno daw niya.
"Ohh.. smells good. Happy eating!!" pang-gagaya na naman niya sakin.
"Tss.." minsan talaga nakakalimutan ko na boss ko siya eh. Pano ba naman yung turing niya rin sakin parang di secretary. Normal na tao lang ganon kaya ayan na ca-carried away ako sa galawan ko.
"Kain na tayo." tinaguan ko lang siya at naghila muna ako ng upuan saka pumwesto sa harap niya. Tahimik lang kami kumakain pero nakikita ko si Sandro na panakaw-nakaw ang tingin sakin.
"May dumi ba sa mukha ko??" tinignan ko siya agad sa mata. Akala mo ikaw lang kaya makikipagtitigan ha..
"Nothing HAHAHAHAHA ikaw pa talaga may ganang makipagtitigan sa mata ha. Matapos akong malasing kagabi tas ikaw hindi."
"Iba ka kasi ma broken kasi limang beer lang naman ang nainom mo. Yan tuloy nasermonan ka nang Mommy mo." pang aasar ko pa.
"Yeah right." pang huli ko na sanang subo kaso nasamid ako sa sinabi niya. "At least I was your first kiss. HAHAHAHAHHA"
YOU ARE READING
It could be us // Sandro Marcos (2)
RandomWould I fit in to your world? Would it be worth to take the risk?? Sandro Marcos Fan fiction.