Nakahawak parin siya sa kamay ko habang nakatitig lang sakin. Pwersahan ko yung binawi agad na ikinagulat niya. "Chansing ka boss eh!" kuwari pinapagpag ko yung kamay ko na hinawakan niya.
"Grabi ka! Malinis naman kamay ko HAHAHAHA" makulit din pala to si Sir, Sandro. Buti nalang talaga. "Ang hirap mo hulihin ha!" dagdag pa niya.
"Syempre. Boss kita and professional ako pag dating sa trabaho kaya mag ready na po kayo kasi may speech pa kayo mamaya." ako na mismo nag ligpit sa pinagkainan namin para makaiwas sa awkward na sitwasyon. Ewan! Tumatayo balahibo ko sa mga titig niya.
"Alright. Mag ready ka na rin. You know what to do so yeah..." tumayo na siya saka bumalik sa desk niya para mag ready sa speech. Alam ko na ang gagawin ko and ready na ako.
Pasado ala una lumabas na kami sa office niya kasi pupunta sa event kung saan mag de-deliver siya ng speech. Nakasunod lang ako sa kanya habang bitbit ang mga gamit ko kasi need kung e record lahat ng sasabihin niya for future reference na rin. Pagkarating pa lang namin sa event eh halos mag hiyawan na lahat ng mga babae kasi nga andito na si Sir, Sandro. Iba talaga datingan eh! Napapatili yung mga babaeng na fi-fist bump niya. Dumeritso na agad siya sa harap tas ako naman pumunta sa gilid para eh prepare ang lahat ng kailangan. Habang nag sasalita siya eh tinatry kung habulin lahat ng sasabihin niya kaso mabilis talaga eh. Ni record ko nalang para pakinggan mamaya pag balik sa office.
"Hello. Are you Sandro's secretary??" lapit nung babae sakin. Napabaling ako agad sa kanya.
"Yes po. May kailangan po kayo??"
"Ahm pa favor naman oh na pwede mong e singit sa schedule niya yung pag visit sa bahay namin for small gathering lang naman. Pakain kumbaga." aniya. Tinignan ko muna siya mula ulo hanggang paa. Mukhang okay naman to.
"Di ko po maipapangako but I'll try my best po. Hectic schedule ng boss ko eh."
"May bonus ka saking pag nasingit mo yung favor ko sa schedule ni Sandro." ay! Akala siguro niya madadaan yata ako sa ganyang usapan.
"Sorry po. It's for him to decide. Ayaw ko rin po mag conflict yung schedule niya." sabi ko agad. Kasi naman baka tingin niya sakin mukha akong pera, although totoo naman pero yung mga pinagsisikapan ko naman noh. Di yung suhol-suhol lang. Inirapan lang niya ako saka umalis at kung may kung ano-anong sinasabi na di ko marinig. Tss..
Natapos na yung speech ni Sir, Sandro kaya kailangan na namin bumalik agad sa head quarters para sa next meeting niya. Puno schedule niya ngayon kaya wala kaming sinasayang na oras.
"Let's go." aniya at nauna siya nag lakad papuntang van, nakasunod lang ako sa kanya habang chini-check yung phone kasi maraming messages and notifications na nag pop sa subrang daming mentions niya sa lahat ng social medias. Grabi buti nalang talaga nag provide siya ng phone kasi kapag yung phone ko ginamit ay talagang sabog yun sa subrang dami. Diko namalayan na tumigil pala siya dahilan para mabunggo ako sa likod niya.
"Are you okay?? HAHAHA ingat ka kasi." sabi niya nung pagkalingon sakin.
"Eh kasi boss yung notifications galing iba't-ibang social medias mo, sabog talaga eh. Ibang klasi." patuloy parin ako sa pag scroll kasi inaantay namin yung van makarating sa harap namin.
"E seen mo nalang kung di kayang replyan or just ignore." aniya.
"Wag naman. Nag effort yung iba sa pag eedit ng videos and pictures mo with matching background music. Seen ko nalang tas try replyan yung iba." angal ko agad. Di kaya madali mag edit ng ganon kaya bilib ako sa ibang fans niya kasi ang effort sa pag edit.
"Alright ikaw bahala. You can also read the messages and reply." napaka madaling mag tiwala naman niya. Buti nalang talaga di ako sakay sa panahon kasi pwede tung magamit sa masama eh.
"Napakadali mo naman mag tiwala, Boss. Di dapat ganon baka kasi isahan ka kapag sobra ka mag tiwala at saka di naman ako nag oopen ng messages mo kasi privacy mo na yun. Ikaw na bahala mag basa." sabi ko pa at masyadong nahirapan sa mga bitbit kung gamit. Asan na ba kasi yung van. Hays.
"Hindi ka naman ganong klasing tao ah... I trust you. Kaya nga secretary kita." saka siya kumindat at nag smile.
"Feeling nito.." mahina ko lang naman sinabi yun peronarinig parin niya.
"I know, gwapo ako eh."
"heh!" natawa nalang kami pareho. Sakto dumating yung van sa harap namin. Pumasok na rin kami at patuloy parin ako sa pag check ng mga notifications at pag reply. Si Sir, Sandro naman eh nag ce-cellphone lang at nag babasa ng script para sa meeting siguro mamaya.
Di naman kalayuan yung event so nakarating na rin kami sa head quarters agad. Ayaw ni sir malate sa meeting kaya dumeritso na agad siya sa conference room. Pumwesto naman ako sa tabi niya para e set up na naman ang laptop at recorder ng phone. Habang nag sasalita siya eh nag re-record lang ako. Tas nag ta-type lang sa minutes of meeting, mamaya na yung flow kasi minsan nag aadlib siya kaya kailangan talaga e record. Snack time na ah pero wala parin nag se-serve. Lumabas muna ako para eh check kung may mag bibigay ba kasi yung mga kasali sa meeting mukhang nabobored or nagugutom.
"Excuse me, Ate. Wala bang mag se-serve ng snacks sa conference room??" tanong ko sa isang staff sa cubicle.
"Walang available na staff eh kasi lahat may gagawin, di pa nga ako natatapos dito." aniya.
"May snacks bang dumating? Ako nalang mag se-serve." para naman makinig ng maayos yung mga na sa meeting na hindi gutom.
"Andon sa pantry, Iha. Please ikaw nalang mag serve kasi di ko maiwan tung trabaho kasi kailangan nato mamaya." tumango nalang ako saka tumungo sa pantry para kuhanin yung mga snacks. Naabotan ko may special empanada at bottled drinks. Binibit ko yung ng walang kaabog-abog papuntang conference room para ma serve agad.
Nakarating ako sa conference room at dahan-dahan binuksan ang pinto para di makaagaw ng attention. Pumasok ako kaagad at bitbit ang mga mabibigat na bottled drinks at special empanada. Pagkapasok ko saktong nahuli ako ng tingin ni Sir, Sandro habang nag sasalita pa rin sa harap. Nag approve at ngumisi lang ako baka kasi nagtataka siya ba't ako ang may bitbit sa snacks. Sa likod muna ako naunang mag distribute at inisa-isa silang nilapitan.
"Uy salamat, Iha." puro salamat ang natanggap ko kada mga tao na nabibigyan ko. Meeting kasi to para sa gaganapin na pamimigay ng fertilizers ng mga magsasaka kaya halos ang nandito may mga edad na kaya kailangan di pwde walang laman ang tiyan nila. Pumunta na kaagad ako sa harap para mamigay naman pero dinaanan ko muna ang table ni Sir, Sandro saka nilagay ang special empanada saka bottled drink dun para naman malamnan tiyan niya. After ko mag distribute sa lahat eh bumalik na kaagad ako sa upuan para e check kung gaano na ba kataas ang record ng sinasabi niya. 45 MINUTES?!!? Grabi! 10minutes nga lang attention span ko tas ang haba niya pala talaga mag salita.
"Alright. That's all for today. Thank you, see you tomorrow. Mag ingat po kayo." sabi ni Sir, Sandro saka tinapos ang meeting. Nagsi-alisan na mga tao hanggang sa kami nalang dalawa naiwan sa conference room. "Bakit ikaw ang nag distribute?? Asan yung ibang staffs?? Ang bigat nung dala mo kanina." tanong niya agad nung maka-upo siya.
"Wala, boss eh. Busy lahat saka kaya ko naman. Easy peazy."
"Nako ang bigat nun. Pero salamat sa ginawa mo kasi feel ko di na nakikinig yung iba, baka nagugutom. Thank you for that." nagulat nalang ako bigla siyang tumayo saka niyakap ako. Teka lang, ba't biglang bumilis ang tibok ng puso ko???
YOU ARE READING
It could be us // Sandro Marcos (2)
RandomWould I fit in to your world? Would it be worth to take the risk?? Sandro Marcos Fan fiction.