CHAPTER 11

5.4K 174 98
                                    


"Anong pinagsasabi mo jan??" saka tinulak ko siya ng mahina.

"Be my girlfriend instead. You know, malaki pa sa sweldo mo ang kikitain mo." confident pa niyang sabi saka nilapit ang kanyang mukha sakin. "At least dun, I would say akin ka talaga." ano na naman bang pinagsasabi nito??? Pinindot ko agad ang kanyang noo na may pasa at agad siyang napaurong sa sakit.

"Aray! Tsk!" sabay hipo sa kanyang noo. "Ang sakit ha!"

"Wag mo'ko bolahin. Chick boy ka pa naman. Yang ka anohan mo, tigil-tigilan mo ako, Sandro." lumayo muna ako ng upo sa kanya.

"Ang hirap mong kunin. Swear." sabi niya.

"Kaya na cha-challenge ka?? Kaya ba bo-bolahin mo nalang ako??" nag iba ang ihip ng hangin dahil sa tanon ko. Minsan kasi nakaka-lito siya eh, masungit tas saglit ang sweet. Seloso pero pag siya, malapit sa ibang babae. I got the point na marami siyang fans pero yung ibang mga friends niya na masyadong high class na mga babae, wala akong panama dun. Alam kung hindi pa ako nangangalahati sa kung anong meron sila.

"No. It's not like that. Why would you think like that??"

"Yun kasi ang lumalabas eh. Kesyo ang hirap kung kunin kaya na cha-challenge ka na. Sinasabi ko sayo, Boss. Ayaw ko ng relasyon na pang tapal ego lang. Umuwi na tayo, gabi na." nauna na agad akong tumayo sa kanya at aktong aalis na kaso hinila niya ang kamay ko.

"Give me a chance to show you how sincere I am." tumayo siya para magpantay kaming dalawa ng hindi binibitawan ang kamay ko. Ba't ba siya nagkakaganito??

"Ka-kahiwalay mo palang sa babae mo tapos ngayon sasabihin mong bigyan kita ng chance? Pinagloloko mo ba ako, Sandro??"

"No..." hinawakan na niya ako sa mag kabilang balikat. "It's hard to explain pero pagsisikapan ko na maging worth it yung chance na ibibigay mo."

"Ikaw bahala. Umuwi na tayo, mag sisimba pa ako bukas." winakli ko agad ang mga kamay niya sa mag kabilang balikat ko.

"Alright.." umayos agad siya ng tayo at bahagyang inayos ang t-shirt niya. "just give me a chance to prove to you what I really feel towards you." pa pu-push niya parin.

"Oh siya. Uwi na tayo." para matapos na to. Baka epekto na yan ng pag pindot ko sa noo niya kanina. Pumunta na rin kami sa van niya para umuwi. Buong byahi wala akong imik kasi diko alam kung anong sasabihin ko sakanya. Seryoso ba talaga siya sa sinasabi niya??

Nakarating na kami sa tapat ng apartment ko kaya bumaba na ako agad.

"Mag-iingat ka." aniya.

"Kayo din. Una na ako." papasok na sana ako kaso may pahabol pa siyang sinabi.

"I'll see you tomorrow." late na ako nakalingon kasi nasara na niya ang pinto ng van at umadar na sila paalis. Anong sinasabi niyang I'll see you tomorrow?? Ano bang nangyayari sakanya??

Pagkapasok ko sa apartment eh nilagay ko na ang mga gamit ko sa gilid kasi pagod na pagod talaga ako. Nag pahinga lang ako saglit para pwede na akong makaligo bago matulog. Nag check muna ako sa mga social media accounts ni Sandro about sa mga mentions, tags, at iba pa. Grabi, andaming babae ang nahuhumaling sakanya tas nanghihingi siya ng chance sakin? Pinagloloko lang yata niya ako eh. Tsk! Naligo nalang ako dahil naguguluhan ang utak ko kaka-isip kung makatotohanan ba talaga yung sinasabi ni Sandro. Kailangan ko talagang bumawi ng tulog ngayon kasi di ako nakatulog kanina dahil parin kai Sandro at sa halik niya.

***********************************************************************************************

Maaga akong nagising ngayon kasi sunday and that means Lord's day. Gumayak narin ako after makainom ng kape, di na muna ako kakain kasi diko feel kumain ngayong umaga.  Nagbihis na ako at nag lagay lang ng lipstick para di ako mukhang patay tignan. Pinasadahan ko muna ang sarili ko sa salamin para malaman kung okay na ba talaga ang sout ko. Jeans and sleeveless lang naman tas pinatungan ko ng demin jacket at puting sapatos. Kinuha ko na agad ang sling bag ko para umalis. Pagkabukas ko ng pinto, isang Sandro agad ang bumungan sakin.

It could be us // Sandro Marcos (2)Where stories live. Discover now