Prologue:

7K 85 3
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the product of author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Note: This story contain topics that some might find disturbing. It is for you if you will still continue to read it or not.

***

"Amara Celestine Fuentes!"

Kinabahan ako ng marinig ang boses ni papa sa loob ng kuwarto ko. Mas binilisan ko pa ang pagbaba mula sa kumot na pinagdugtong ko upang makababa mula sa bintana ng aking kuwarto.
Nang bumagsak ang mga paa ko sa lupa ay napatingala ako at nakita ko nga si papa na nakadungaw rin sa akin.

"Bye, papa" Ngumiti ako at kumaway sa kaniya saka pinulot ang wallet ko na nahulog sa lupa.

"Amara, come back here!" Sigaw nito ngunit umiling lamang ako.

"Hindi ka maaaring umalis, kasal mo na bukas!"

"Ayoko pong magpakasal!" Sigaw ko at sinimulang tumakbo palayo. Tinawag niya ako pero hindi ako nag-abalang lumingon pa. Itinaas ko ang kamay ko sa ere saka kumaway muli kahit tumatakbo ako.

"Armando, habulin niyo si Amara!"

Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang huli niyang sinabi habang papalayo ako sa bahay. Shit! Kailangan hindi ako mabutan ng mga ito dahil malilintikan talaga ako kapag nagkataon. Lumusot ako sa butas mula sa bakod na gawa sa kawayan. Lagi ko itong dinadaanan sa tuwing tumatakas ako kay papa.

Itong daanan ay palabas roon sa kalsada kung saan maraming dumadaan na sasakyan. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo para maunahan ko sila papa dahil alam ko na aabangan nila ako roon sa highway. Nang marating ko ang kalsada ay iwinagayway ko ang aking mga kamay sa mga dumadaang sasakyan.

Walang humihinto kahit isa kaya't nagsasasayaw na ako sa kaba. May sasakyang dadaan muli kaya ako na mismo ang humarang sa gitna ng kalsada. Napapikit pa ako ng mariin dahil para akong mababangga sa bilis ng takbo nito.

Napamulat ako ng marinig ang sunod-sunod na busina. Nang makitang nakahinto ito ay mabilis kong tinakbo ang driver seat at kinatok ang bintana. Bumukas naman ito kaagad.

"Are you damn crazy?!" Agad niyang bungad sa akin pero hindi ko pinagtuunan ng pansin ang kaniyang galit.

"Tulungan mo ako!" Tarantang saad ko. Kinunutan lamang ako nito ng noo.

"I'm not buying your act, woman" Pinaandar na nito ang makina ng sasakyan kaya mas lalo akong nataranta.

"May humahabol sa akin! Please, help me!" Pagmamakaawa ko sa kaniya.

"I saw a lot of people like you doing this just to fool the innocent. I'm not stupid to fall in your trap" Mariin niyang saad. Papaandarin na sana niya ulit ang sasakyan pero sinabit ko ang kalahati ng katawan ko sa binatana nito. Napamura ito dahil sa gulat.

"Hindi kita niloloko! May mga humahabol sa akin at kapag nahuli ako ng mga 'yon ay siguradong papatayin nila ako" Pinilit ko pang paluhain ang sarili ko upang mas kapanipaniwala. "H-Hindi mo manlang ba ako tutulungan? Kapag may nangyaring masama sa akin---"

"Sakay!"

Napatigil ako sa pagsasalita ng buksan niya ang pintuan sa passenger seat. Napangiti ako ng palihim dahil mukhang effective ang pag-arte ko. Umalis ako sa bintana ng sasakyan niya at kaagad akong sumakay sa passenger seat at isinara ang pinto. Nagmaneho na ito paalis kaya't napalingon ako sa pinanggalingan namin. Nakita kong kakarating rin ni Armando roon kaya napabuga ako ng hangin. Tila nabunutan ako ng tinik sa dibdib.

Hindi siya umimik sa buong biyahe. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at iniisip kung saan ako pupunta ngayon. Wala akong kaibigan na puwedeng matuluyan. Ayoko rin sa mga kamag-anak ko.

Nag-ring ang kaniyang cellphone kaya napatingin ako sa gawi niya. May pinindot siya sa kaniyang tainga na puting bagay.

"Mr. Fuentes' daughter is missing? So, the wedding is off. That's a great news"

Ibinalik ko ang tingin sa bintana dahil sa sinabi niya. Napakurap-kurap ako at natuod na rito sa aking kinauupuan. Lihim akong napakagat sa aking ibabang labi at kinurot-kurot ang braso.

Tumakas ako para hindi matuloy ang kasal pero heto ako ngayon lulan ng sasakyan ng taong mukhang ipapakasal sa akin ni papa. Napayuko ako at kinutkot ang aking palad.

I think, I'm totally doomed!

Fated To Be The Demon's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon