CHAPTER XLVII

1.7K 29 1
                                    

***

NASA loob na kami ng kuwarto niya, pinaupo niya muna ako sa sofa dahil kailangan niyang magbihis. Nasira kasi ang kaniyang damit dahil sa bolang usok na tinapon ng nilalang na iyon.

Sa lahat ng nasaksihan ko kanina ay tila isa lamang itong masamang panaginip. Hindi ko makakalimutan ang sinabi ng nilalang na iyon tungkol kay Ryoushin. Bukod pa sa kasal na nakatadhanang mangyari sa kaniya ay may iba pang nakatadhana sa kaniya, at base sa sinabi nito ay hinahadlangan ko iyong mangyari.

This curiosity is killing me again. May nag-uudyok na naman sa akin upang alamin ang lahat. Napatayo ako saka pabalik-balik na naglakad, habang napapaisip ng malalim. Marami pa akong gustong malaman pero mukhang nakalimutan ko ang mga bagay na iyon nitong nga nakaraang araw.

Hindi ko lubos akalain na si Miss Pen ay hindi tao, isa pala siyang Sorcerer Demon. Kung babalikan ko ang mga araw na nandirito ako sa mansion, may ibang bagay pa akong nakaligtaang alamin. Ang art studio, hindi ko pa naitatanong sa kaniya kung bakit kailangang nakasindi palagi ang kandila roon, mapa-araw man o gabi. Ang itim na notebook na may mga litrato at nakasulat na importanteng detalye ng mga tao.

At kung ano ang ginagawa ni Ryoushin sa mga ipinambabayad sa kaniya ng mga taong gustong matupad ang kanilang kahilingan. Naalala ko ang sinabi ni Lorenzo sa akin na masuwerte ako, dahil ako ang natatanging ipinambayad sa deal na napiing pakasalan niya.

Napabuntong hininga ako saka nginatngat ang aking kuko sa hinalalaki. Kung masuwerte ako dahil ako ang papaksalan, paano naman ang mga ipinambayad sa deal na hindi niya napiling pakasalan?

Kung gusto ko raw alamin ang nangyayari sa ipinambayad sa deal ay puntahan ko ang third floor. If I break that rule, what could be the things that would possibly awaits for me there?

Woah. These realizations are mindblowing. Umupo akong muli. I want to know everything, especially the truth. Maybe, I will ask him about the notebook and the art studio. I wanted to know the meaning of those candles inside that weird studio.

Habang naghihintay ako ay narinig ko namang may kumatok. Nag-atubili pa ako kung bubuksan ko ba ang pinto ngunit nahimigan ko ang boses ni Miss Pen sa labas, kaagad akong tumayo upang pagbuksan siya.

Nang mabuksan ko ang pinto ay nakita ko si Miss Pen, bumalik na ulit siya sa kung paano ko siya nakilala noong unang apak ko dito sa mansion. Dumapo ang paningin ko sa bitbit nitong tray na may lamang gatas, tubig at blueberry cheesecake. Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko.

Ngumiti ito sa akin, pinagbuksan ko siya ng pinto kaya pumasok siya sa loob. Isinara ko ang pinto ng tuluyan siyang makapasok. Sinundan ko siya ng tingin habang patungo roon sa coffee table. Habang pinagmamasdan ko siya ay bumabalik na naman sa akin ang imahe niya na nakita ko kanina.

Ibang-iba ito sa kung ano ang itsura niya ngayon. Tumingin ito sa aking gawi.

"Halika na rito, Amara. Huwag kang matakot sa akin, hindi kita sasaktan"

Pinagdikit ko ang aking mga labi saka marahang naglakad palapit sa kaniya. Inilapag nito ang tray sa mesa saka siya tumingin sa akin. Nang tuluyan akong makalapit sa kinaroroonan niya ay umupo ako sa sofa.

Narinig ko naman ang yabag na nagmumula sa may study room. Bumaling ako roon at nakita ko si Ryoushin na bagong ligo. May tuwalya pa na nakasabit sa kaniyang kanang balikat. Tumingin siya sa akin saka kay Miss Pen.

"You're here" Puna ni Ryou kay Miss Pen bago umupo sa tabi ko. Kinuha niya ang blueberry cheesecake. "Blueberry cheesecake? Again? It's already midnight"

Kaagad ko itong kinuha sa kamay niya saka inilayo.

"Hayaan mo na, bigay naman 'to ni Miss Pen sa akin"

Fated To Be The Demon's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon