CHAPTER XII

1.7K 35 2
                                    

***
Unti-unting dumaloy sa kaugatan ko ang hiya at mukhang namuo ito sa magkabila kong pisngi. Umiwas ito ng tingin at inilagay ang magkabilang kamay sa kaniyang bulsa saka umatras ng dalawang hakbang.

My cheeks are burning now with embarassment. I could not look into his eyes. Umurong na 'yong dila ko at hindi ko na nagawa pang magsalita. Nakakahiya! Nakita pa kanina ni Kuya Greg ang sitwasyon ko.

Hindi ko naman kasalanan kung ganito kaikli ang palda e. Saka may cycling short naman akong suot pero alam ko na umikli na iyon ng sobra dahil lumislis iyon paitaas sa kakagalaw ko. Pakiramdam ko ngayon ay wala na akong mukha na maihaharap pa sa kaniya at pati kay Kuya Greg.

Narinig ko na lang ang yabag nito na paalis. Kinagat ko ang ibabang labi ko at kinurot ang aking braso dahil sa nangyari. Pinatay ko 'yong vacuum saka kinuha ang mop at binasa ng tubig.

Arrrghhhhh... Kinuskos ko ng kinuskus 'yong sahig gamit ang mop dahil sa inis at kahihiyan na nararamdaman.

"Amelia, patapos ka na ba riyan?"

Kinalma ko ang sarili ko ng marinig ang boses ni Miss Pen mula sa may bukana ng Servant's hall. Tumigil ako sa pagma-mop at saka tumingin sa gawi niya.

"Patapos na rin po" Sagot ko.

"Sige, babalikan kita dito mamaya para samahan sa pool sa east wing"

Tumango na lang ako bilang sagot. Nang marinig ko ang yabag niya na paalis ay tinuloy ko ang pag-m'mop. Malapit na akong matapos ng marinig ko ang yabag pababa ng hahdan kaya napatingala ako.

Ryoushin appeared. He already had a shower and a new set of clothes. He wore an expensive looking gray suit, white undershirt and black leather shoes. His hands are busy tying his dark blue necktie around his neck.

Mabilis kong inalis ang paningin sa kaniya bago pa man niya ako mahuli. Binilisan ko ang pag-m'mop para makaalis na ako dito dahil naiilang ako kapag nakikita siya. Mas mabuting manatili na lang muna ako sa maid's quarter habang wala pa si Miss Pen.

Dumiretso ako sa may likod ng sofa para mag-mop. Ito na lang naman ang i-m'mop ko tapos patutyuin ko na. Natigilan ako nang may pares na sapatos ang tumigil mismo sa tapat ng hawak kong mop kaya hindi ko ito naigalaw.

Napatingala ako at nakita ko siyang nakatayo sa harapan ko habang ang mga kamay ay sa kaniyang bulsa. Napansin ko na wala ang atensiyon sa akin kung hindi nakatuon lang ang pares niyang mga mata sa sahig.

Sinundan ko kung ano ang tinitingnan niya at natutop ko ang aking labi ng makita ko ang gasgas sa sahig na gawa ng hagdan kanina.

"M-Master, A-Ano kasi..."

"PENELOPE!"

Dumagundong ang boses nito sa buong Mansion. Pati yata tutuli ko ay natanggal dahil sa lakas ng boses niya. Nayakap ko ang stick ng mop dahil sa sobrang pagkabigla. Nakita ko si Miss Pen na patakbong tumungo sa puwesto namin at may hawak pang mga bed sheet.

"Master, bakit po?" Nag-aalalang tanong nito bago ako balingan ng tingin.

"Call Mang Randy to fix this mess that she did" Tinuro nito ang tiles na nagasgasan ng hagdan.

"Y-Yes, Master" Ramdam ko na pati si Miss Pen ay nabigla rin.

Binalingan niya ako ng tingin kaya mabilis akong yumuko. Galit na galit na siya ngayon dahil parang may lalabas na uusok sa ilong niya.

"And drag her out from this place. NOW!"

Napaigtad ako sa sigaw nito. Ang sunod ko na lang na narinig ay ang mga yabag nito na paalis. Inangat ko ng marahan ang ulo ko at sinundan siya ng tingin.

Fated To Be The Demon's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon