CHAPTER LXXI

1K 22 1
                                    

***

Nanatili lamang akong nakatitig sa kaniyang mukha ngayon at umurong yung dila ko dahil sa kaniyang tanong. A bitter wind blew from the north, I can even taste the tanginess on it.

Nakalimutan ba niya talaga ako? Bakit naman? Nangako siya na babalik sa akin pero bakit hindi niya ako maalala? Hindi ko na naitago pa ang luhang sunod-sunod na nagsisituluan mula sa mga mata ko.

Domoble ang sakit na nararamdaman sa aking puso. Bumalik nga siya sa akin ngunit hindi niya naman ako naaalala. Hindi ko manlang naisip na maaari itong mangyari.

"R-Ryou, h-hindi magandang b-biro iyan" I stuttered. Hinawakan ko ang kaniyang mga kamay. God, how I missed holding his warm hands. His gaze lowered on me. Nanatiling seryoso ang kaniyang mukha. "H-Huwag namang ganiyan o"

Napayuko ako saka napahikbi dahil wala manlang talaga siyang reaksiyon habang nagmamakaawa ako sa kaniya. Ang sakit e. Wala naman silang sinabi sa akin na mawawalan siya ng alaala after niyang ma-reincarnate.

"Let go of me, Miss. I don't know you"

He renove my hands on his, slowly, that crumpled my heart. Umiling naman ako saka pilit ibinabalik ang kamay sa kaniyang kamay. Parang tinusok naman ng karayom ang aking puso. Napatingala ako sa kaniya saka nagsumamo. Tumaas-baba ang kaniyang balikat hudyat na napabuntong-hininga siya.

Pero maaari ko pa ring maibalik ang alaala niya diba? I will do everything just to get him back.

"B-Baby, hindi mo ba talaga ako naaalala? A-Ako 'to si Amara. M-Magsalita ka naman, please" Malumanay kong pakiusap saka inalis ang mga luha sa mata ko pero kahit anong gawin ko ay tuloy-tuloy lang sila sa pag-agos.

Nagpalakad-lakad ako sa kaniyang harapan dahil sa pagkabalisa. Tumigil ako saka tumingin sa kaniyang muli.

"Gusto mo bang lutuan kita ng pancit canton ngayon na? Gusto mo bang sumayaw ako dito sa gitna ng kalsada? Gusto mo bang kantahan kita?" Sunod-sunod kong tanong sa kaniya.

Tumaas ang kaniyang kilay bago ilagay ang magkabilang-kamay sa loob ng kaniyang suot na trousers.

"What the hell are you talking about? Are you high?" Sarkastikong tanong nito sa akin. Wala akong nagawa kung hindi ang mapasinghot na lamang habang tumutulo ang mga luha, nanginginig ang mga labi ko. Minasahe ko ang aking palad dahil nanlalamig ito.

"R-Ryou n-naman, ako nga ito, yung babaeng mahal mo" Halos lumuhod na ako sa kaniyang harapan. This is the first time that I am begging for someone to believe me. Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan ako ngayon ng mga dumadaan dito sa kalsada.

"I don't know what you are talking about"

Tinalikuran na niya ako kaya mabilis akong napaupo sa kalsada at idinukdok ang mukha sa mga tuhod ko. Napahagulgol na lang ako dahil hindi ko kayang makita siya na iiwan ulit ako.

Ang sakit-sakit na.

"K-Kung hindi mo na ako malala, magpapasagasa na lang ako dito para makalimutan na rin kita" Seryosong saad ko saka inangat ang aking tingin. Nakita ko siyang tumigil sa paglalakad. Pinunasan ko ang aking ilong dahil tumutulo na yung sipon ko sa kakaiyak.

Tumayo ako saka pinunasan ang luha sa mga mata ko. Pumihit ito paharap sa direksiyon ko. He uttered a curse then rake his silky black hair with his long fingers.

"Miss, that is not a good joke" Seryoso niyang saad. Tinaasan ko siya ng kilay.

"I-Ican do everything just to get you back. Hindi ako nagbibiro, Ryou" Sinserong saad ko saka tinalikuran siya at tumingin sa mga sasakyang dumadaan.

Fated To Be The Demon's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon