***
Sino siya?
Sana hindi panibagong babae na naman na ipinambayad sa deal. Mas maganda ito kumpara sa mga babaeng ipinagkasundo sa kaniya noon.
Walang-wala ako sa kalingkingan niya. Sa isipang iyon ay bigla akong nainis.
Napatingin ako kay Ryoushin ng bumaba ito ng kabayo saka hinubad ang suot na itim na leather gloves. Tumabi ito sa babae. Habang pinagmamasdan ko sila ay hindi ko maiwasang mapataas ng kilay.
"This is Aerith" Pakilala niya sa amin saka inakbayan ang babae na ngayon ay walang emosyon ang mukha. "My Sister"
Napasinghap naman ang mga kasama namin rito. Katulad ko ay nabigla rin sila sa inanunsyo ni Ryoushin. Napamaang na lang ang aking labi.
"Tss. You ruined the mood, brother. I told you to introduce me as your girlfriend" Inis nitong saad kay Ryoushin.
"That's not gonna happen, sister" Mariing saad ni Ryoushin sa kaniya bago ibaling ang tingin sa akin.
Aerith rolled her eyes.
Ito ba ang sinasabi sa akin ni Kuya Greg na matagal ng hindi umuuwi dito? Inalis ng babae ang kamay ni Ryoushin sa balikat niya. Tiningnan niya kami isa-isa.
"Hi, I am Aerith. Nice to meet you all" Seryosong sabi nito habang tinitingnan kami.
"She will be staying here for three months" Dagdag naman ni Ryoushin.
"Tss. I should be saying that, brother" Tamad nitong saad sa kapatid niya. Napapalatak lamang si Ryoushin. Bumaling ulit sa amin yung kapatid niya.
"I know it's so sudden, after how many years of staying in France, this is the first time that I step foot in this country. I didn't know that my brother had this huge properties here in the Philippines. I couldn't let this day passed without me joining the best time of the year" Humalukipkip ito. Napapansin ko na tila mapang-uyam ang dating ng pagkakasabi niyang iyon. "It's harvest day and I lost count of how many years I missed this kind of event"
Wala namang nag-imikan sa aming lahat. Pati si Miss Pen ay hindi na makapagsalita rito sa aking tabi. Alam ko na alam niya kung sino ang darating ngayong araw.
"By the way, Are they your personnels here?" Bumaling ito kay Ryoushin na nakahalukipkip at tamad na pinagmamasdan ang kapatid. Bumaling ako kay Aerith ng tumigil ito mismo sa aking harapan.
"You must be, Amara?" Pinasadahan ako nito mula ulo hanggang paa saka ito ngumisi. Inabot niya sa akin ang kaniyang kamay. "I am Aerith, Ryoushin's sister. Nice to finally meet you.....personally"
Hindi ko alam pero may iba pang ibig sabihin ang huli nitong sinabi. Napatingin ako sa kamay niya na nakaabot sa akin. Nag-alangan pa akong tanggapin ito pero kalaunan ay tinanggap ko na lang dahil baka isipan niya na bastos ako. Naramdaman ko na malamig ang palad niya. Mabilis lamang iyon dahil kaagad na niyang binitawan ang kamay ko.
"Penelope, samahan niyo muna si Aerith sa mansion" Seryosong utos ni Ryoushin kay Miss Pen.
Yumuko ng kaunti si Miss Pen saka tumango. Bumaling ito kay Aerith na hindi na yata maalis ang tingin sa akin. Hindi tuloy ako makakilos ng maayos.
"Lady Aerith, sumama kayo sa akin"
Nilapitan naman ako ni Ryoushin saka hinawakan ang aking braso. Hinila niya ako palapit sa kaniya.
"Okay" Nakangiting sabi nito pero alam kung plastic iyon. Kumaway ito sa amin. Pagtalikod niya ay hindi nakatakas sa mga mata ko ang pagbabago ng ekspresiyon ng kaniyang mukha. Bumalik ito sa walang emosyon.
BINABASA MO ANG
Fated To Be The Demon's Wife
FantasiAmara Celestine Fuentes was arranged by her father to marry a man that she had never met. In order to avoid her twisted fate, she decided to run away. While she was on the run, she met a stranger who helped her to find a place to stay, but in return...