CHAPTER LXIV

1.1K 23 0
                                    

***

Nang makita kong wala ng kahit anong nilalang ay kaagad akong tumakbo papasok ng kastilyo. Unang bumungad sa akin ay ang madilim at malaking bulwagan na may mga sulo. May hagdan dito mismo sa aking harapan tapos may malaking bukana sa kaliwa at kanan.

Napakamot ako sa aking ulo dahil hindi ko alam kung saan nila dinala si Ryoushin.

Nataranta ako ng marinig ang mga malalaking yabag na mukhang galing roon sa kaliwang bukana, napalinga-linga ako at wala akong mapagtataguan. Tumakbo ako patungo roon sa kanang bukana, madilim pa rin rito at tanging mahabang corridor lamang ang aking nabungaran.

May iilang sulo pero hindi sapat iyon para magbigay ng liwanag sa buong daraanan. Saan ba ito patungo, sana naman ay wala akong makasalubong na Hell Knights o kahit sinong nilalang rito dahil tiyak katapusan ko na.

Paglagpas ko sa mahabang corridor ay malawak na espasyo ang aking nakita, sa kaliwa ay may mga nakabukas na bintana at sa kanan naman ay madilim ulit na corridor. Parang kinikiliti ang palad ng paa ko dahil sa pagkakabalisa at pagkakataranta.

Nakarinig ako ng yabag kaya't tumakbo ako kung saan ang mga nakabukas na bintana saka patalon na lumusot roon. Napangiwi ako ng bumagsak ako sa lupa, tumama pa ang labi ko sa lupa kaya mahina akong napausal ng aray.

Kaagad akong nagtago sa gilid ng mga halaman saka napalinga-linga. Wala namang bantay rito pero mayroon sa malayo na nag-rorondang mga Hell Knights. Sumilip ako sa bintana at nakita ko ang mga Feral Demons na tila may hila-hila galing roon sa may corridor.

Pinaningkit ko ang mga mata ko at nakita kong may mga bihag silang hila-hila na nakatali sa kadena. Hindi ko alam kung tao ba ang mga iyon o ano. Nang mawala na sila sa panignin ko ay napaayos ako ng tayo. Mukhang alam ko na kung saan hahanapin si Ryoushin.

Napabuntong hininga ako saka umakyat ulit sa bintana, sumalampak pa ako sa sahig dahil sa suot kong damit. Tumayo ako saka inayos ang aking sarili bago napahugot ng malalim na hininga. Maingat akong naglakad patungo roon. Nagdarasal ako na sana wala akong makasalubong na halimaw.

Habang papalapit ako sa corridor ay may naririnig akong mga panaghoy na tila nasasaktan. Nang tuluyan akong makalabas ay mas lalong lumakas ang naririnig kong ingay. May mga selda rito na may mga bahid ng dugo. Sa dami ay hindi ko alam kung saan ako unang pupunta ngayon.

Kaagad akong napatago sa gilid ng malaking haligi ng may marinig akong yabag. Tinakpan ko rin ang aking bibig dahil.pakiramdam ko ay pati hininga ko maririnig nila. Napasilip ako at nakita ko ang dalawang Hell Knights na palabas nitong malaking kulungan. Nang makalabas sila ay napabuntong hininga ako saka umalis mula sa aking tinataguan.

Inayos ko ang aking balabal saka inisa-isang tingnan ang mga selda.

"Ryou?" Mahinang tawag ko saka sumilip sa loob. Kaagad akong napalayo ng bumulaga sa akin ang isang buto't balat na lalaki. Kinalampag nito ang selda kaya napaatras ako.

Tumungo naman ako sa kabila. Napaatras ako ng makita ang isang babae na puno ng dugo ang mukha. Nakakakilabot naman ang mga nakakulong rito. Sinuyod ko ang buong selda pero hindi ko nakita si Ryou.

Nang marating ko ang dulo ng kulungan ay dismayado akong napaupo sa sahig saka napabuga ng hangin. Napatingala ako sa ceiling. Wala rito si Ryoushin. Nanunubig ang mga mata ko dahil nawawalan na ako ng pag-asang mahanap siya.

"Anong ginagawa mo riyan?" Napaigtad ako sa boses na aking narinig muka sa aking harapan. Mabilis akong napabaling roon at doon ko nasilayan ang isang may katandaang lalaki na nakasuot ng eyeglasses.

Seryosong niya akong pinapasadahan ng tngin mula ulo hanggang paa. Nilukob ako ng kaba saka takot ng mapagtantong may nakakita sa akin. Napatayo ako saka pinagmasdan siya, at pilit itinatago ang kabang nararamdaman. Hindi siya isa sa mga Hell Knights.

Fated To Be The Demon's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon