CHAPTER I

3.3K 44 0
                                    

***

Hindi ako mapakali habang nasa loob ng sasakyan niya. Patingin-tingin rin ako sa labas ng bintana baka sakaling makakita ako ng puwedeng tuluyan muna pansamantala. Nag-o-overthink na ako ng malala rito.

Siya ba talaga 'yong ipapakasal sa akin? I never saw my groom's face, surprise marriage nga ang nangyayari sa pagitan namin kaya kinabahan ako. Hindi ko naman akalain na uso pa pala ngayon ang ganoong set-up.

Hindi na nga ako nag-boyfriend para iwas stress tapos mag-aasawa pa? Helll no! Ayokong tumanda ng maaga. Mas gusto ko na lang ngayon na maging single at magsaya.

Ibinaling ko sa kaniya ang tingin. Pinagmasdan ko siyang maigi habang ang atensiyon niya ay nasa pagmamaneho lang. Maputi at makinis ang balat, halos magdugtong na ang makapal niyang kilay dahil mukhang malalim ang iniisip nito, matangos ang ilong, medyo singkit ang mata, may mapula at manipis na labi, at napansin ko rin ang nunal sa may chin niya.

May suot siyang salamin at medyo matatabunan ng kaniyang bangs ang kaliwang bahagi nito. Ang mga ganitong itsura ay halatang habulin ng mga babae.

"What is your name?"

Nagulat ako sa biglaang pagsalita niya. Mabilis kong iniwas ang aking paningin bago pa man niya mapansing tinititigan ko siya.

"Ama-Amelia" Kamuntikan ko ng sabihin sa kaniya ang totoong pangalan ko. Mabuti na lang at maagap akong nakapag-isip ng bagong pangalan.

"Who is your parents?"

Parents? Hindi ko puwedeng sabihin sa kaniya ang pangalan ni papa. Si Mama naman matagal ng patay.

"A-Armando" Lihim akong napangiwi dahil sa sinabi ko. Hindi naman niya malalaman na katiwala ni papa si Kuya Armando sa taniman.

"Surname?"

"P-Po?"

Mukhang nabingi yata ako at hindi ko narinig masyado ang kaniyang tanong. Saglit niya akong tiningnan bago ibalik sa daan ang paningin.

"Your family name" Seryosong tanong niya.

"C-Castillo"

Hindi na siya nagsalita pa kaya kahit papaano nakahinga ako ng maluwag. Ang tibok ng puso ko naman ay nagwawala na rito ngayon dahil sa kaba. Kung kani-kaninong pangalan at apelyido na ang aking nabanggit dahil sa pagsisinungaling na ito.

"Your address?"

P-atay! Kaninong address ang sasabihin ko? Magpahatid na lang kaya ako sa police station? Hindi puwede! Mas magiging komplikado lang ang lahat.

"H-Ha?"

"Just tell me your house address, ihahatid kita sa inyo"

"A-Ah 'yon pala..." Ngumiti ako ng peke at yumuko saka napakagat labi. "A-Ano kasi..."

Ano ba, Amara! Umayos ka! Anong sasabihin ko? Tinigil nito ang sasakyan kaya napalunok ako.

Suminghot naman ako saka napatingala at pinilit ko muling paiyakin ang sarili ko. Member yata ako ng drama club sa school at best in acting rin. Itinakip ko ang aking kamay sa bibig saka napahagulgol.

"A-Ang totoo niyan kasi...." Pambibitin ko saka umiyak ng malakas. "Wala na 'yong mga magulang ko. Nag-iisa na lang ako sa b-buhay. Dahil sa pagkakautang ng pamilya ko ay kinuha nila ako bilang pambayad...at ngayon lang a-ako nakatakas"

Mas pinag-igihan ko ang pagdadrama ko para mas kapanipaniwala talaga. Nakita ko ang pag-iwas nito ng tingin kaya lihim akong napangiti ulit dahil mukha talagang effective ang pag-iinarte ko. Ngumawa ulit ako ng tumingin siya sa gawi ko.

Fated To Be The Demon's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon