CHAPTER XXIV

1.9K 33 0
                                    

**

Ibinaba niya ako sa lupa pero halos mapaupo ako. He made me feel soft and soggy like noodles. Mabuti na lang at napakapit ako sa braso niya. Nang mabawi ko ang aking lakas ay kinurot ko ito.

"Hindi ka manlang nagsabi" Inis kong saad at kinuha ang plastic bag na naihulog ko pa sa lupa. I heard him chuckled. Inirapan ko ito.

"Tss. At least we got out without being noticed"

"Dapat ba akong magpasalamat sa 'yo?" Sarkastikong sagot ko rito saka inayos ang aking buhok.

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng apartment at nakita kong nakasara na 'yong bintanang pinanggalingan namin.

"Ikaw ba may gawa no'n" Tinuro ko 'yong bintana.

He just nod. Sabi ko nga.

Hindi na rin ako magugulat kung isang araw kaya niyang magpalipad ng sasakyan.

Inunahan ko na siyang maglakad paalis roon dahil kanina pa kami kinakahulan ni Bubbles, baka makita kami ng ibang tenants at ibang tao na nakatira malapit dito. Narinig ko ang yabag nito pasunod sa akin.

"Saan ba naghihintay si Lorenzo?" Tanong ko saka siya nilingon na ngayon ay nakasunod sa likuran ko. Hindi siya sumagot bagkus ay kinuha niya sa akin ang dalawang malaking plastic.

"Near the University" Tipid nitong sagot.

Napatitig tuloy ako sa kaniya. Nasa mga plastic bag lang paningin nito. Binitbit niya lang iyon gamit ang isang kamay. Nagpapaka-gentleman ba siya? Hindi bagay.

Sumabay siya sa akin sa paglalakad at inilagay niya sa kaniyang labi ang hinturo na parang pinapatahimik ako. Inilapit ko ang aking mukha sa may balikat niya para bumulong

"Bakit?"

"He is following us"

"Sino?" Tanong ko habang napapalinga pero wala akong nakikita na kahit sino. Malapit na naming marating ang Southville.

"The guy you saw this morning"

Bumilog ang mga mata ko at mabilis na kumapit sa braso niya. Kinabahan kaagad ako. Mas binilisan ko ang paglalakad dahil parang kinikiliti ang likod ko sa nerbiyos kaya nahihila ko siya.

"Shit! Calm down, Amara" Mariing saad nito. Halos matisod na ito sa kakamadali ko.

"Paano ako kakalma? Sabihin mo nga sa 'kin kung paano. Mamamatay na yata ako ngayong gabi" Napasinghot ako. Pinaypayan ko ng kanang kamay ang aking mga mata dahil naluluha na talaga ako.

"Tsk. Stop overreacting. You're not going to die tonight"

"Nasasabi mo 'yan kasi may powers ka. Demon ka malamang mas takot sila sa 'yo. How about me naman po?" Mangiyak-ngiyak kong saad sa kaniya.

Pinitik nito ang noo ko kaya mas lalo akong napahikbi. Marahas itong napabuga ng hangin saka napatingala sa langit dahil mukhang naiinis ito sa akin.

"You are really afraid of that lowclass demon huh, Amara? But you're not afraid of me?" He ask in disbelief.

Napatigil naman ako sa paghikbi saka pinunasan ang pisngi ko na may luha. Binitawan ko ang braso niya saka lumayo rin ako sa kaniya ng kaunti.

"Sa 'yo nga pala ako dapat na mas matakot" I mumbled and bit my lower lip.

Nilakasan ko nalang ang loob ko na maglakad malayo sa kaniya saka balisang napapalinga sa paligid. Napatalon ako ng humuni ang palaka. Napahawak naman ako ng mahigpit sa laylayan ng damit ko. Kumalma ka, Amara.

Fated To Be The Demon's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon