CHAPTER LXIX

1.2K 23 0
                                    

***

THREE MONTHS LATER

Ang bilis lumipas ng mga araw, parang kailan lang ang lahat. Pinagmasdan ko ang aking itsura sa salamin. Nakasuot ako ngayon ng puting silk dress na hanggang ibaba ng tuhod at pinaresan ng puting high heels. Hinayaan ko naman na nakalugay ang aking kulot na buhok. Napatingin sa kabuuan ng mukha ko.

Light make up lang naman ang inilagay ko sa aking mukha dahil iyon ang bagay sa akin. Matapos kong masiguro na maayos na ang aking itsura ay bumaling ako sa itaas ng aking study table kung saan ang picture frame naming dalawa ni Ryoushin. Ito yung picture na nasa restaurant kami at pinipilkt ko pa siya na mag pa-picture sa akin.

Isang tipid na ngiti ang namutawi sa aking labi.

"Anak, kanina pa naghihintay sa iyo ang mga kaibigan mo sa eskuwelahan" Wika ni papa

"Sandali lang po" Saad ko saka binuksan ko ang pinto. Lumabas ako ng kuwarto saka isinara ito.

Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Ang ganda naman ng anak ko na 'yan, mana sa papa"

Natawa ako sa kaniyang sinabi saka kumapit sa kaniyang braso at sabay kaming bumaba ng hagdan. Maingat lamang iyon dahil nanghihina na ang kaniyang mga tuhod. Napapansin ko rin sa kaniya na mabilis na siyang mapagod ngayon.

"Hindi naman po sila makapaghintay sa akin" Puna ko sa kaniyang sinabi. Hinawakan niya ang aking kamay na nasa braso niya.

"Syempre naman, excited lang sila na makita ka" Saad niya habang palabas kami ng mansion. Nakita kong naghihintay sa amin ang isang puting Sedan at naroroon rin si Kuya Armando. Siya ang aming magiging driver dahil hindi na kaya ni papa na mag-drive.

Inalalayan ko siya na pumasok sa back seat. Ako naman ay tumabi rin sa kaniya. Nang makapasok kaming dalawa ay sumakay na rin si Kuya Armando at nagmaneho paalis patungo sa eskuwelahan.

Araw ng graduation namin ngayon at masaya kaming apat dahil makakatuntong na rin kami ng kolehiyo. Hindi na namin makikita ang pagmumukha ni Sir Gibo na laging nakasalubong ang kilay.

"Ayos ka lang ba, anak?" Biglang tanong ni papa sa akin kaya napatingin ako sa gawi niya. Tumango naman ako saka ngumiti. "Sigurado ka ba?"

"Opo. Ayos lang ako" Sinserong sagot ko. Napabuntong hininga naman siya saka ngumiti ng tipid bago siya tumingin sa bintana ng kotse. Umiwas rin ako ng tingin at bumaling na lang rin sa bintana ng saskayan.

Ayos lang ba talaga ako? Sa paglipas ng tatlong buwan, masasabi kong unti-unti konng nagagawa ang mga bagay na lagi ko noong ginagawa. Nakakatawa na rin ako at nakakangiti kahit papaano kaya sa tingin ko ayos na rin naman ako.

Napatingin ako sa palasingsingan ko kung saan ang dalawang singsing. Pinalandas ko ang aking daliri roon. Bakit kasi ang tagal niyang dumating. Sabi niya sa akin, mabilis lang naman siya. Naiinis ako dahil ilang baldeng luha na ang nailabas ko ngunit wala pa rin siya.

Halos sa isang buwan ay puro iyak, tulog, at kain lang ang ginawa ko. Papasok rin naman ako ng school pero lutang at kapag uuwi ay matutulog saka umiyak sa loob ng kaniyang kuwarto at yakapin ang mga unan saka kumot niya roon.

Ilang sandali pa ay narating na namin ang university. Sa dami ng students ay di ko na alam kung saan ang tatlong iyon. Nang makababa kami ng sasakyan ay nagpaalam na si Kuya Armando upang i-park ang sasakyan sa kung saan.

Nauna akong pumasok sa loob ng gate at kasunod ko naman si Papa. Kumapit ako sa kaniyang braso at mabagal kaming naglakad patungo sa stadium kung saan gaganapin ang aming graduation ceremony.

Nang makarating kami sa stadium ay nakita ko silang tatlo na nag-uusap at kumukuha ng litrato. Pinagmasdan ko ang buong stage. The stage was decorated with different kinds of flowers. Marami ring mga upuan at estudyante kasama ang mga parents nila.

Fated To Be The Demon's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon