**
LATE NA AKO
Unang araw ng trabaho ay late akong nagising. Kung nasa amin lang ako ay malamang kanina pa halos maputol ang ugat ng manok sa kakatilaok pero nasa higaan pa rin ako. Hindi ako nakapag-alarm dahil nakalimutan ko kagabi.
Halos lumipad ako papuntang cr para lang maligo. Dahil wala na akong oras ay sinabay ko na ang pag-t-toothbrush at pagsasabon ng katawan. Madalian rin ang pagbibihis na ginawa ko at dahil ngayong araw lang ako matatahian ng maid's uniform ay isang plain na pulang bistida muna ang isinuot ko.
Nag-ring ang telepono at sa tingin ko ay hinahanap na talaga ako. Kaagad akong tumungo roon at sinagot ang tawag.
[Amelia, kanina pa kita hinihintay rito. Dapat ala singko ay nandito ka na]
"Pasensiya na po. Papunta na po ako diyan"
Nang ibaba niya ang tawag ay mabilis akong lumabas ng silid at tinahak ang daan palabas ng maid's quarters. Nang makalabas ako sa hall ay nakita ko kaagad 'yong matandang babae na mukhang naghihintay sa akin kasama ang isang trolley na my lamang tray ng pagkain.
Panay ang tingin nito sa relo na nasa pulsuhan niya. Seryoso ang mukha nito at mukhang nayayamot na sa kakahintay sa akin. Naku, Amara! Mukhang unang araw palang, ma-tsutsugi ka na!
Mabilis akong lumapit sa kinaroroonan niya. Ibinaba nito ang kamay kung nasaan ang relo.
"Pasensiya na po. Hindi ko po sinasadyang mahuli sa oras ng gising rito. Hindi po ako nakapag-alarm" Paghingi ko kaagad ng paumanhin.
"Sige, pagbibigyan kita ngayon dahil unang araw pa lang ng trabaho mo pero sa susunod ay hindi na maaari. Halika na dahil tatlumpong minuto na lang at mag-a-ala siete na siguradong naghihintay na sa kaniyang silid ng agahan ang Master"
Kinabahan naman ako sa sinabi niyang iyon. Nakagat ko ang aking ibabang labi at pasimpleng napangiwi dahil paniguradong mapapagalitan ako. Mas kinakabahan pa ako ngayon dahil makikita ko ulit siya.
Nakarating kami sa hagdanan na konektado sa ikalawang palapag. Tinigil niya ang trolley sa tabi nito at kinuha ang tray ng pagkain. Ibinigay niya ito sa akin na tinanggap ko naman. Medyo mabigat pala ito.
"Hindi pa pala ako nakakapagpakilala sa 'yo kagabi. Ako nga pala si Penelope, address me as Miss Pen dahil iyon rin ang tinatawag nila sa akin dito" Sabi niya bago kami umakyat ng hagdan. Tango lang ang isinagot ko sa kaniya.
Parang kinikiliti naman ang paa ko habang umaakyat kami sa hagdan na gawa sa salamin. Nakikita ko kasi ang unti-unting pagtaas ng kinalalagyan namin habang umaakyat kami. Nakakalula tuloy. Ibinaling ko na lang ang tingin sa ikalawang palapag ng bahay ng malapit na kami.
"Siya nga pala, ngayon lang kita sasamahan papunta rito para maging pamiluar ka sa lugar at malaman mo kung saan ang kuwarto niya. Mamayang tanghali, bukas at sa susunod na mga araw ay ikaw na lang mag-isa" Paliwanag niya.
Sa isiping iyon ay parang umurong yata ang fighting spirit ko. Napalinga-linga ako sa medyo may kadilimang pasilyo. Malapad na corridor kasi ang nakikita ko tapos hindi pa binuksan ang ibang lamp na nandito. Nakababa pa ang ilang kurtina kaya natatakpan ang liwanag na sana ay pumapasok rito sa loob.
Tumigil siya kaya tumigil rin ako. "Ang daan patungo diyan sa kaliwa ay mga kuwarto para sa bisita niya. Ang bawat floor ay may lounge area at ang dito sa second floor ay itong malawak na daan sa gitna. Ito namang nasa kaliwa ay patungo sa kuwarto ng Master"
Puro tango lang ang isinagot ko sa sinabi niya.
"Ganito po ba talaga 'yong ambience dito? Medyo madilim po kasi" Tanong ko dahil sa kyuryusidad habang tinatahak namin ang daan patungo sa kaliwa.
"Mamayang alas otso pa bubuksan ang mga kurtina at bintana rito kapag umalis na ang Master, Amelia"
Nagtaka ako sa sinabi niya. Grabe naman 'yon. Bakit kailangan niya munang umalis bago buksan ang mga kurtina at bintana? Parang gusto ko na talagang maniwala na may lahing aswang itong Master nila.
"Amelia, nandito na tayo"
Napabalik ako sa reyalidad dahil sa boses ni Miss Pen. Nakita ko ang malaking kulay puti na pinto. Nakatayo roon si Miss Pen samantalang ako naman ay nasa di-kalayuan. Napatingin ako sa paligid at napansin ko kaagad ang kulay puting dingding na may burdang mga itim, parang tattoo 'yong nakadikit lang doon.
Hindi ko alam kung anong klaseng design 'yon. Nagmadali na lang akong lumapit kay Miss Pen.
"Kumatok ka ng tatlong beses, Amelia" Utos niya. Napahugot pa ako ng malalim na hininga bago ginawa ang sinabi niya.
"Sabihin mo na nandito na ang agahan niyo, Master" Bulong niya na sinunod ko naman. Sinenyasan niya akong buksan ang pinto. Nag-alangan pa ako dahil pakiramdam ko ay papasok ako sa lungga ng isang maligno.
Dahil wala rin naman akong choice ay sinunod ko na lang siya. Pumasok na ako ng tuluyan sa loob. Nanlaki pa ang mata ko ng narinig ko ang pagsara mg pinto. Isang tahimik na silid ang nabungaran ko.
I was expecting another weird stuff here but I saw nothing. Sa tabi ng pinto ay isang porcelain vase at katabi nito ang classic clothes stand. Bago tuluyang makita ang kaniyang kama ay may nakaharang muna na isang wooden cabinet at may mga nakasalansan na mga rubiks cube. Iba't-ibang klase iyon, iba't-iba ang hugis at kulay.
Sa kaliwa naman ay may TV stand at isang malaking flatscreen TV, dvd player, at bluetooth speaker. May itim na coffee table at pinapalibutan ng itim na sofa at dalawang cushion. Tuluyan akong lumapit sa coffee table at inilapag ang tray. Nakabukas ang kurtina at bintana rito sa kuwarto niya kaya maliwanag. Sumilip ako aa higaan niya at wala na siya doon.
May narinig akong lagaslas ng tubig kaya naisip ko na baka sa banyo pa ito at naliligo. Lalabas na sana ako ng makita ko ang mga damit na nagkalat sa sahig. Pinulot ko ito at mabilisang tinupi saka ipinatong sa sofa. Kaagad na akong tumalikod bago pa man niya ako maabutan.
Malapit na ako sa pinto ng mapansin ko ang isang itim na kurtina na nakaharang sa mukhang isa pang silid na walang pinto. Ito ay nasa dalawang dipa ang layo mula rito sa pinto palabas ng kaniyang kuwarto. Napakunot noo ako ng may mapansin akong silhouette ng tao sa loob.
Dahil sa kyuryusidad ay nilapitan ko ang kurtina saka hinawakan. Malapit ko na sana itong mabuksan pero may mga kamay na kusang humawi roon. Nanlaki ang mga mata ko ng bumungad sa paningin ko ang maputi, makinis at malapad na dibdib ng kung sino.
"What the heck are you doing?" Baritonong tinig niya ang narinig ko na nagbigay ng kilabot sa aking kalamnan.
Naiwan sa ere ang mga kamay ko na sana'y gagamitin ko panghawi sa kurtina. Hindi ko sinasadyang bumaba ang paningin sa kaniyang tiyan. I swallowed hard when my eyes traced his well-defined six pack abs.
Nang bumaba pa ang paningin ko ay natigalgalan ako ng makita ang nakatapis na tuwalya sa ibabang bahagi ng katawan niya. M-May balbon pa akong nakita na sumilip sa may puson niya.
"Quit staring, Ms. Castillo" Malamig niyang tinig ang narinig ko muli kaya mabilis akong yumuko at kinagat ang ibabang labi ko.
Nakakahiya ka, Amara! Kinutkot ko ang palad ko at pasimple rin itong kinurot-kurot dahil sa kahihiyan.
"P-Pasensiya na po" Hingi ko ng paumanhin habang nanatili pa ring nakatingin sa sahig. Umatras ako hanggang sa maramdaman ang likod ko na tumama sa pinto.
Narinig ko ang yabag niya na naglakad patungo sa direksiyon ko kaya mas lalo akong kinabahan. Mukhang katapusan ko na yata. Napapikit ako ng mariin at hinintay kung anong gagawin niya pero narinig ko lang ang pagpihit ng doorknob sa aking likuran kaya napamulat ang mga mata ko.
"Why are you still standing there? Do you want to watch me getting dress, Miss Castillo?"
Malamyos ngunit malamig niyang tinig ang nagpakaba lalo sa puso ko.
BINABASA MO ANG
Fated To Be The Demon's Wife
FantasyAmara Celestine Fuentes was arranged by her father to marry a man that she had never met. In order to avoid her twisted fate, she decided to run away. While she was on the run, she met a stranger who helped her to find a place to stay, but in return...