SPECIAL CHAPTER

1.2K 25 2
                                    

***
AFTER SEVEN MONTHS

AMARA's POINT OF VIEW


March 12
7:00 pm

Kabuwanan ko na ngayon kaya't medyo kinakabahan ako sa mangyayari sa akin. Hindi ko alam kung anong araw ba ito lalabas, kung mamaya ba o bukas o sa susunod na araw.

Kinakabahan talaga ako dahil hindi ko alam kung anong pakiramdam ng nanganganak.

Ang sabi nila ay nasa ilalim daw ng hukay ang kalahati ng katawan mo.

Diba? Nakakatakot. Kaya't kahit pa na handa na kami, hindi ko pa rin maiwasang mag'alala.

"What do you think? Is it a boy or a girl?" Ryoushin asked me. He is sitting in a rocking chair while eating his favorite Fries ala Kalabasa, of course paired with a glass of milk.

Ako ang napapangiwi habang pinagmamasdan siya na ine-enjoy ang pagkain. I tried it once and I don't like it. Para siyang kamote pero iba talaga e. Ang pangit ng lasa lalo na kapag isinasawsaw niya sa mayonnaise at gatas.

Mabuti na lamang at nalipat sa kaniya ang paglilihi ko kaya't normal na ulit ang nararamdaman ko, ngunit ako rin naman ang nahihirapan dahil ang dami niyang request, lalo na at mahilig niyang hawakan ang dibdib ko bago matulog.

Hindi siya nakakatulog hangga't hindi siya nakahawak sa aking dibdib. Tss.

"What if, let's have a bet?" I suggested. Inayos ko ang pagkakahiga sa sofa. Nasa balcony kami ngayon na nasa kuwarto niya. Napahawak ako sa aking tiyan na malaki. Tila nakalunok ako ng dalawang medium sized na pakwan.

Ang totoo niya kasi ay hindi namin inalam yung gender ng baby namin. Hindi rin namin alam kung ilan sila sa loob ng tiyan ko. Sinabi namin sa doctor na i-sekreto na lang sa amin lahat, as in lahat.

Pero syempre, yung mga kailangang pag-iingat at vitamins tapos pagkain, lahat iyon ay kailangan kong sundin para siguraduhing maayos si Baby na lalabas. May monthly check-up rin ako.

Natatawa nga sa amin ang mga taong nagtatanong kung bakit hindi pa rin namin alam ang gender ng baby namin. We answered them that it is our plan. It's a surprise for everybody.

Pati nga rin ang mga kasambahay dito sa mansion at ang mga kaibigan ko ay nagpupustahan na kung anonb gender ng baby ko.

Ang mga gamit naman ni Baby ay kulay puti, beige at mocha. Upang sa paglabas ni Baby ay ayos naman kahit babae man siya o lalaki.

"A bet?"

Tumango naman ako. "Ako kasi para sa akin lalaki ang magiging baby natin"

"What if it is a girl?" Wika niya.

"Kaya nga magpustahan tayo ngayon tapos kung manalo ako, papayagan mo na akong mag-drive ng kotse papunta sa school pagkatapos kong manganak"

Nagsalubong kaagad ang makakapal niyang kilay ng marinig ang aking sinabi. Ibinaba niya ang cup na naglalaman ng fried kalabasa.

Itinupi niya ang sleeves ng kaniyang damit hanggang siko saka inilagay ang kaniyang kamao sa itaas ng mesa.

"I'll make sure that I win this bet" Desididiong sabi nito. Ngumisi naman ako. Ayaw na ayaw niya kasing turuan akong mag-drive ng kotse dahil baka raw kung saan ako pumunta at baka rin raw madisgrasya ako.

"At ano naman ang hihingin mong pabor kung manalo ka?"

"I will paint you naked"

Nanlaki ang aking mga mata saka kinuha ang throw pillow bago ibato sa pagmumukha niya ngunit nasalo niya pa rin ang unan.

Fated To Be The Demon's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon