CHAPTER LXVI

988 25 0
                                    

***
Nanatili ang titig nila sa akin, mababakas ang gulat sa mga mukha nila. Sino ba naman ang hindi magugulat kung ang dating walang kuwentang nilalang na kagaya ko ay biglang nagbago.

Hindi ko sila pinansin at pinagtuunan lamang ng pansin si Dairron. Mabilis akong tumalon patungo sa kaniya at sa isang kisap-mata ay nahawakan ko ito sa leeg. I was about to throw him on the ground but he immediately held my arm and twisted it.

Napadaing ako, hindi ko agad nahulaan ang sunod nitong gagawin, sinipa niya ako sa dibdib dahilan uoang ako ang siyang tumilapon sa lupa. Napangiwi ako saka napaubo. Gumawa ng uka sa lupa ang pagtama ko. Hindi pa man ako nakakabangon ay sinugod na niya ako kaagad.

Kaagad akong nag-teleport sa kaniyang likuran saka siya sinipa dahilan para siya naman ngayon ang sumubsob sa lupa.

"Petrificus Totalus" Wika ko.

Nanigas ito sa lupa ngunit nabigla ako ng ilang segundo ay nakagalaw siyang muli at sinugod na naman ako. Mukhang lumakas ito ng magpalit siya ng anyo. Kaagad akong umiwas papunta sa kaliwa ng patamaan ako nito ngbolang asul.

Napalingon ako at nakita kong natutunaw ang lupa nung tamaan ng bolang asul. Napatingin ako sa bintana ng mapansin roon si Ryoushin. Nakalutang sa ere at pumapagaspas ang pakpak habang nakahalukipkip. Mataman niya kaming pinapanood habang ang tatlo ay naroroon sa butas na nasa bintana, nakasilip.

Napatingin ako sa ibaba ng makita ang mga Hell Knights at feral demons na naghahanda. Napangisi ako. May digmaan bang mangyayari ngayong gabi? Well, that will never happen. Itinaas ko ang dalawa kong kamay kaya't nagsiangatan ang lupa kasama na rin ang mga bato na malalaki.

Nararamdaman ko ang pag-init ng katawan ko kaya't pinasadahan ko ng tingin ang aking katawan, doon ko nasilayan na umaapoy ako. Unti-unting gumuguho ang lupa sa ibaba kasama na ang mga malalaking bato. Nakita ko ang mga lava na unti-unting lumalabas sa lupa.

Napapalinga si Dairron at nakita ko ang pagmaang ng kaniyang labi. Kinuha ko iyong pagkakataon upang sugurin siya. Hinawakan ko siya sa leeg saka ibinaon sa lupa, hindi pa ako nakontento at paulit-ulit ko itong hinampas sa batuhan

Para ito sa lahat ng pagpapahirap mo sa kaniya.

Sinipa ko ito dahilan para magpagulong-gulong siya sa lupa. Nag-teleport ako, inunahan ko ito bago pa man tumigil sa paggulong. Sinipa ko itong muli. Paulit-ulit ko iyong ginawa na tila naglalaro ako ng soccer. Hindi niya magawang makabangon dahil mabilis ang bawat galaw na ginagawa ko.

Kulang pa nga ito sa lahat ng mga pinaggagawa nilaa kay Ryoushin. Hindi ko maintindihan pero unti-unting sumisibol ang galit at poot sa puso ko. Nang magsawa ay tumigil ako sa aking ginagawa at napatitig sa kaniya na unti-unting umuupo at napapaubo ng itim na malapot na likido.

Puno siya ng pasa at sugat. Tumingin ito sa akin saka napadura sa lupa. Tumawa ito kaya't napakunot ang aking noo.

"H-Hindi ko akalain na ganito ka pala kalakas. Ano nga ba ang nangyari at nagbago ka, Amara?" Hindi ko siya sinagot. Nanatili lamang akong nakatingin sa kaniya. "Grabe ang idinulot mo sa teritoryo ko, nasira mo na lahat" Puna niya habang nakatingin sa buong paligid. "Ngunit hindi pa rin magbabago ang isipan ko, sa akin pa rin ang Nephalem"

Itinaas nito ang kamay at nakita kong may mga nagbabagang kadena na kumapit sa leeg ni Ryoushin. Nagpumiglas ito habang hawak ang leeg. Itinaas ko naman ang aking kamay upang tanggalin ang kadena ngunit hindi ko magawa. Napamaang ang aking labi saka napatingin sa kaniya. Tumawa ito.

"Hindi mo maaalis ang kadenang iyan. Hinding-hindi" Seryosong saad nito saka sinugod ako. Sa isang kisap-mata ay nahawakan niya ako sa aking leeg. "Papatayin kita" Desididong wika niya.

Fated To Be The Demon's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon