***
AFTER FIVE MONTHS
"Señorita, bakit niyo po ba laging ipinapalinis ang kuwartong ito. Kanino po ba ito?" Nagtatakang tanong sa akin ni Giselle habang pinapagpag niya ang mga alikabok sa itaas ng cabinet.
I'm doing my powerpoint presentation for tomorrow. Nakaupo ako sa kama ni Ryoushin at kaharap ang laptop. I stared at her. She's really clueless about him.
Until now, hindi pa rin ako sanay na ako ang tinatawag nilang boss rito sa mansion. Gusto ko na lang na bumalik lahat dati sa normal dahil naiilang na ako sa kanilang lahat minsan.
I remove my glasses.
"To someone who's very important to me" Sagot ko.
Napatingin naman siya sa buong silid at nakita kong dumapo ito sa litrato na nasa itaas ng cabinet. Ang litrato naming dalawa ni Ryoushin.
"Siya po ba iyon?" Tinuro niya ang litrato. Napalunok ako saka hindi kaagad nakasagot. Binalingan niya ako ng tingin. "Boyfriend niyo po?" Tumango naman ako. Hindi ko naman kasi puwedeng sabihin na asawa ko siya dahil tiyak mag-tataka ito. "Hindi ko po maalala na may boyfriend kayo na nakasama niyo rito sa mansion"
Natigilan ako sa kaniyang sinabi. Oo nga pala, iyan pa ang nakalimutan ko. Tumikhim ako upang mawala ang bara sa lalamunan. Mag-isip ka ng palusot, Amara. Wika ng aking isipan.
"I mean, kapag bumalik na siya, ay dito siya titira sa mansion kaya lagi kong pinapalinis sa 'yo" Agarang sgor ko sa kaniya. Napatango naman ito at mukhang kumbinsido sa sinabi ko.
"Saan po ba siya nagpunta at hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik?" Tanong nito
Napabuntong hininga naman ako saka tipid na ngumiti. Hindi ko rin alam e.
"Sa malayong lugar. Matatagalan pa siyang bumalik"
Ibinalik ko na lamang ang paningin sa aking laptop dahil bumibigat na naman ang pakiramdam ko kapag napag-uusapan siya. Tinuloy ko naman ang aking ginagawa.
"Sa ibang bansa po ba siya nagtatrabaho?"
"Yup" Maikling sagot ko para hindi na siya magtanong.
Hindi na siya umimik pa at tinuloy na rin ang kaniyang paglilinis. Nang matapos siya ay nagpaalam na ito upang umalis. Katahimikan ang namayani sa buong paligid at tanging marirnig lamang ay ang sunod-sunod kong pagtipa sa keyboard.
Unti-unti namang bumagal ang paggalaw ng daliri ko hanggang sa kusa itong tumigil. Napabuntong hininga ako saka napatingin sa picture frame. Inilabas ko ang aking cellphone na kaniyang ibinigay sa akin saka tiningnan ang litrato naming dalawa.
Napangiti ako habang pinagmamasdan ito isa-isa, tumigil sa pag-scroll ang aking kamay ng makita ang kaniyang litrato na masama ang timpla ng mukha. Natawa na lamang ako dahil ito ang araw kung saan siya umamin sa tabing-dagat at kinuhanan ko siya ng litrato na hindi niya alam.
Nramdaman ko naman ang mainit na likidong dumaloy sa aking pisngi kaya agad ko itong hinawakan saka tiningnan. Doon ko nakita na lumuluha na pala ako. Napatingala ako saka napabuga ng hangin. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
Isinara ko na lang ang aking laptop saka tumayo at lumabas ng silid. Tinahak ko ang daan papunta sa Servant's hall, habang palapit ako ay naririnig ko na ang kuwetuhan at tawanan nila. Hindi katulad ni Ryou, hindi ako kasing strict niya pagdating sa oras ng trabaho at wala na ring curfew.
Ayos na rin kapag pupunta sila sa farm pero siguro ang hindi ko pa rin pinapayagan nilang puntahan ay ang third floor at garden. Ewan, para sa akin kasi mahalaga iyon kay Ryoushin. Nang mamataan nila ako ay binati ako ng mga ito at inayang kumain ng pancit canton at tinapay.
BINABASA MO ANG
Fated To Be The Demon's Wife
FantasyAmara Celestine Fuentes was arranged by her father to marry a man that she had never met. In order to avoid her twisted fate, she decided to run away. While she was on the run, she met a stranger who helped her to find a place to stay, but in return...