CHAPTER LXXII

1.5K 25 0
                                    

***

I bit my lower lip while looking at him. Ang cute niya dahil sa kulay pink na bag na kaniyang bitbit ngayon. Tumingin siya sa akin at inabot ang aking kamay.

"Let's go" Aya niya. Ngumiti na lamang ako saka tinanggap ang kaniyang kamay bago tumayo at sumunod sa kaniya.

"Saan tayo pupunta?"

"I'm going to see David"

"Ngayon na?"

Tumango lamang siya bilang sagot. Hindi na ako nagsalita pa at nagpatianod na lamang sa kaniyang hila. Nang marating namin ang kaniyang kompanya ay nakita ko ang mga empleyado na mangilan-ngilang palabas at papasok sa loob.

"Good morning, Sir Castillian"

My jaw dropped when he was greeted by his employees as we went inside the lobby. Napapalinga pa ako at napapakurap kung hindi ba talaga ako namamalikmata ngayon. Teka, bakit kilala na nila si Ryoushin? Diba, dapat hindi? Anong nangyayari?

"Bakit ka kilala ng mga 'yan?" Pabulong kong tanong sa kaniya bago kumapit sa kaniyang braso.

"Because that is written in the contract. Didn't Lorenzo told you that once I'm finally back, they will remember me again?" My lips formed into an 'o' shaped after hearing it. Marahan naman akong umiling. Napapalatak naman siya. "That freaking bastard"

Ibig sabihin, babalik na sa normal ang lahat. Sinadya bang gawin iyon ni Lorenzo o nakalimutan niya lang talaga na sabihin sa akin?

Ilang sandali pa ay nakasalubong namin si David na palabas ng kaniyang opisina. Napatingin siya sa akin bago sa kasama ko. Medyo nagulat ito bago mabilis na yumuko.

"G-Good morning, Sir Castillian. I thought, sa susunod na linggo pa kayo magpapakita kay Lady Amara?" Nagtatakang tanong nito saka napatingin sa akin bago sa shoulder bag na nasa balikat ni Ryoushin.

Umiwas siya kaagad ng tingin saka tumikhim. Napansin ko pa ang pag-angat ng sulok ng kaniyang labi na tila natatawa.

Samantala,  pabalik-balik lamang ang tingin ko sa kanilang dalawa. Tama ba ang pagkakarinig ko?

"T-Teka, ibig sabihin nagkita na kayo bago ka paman sa akin nagpakita?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Tumingin sa akin si Ryoushin bago niya ibalik ang paningin kay David. Hindi niya naman ako sinagot kaya't kinalabit ko siya sa braso.

"I will explain everything later" He whispered. Gusto ko pa sanang magtanong dahil atat akong malaman ang totoo pero bumaling na ito kay David.

"I should, but I just can't wait to be with her" Itinago ko ang ngiti sa labi. Para namang matutunaw ang aking puso dahil sa kaniyang sinabi. "And, I could not bear to see my company in bankruptcy because of her" Naglaho ang ngiti ko sa huling sinabi nito.

My eyebrows knitted. Napahawak ako sa magkabilang bewang saka pinaningkitan siya ng mata. Tumingin ito sa gawi ko saka mabilis ring umiwas ng tingin. Mg lips curled up.

Really? Right in front of my face, Ryoushin? Ayos na sana e. Kaso may pahabol pala sa dulo. Iyong kilig ko bilang nalaglag sa lupa.

"You're judging me, Ryoushin" Seryosong saad ko saka taas-noong pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Sabay silang napatingin sa gawi ko. Ryoushin's dark eyebrows rose.

"I'm just telling the truth, Amara. You're just scribbling everytime that there is a board meeting. I also heard you complaining about all the responsibility that I had given to you" Seryosong sabi niya kaya natameme ako.

Ibig sabihin ay alam niya lahat ng pinaggagawa ko the whole eight months na wala siya. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon. Napayuko ako saka napanguso. Pinaglaruan ko ang aking mga kamay.

Fated To Be The Demon's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon