***
Walang lingon-lingon akong tumakbo palabas ng kuwarto niya at tinungo ang hagdan pababa sa ground floor. Nang tuluyang makarating sa baba ay napatigil ako sa tabi ng trolley at napahawak sa aking dibdib.
Napatulala na lang ako. What just happened? Parang binagyuhan ang utak ko dahil sa tagpong iyon. Napaigtad ako ng may kumalabit sa balikat ko. Kaagad akong napalingon at nakita ko ang mukha ng isang babae na hindi pamilyar sa akin.
"Ayos ka lang? Bakit parang nakakita ka yata ng multo?"
Kinalma ko ang aking sarili at umayos ng tayo.
"Higit pa 'yon sa multo" Bulong ko.
Nangunot ang kaniyang noo kaya iwinagayway ko ang kamay sa ere at ngumiti ng peke.
"Wala po. Napagod lang ako sa pag-akyat at baba"
Tumango naman siya at mukhang naniwala sa alibi ko.
"Nasaan 'yong tray?"
Napatingin ako sa trolley saka sa kaniya. "A...'yong tray? Naiwan ko sa taas"
Isang pilit na ngiti ang namutawi sa labi ko bago ako humingi ng despensa. Napabuntong-hininga siya saka sinenyasan akong kunin 'yong trolley.
"Mamaya mo na lang kunin 'yon. Sumunod ka sa akin"
Sumunod ako sa kaniya tulak-tulak 'yong trolley. Mukhang ayoko ng bumalik pa sa kuwartong 'yon. Ang weird ng lalaking 'yon. Pero titig na titig sa katawan, Amara? Ipinilig ko ang ulo dahil sa sinabi ng sariling isip ko.
I shouldn't be swayed about it, my instinct is telling me that he is indeed a dangerous man.
Dangerously handsome and devilishly sexy, Amara? Kinurot ko ang aking braso dahil sa kung ano-anong walang katuturan na pumapasok sa isipan ko.
Ang ipinagtataka ko kanina ay narinig ko talagang may naliligo sa kaniyang cr pero may tao akong nakita sa kabilang silid na iyon. And it turned out that it was him.
E sino 'yong nasa loob ng cr? Napatigil ako sa paglalakad ng tumigil rin 'yong babae sa paglalakad. Tumingin siya sa gawi ko.
"By the way, I am Giselle. Kasama ako sa housekeeping department. Ako muna ang mag-t-tour sa 'yo dito sa loob ng Servant's hall dahil may kailangang asikasuhin si Miss Pen" Pumasok kami sa kaliwang bahagi kung saan ang Kitchen, Laundry Area at Storage room.
Isang hall na katamtaman ang laki ang una kong nasilayan. May glass-door fridge na puno ng fruit juice sa loob, may isa rin na puno ng desserts like cakes and ice cream, then 'yong isa naman ay spreads at cheese.
May mahabang mesa naman na nandito at may samu't-saring pagkain na nakalagay. Pancakes, Hotdogs, longganisa, tocino, croissants, Garlic shrimps, beef willington, bacon, bread rolls, pork loin, fried rice, adobo, menudo, glazed ham, blueberry cheesecake, peacan pie, cordon bleu, fruit salad, vegetable salad, rice, mascarpone brownies, and different flavored fuit drinks.
These are a combination of Filipino breakfast, American breakfast, and other side dishes and desserts that I am not familiar with. Dumating ang isang chef bitbit ang isang tray. Ipinatong niya doon ang isang plato na may fresh oysters at may mga spices.
Halos maglaway ako sa mga nakahain. May birthday ba? Fiesta?
Kinuha ng chef 'yong trolley sa akin saka siya umalis.
"These foods are normally served during breakfast, lunch and dinner sa Castillian Mansion, Amelia" Wika niya kaya halos mapanganga ako. Wow, as in wow. May sarli oa talaga silang chef dito.
"Mamayang alas otso ang breakfast nating lahat dito kaya may oras pa tayo para makapaglibot sa buong Servant's hall"
Naglakad kami papasok sa isang nakabukas na malaking pinto. Kasing laki yata ito ng pintuan ng simbahan. Bumungad sa akin ang abalang mga kusinero at kusinera. Sobrang laki sa loob at maraming mga mesa kung saan may kaniya-kaniyang naka-assign na tao.
"Make sure that every meat is tenderized, well-grilled and perfectly cooked. Understood?!" Napatingin ako sa gawi ng isang lalaki na nakasuot rin ng chef uniform but unlike the other chefs, he is wearing a red one.
"That is the manager here in the Kitchen Brigade. He is the Executive chef responsible for all aspects of food production, menu planning, purchasing, costing, and planning of work schedules"
Napatango-tango naman ako. May lumapit sa kaniya na isang babae naka-pink na chef uniform. Ang cute niyang tingnan sa suot nito.
"And she is the sous chef or the aboyeur. She is in-charge of the production. She takes command from the executive chef and responsible for minute-by-minute supervision of staffs"
Grabe. Para akong napasok bigla sa isang kitchen ng restaurant or high-class na hotel kitchen.
"Ganito ba talaga dito palagi? Parang nagluluto kasi sila para sa restaurant. Hindi na lutong-bahay lang" Hindi ko mapigilang itanong sa kaniya.
"Actually, mostly sa mga pagkain na hinahanda dito ay ibenebenta sa restaurant na pagmamay-ari ni Master Ryou kaya huwag kang magtaka kung ganito talaga ang makikita mo dito" Paliwanag niya. Kaya naman pala.
"Naalala ko na hindi ka pala pinapayagan na pumunta dito kasi hindi ka marunong magluto"Narinig ko ang tawa niya kaya lihim akong napairap.
Oo na, ako na ang hindi marunong magluto. Tss. May taga-luto naman kasi sa bahay kaya umaasa na lang ako. Well, sana pala ay nagpaturo ako para may alam ako kahit papaano.
"Ano naman 'yong pinto na 'yan?" Pag-iiba ko ng usapan. Tinuro ko 'yong pintuan na stainless.
"Freezer 'yan. Huwag kang pumasok diyan dahil titigas ka na parang karne" Paalala niya.
Hinila niya naman ako papunta sa kabila at nakita ko ang pintuan.
"Ito 'yong storage room. Kung may kailangan kang gamit pang linis dito ka pumunta. May mga susi tayo na tig-iisa para dito. Mamaya siguro ay ibibigay sa 'yo ni Miss Pen"
Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay tinuro niya rin 'yong laundry area.
"Ito 'yong laundry area. Itong nasa kanan ay para sa atin lahat at puwede nating gamitin kahit kailan natin gustuhin pero itong sa kaliwa ay para lang kay Master. Sa sabado after mong linisin ang kuwarto niya, labhan mo rin 'yong mga damit niya" Lumapit siya sa tabi ng washing machine. "Saka itong sabon ang gamitin mo para sa damit niya wala ng iba"
Tumango ako at peke na ngumiti. Gusto kong mapaismid dahil sa kaartehan ng lalaking 'yon. Pare-pareho lang namang washing machine at sabon 'to. Tss.
BINABASA MO ANG
Fated To Be The Demon's Wife
FantasiaAmara Celestine Fuentes was arranged by her father to marry a man that she had never met. In order to avoid her twisted fate, she decided to run away. While she was on the run, she met a stranger who helped her to find a place to stay, but in return...