CHAPTER XXVI

1.6K 31 2
                                    

**,

Umalis na si papa pagkatapos ng pag-uusap namin. Nag-insist ako na dito na siya matulog pero ang sabi niya ay kailangan siya sa bukid dahil bukas raw ay magpapaani siya ng palay at pinya. Gustuhin ko mang manatili siya dito ay alam ko na ayaw niya pa rin kaya't hindi ko na pinilit pa.

Ang sabi niya naman sa akin ay dadalawin niya ako ulit. Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng yabag mula sa aking likuran.

"Amara, halika na sa dining hall at kakain na ng hapunan"

Boses ni Miss Pen ang aking narinig. Pumihit ako paharap sa kaniya. Nakatayo ito malapit sa may hagdan at mukhang hinihintay ako. Alam na nga niya ang tunay kong pangalan hindi na rin ako magtataka kung pati mga kasambahay dito ay alam na rin ang totoo.

Lumapit ako sa kaniya peronasa sahig lang ang aking paningin. Tumigil ako mismo sa kaniyang tapat at hinintay ang sasabihin niya pero wala. Inaya niya lang ako papunta sa Dining hall para kumain ng hapunan.

Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang mapaisip kung bakit hindi manlang siya nagtanong sa 'kin o nagalit dahil niloko ko siya-silang lahat.

"Siya nga pala, after mong kumain ay ihahatid kita sa bagong kuwarto mo sa second floor" Wika niya kaya't kusang napatigil ang aking mga paa. Dere-deretso lang siyang maglakad pero ng mapansin niyang hindi ako sumusunod ay napalingon ito sa gawi ko.

"Oh bakit, Amara?"

"Bakit po ako lilipat ng kuwarto?"

"Iyon ang bilin sa akin kanina ni Master Ryou"

Naglakad ako palapit sa kinaroroonan nito at tumigil mismo sa tapat niya.

"Ayoko pong lumipat ng kuwarto. Dito lang po ako"

"Hindi iyon maaari. Bilin iyon ng Master, Amara. Isa pa, hindi ka naman talag dapat katulong dito sa mansion"

"Pero..."

Itinaas nito ang kamay sa ere para patigilin ako sa pagsasalita.

"Siya lang ang masusunod rito, Amara. Pasensiya na. Halika na sa dining area"

Ano ba kasi ang pumasok sa isipan ni Ryoushin at kailangan ko pang lumipat ng kuwarto. Puwedeng dito na lang ako dahil mas gusto ko dito. Naisip ko rin na makikita ko silang lahat ngayon, iniisip ko palang ang magiging reaksiyon nila ay kinakabahan na ako.

"Amara, halika na"

Nagmadali na akong sumunod kay Miss Pen papunta sa dining hall. Pagpasok ko sa Servant's hall ay ganun pa rin naman ang buong lugar. Ang tanging nagbago lang ay kurtina, kung dati ay berde ito ngayon ay kulay pula naman.

Habang tinatahak namin ang daan papunta sa dining hall ay hindi ko maiwasang kabahan. Pinaghugpong ko ang kamay ko na nanlalamig na sa kaba. Nang malapit na kami ay narinig ko na ang malakas nilang boses na mukhang pinag-uusapan si Ryoushin at hindi rin nakatakas sa pandinig ko ang aking pangalan.

"Hindi ko akalain na masusuot ni Master ang ganung damit"

"Kaya nga e. Ang weird lang tingnan na nakasuot siya ng pink na t-shirt at maiksing short hahaha"

"Ang cute kaya. Doraemon pa nga ang design"

"Sino kaya ang nagpasuot no'n?"

Fated To Be The Demon's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon