***
Mukhang malalagot na naman ako ulit nito kay Miss Pen. Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ko ang sigaw ng isang babae mula sa di kalayuan.
"Hala si Miss Pen" Puna ni Timothy kaya napakagat ako sa aking ibabang labi.
At ito na nga dumating na talaga siya. Nagpaalam ako sa dalawa at nagmadaling tumungo sa puwesto nito kahit alam kong papagalitan niya ako.
"Amelia, kanina pa ako hanap ng hanap sa 'yo sa loob ng Mansion pero hindi kita mahagilap tapos dito lang kita makikita? Alam mo bang bawal kang pumunta rito?" Malumanay ngunit batid ko ang inis sa tinig niya.
"Pasensiya na po. Hindi ko po kasi alam"
Tinalikuran niya ako. "Nakung bata ka kibago-bago mo palang dito pero ang dami mo ng nilabag. Halika na sa loob dahil kailangan mo ng maghanda para dalhin ang pagkain kay Master Ryou"
Nakayuko akong sumunod sa kaniya pabalik sa Mansion. Hindi ko alam na masyado pala akong naaliw sa mga bagay na nakikita ko rito. Nang makarating kami sa sliding door ay kusa itong bumukas. Nagtaka ako ng matigilan si Miss Pen kaya inangat ko ang tingin ko.
"Master Ryou..." Wika ni Miss Pen kaya hindi ko maiwasang kabahan.
Sumilip ako sa likuran ni Miss Pen at nanlaki ang mata ko ng makitang nakatayo ngayon sa harapan namin si Ryoushin at magkadikit ang mga kilay. Kaharap nito si Miss Pen pero ang mga mata niya ay tumagos papunta sa direksiyon ko; masama ang ipinupukol niyang tingin sa 'kin.
"Pasensiya na kayo, Master. Hayaan niyo at pagsasabihan ko siya sa ginawa niya. Ako na ang bahala sa kaniya" Hinawakan ako sa braso ni Miss Pen at yumuko siya saka ako hinila paalis roon.
Nagpatianod na lamang ako sa hila niya. Mabilis ang mga hakbang nito kaya halos magkandatisod ako. Nang makarating ako sa may Servant's hall ay binitawan niya ako sa braso at marahas siyang napabuga ng hangin.
"Alam mo bang dahil sa ginawa mo ay maaari kang mawalan ng trabaho?"
Hindi kaagad ako nakaimik. Napayuko na lang ako at pinaglaruan ang mga hinalalaki ko. Napalunok ako ng makita ko sa aking gilid ng mata na napapatingin sa gawi ko ang ilang kasambahay.
"Hindi ko naman po kasi alam"
"Sa mga lugar na sinabi ko na maaari mong puntahan sana ay doon ka lang pumunta, Amelia. Tandaan mo sana na dito ka lang dapat magpunta at mag-ikot sa buong ground floor"
Tumango naman ako at hindi na nagsalita pa. Napabuntong hininga siya.
"Bawal ka ng bumalik roon. Nakita mo naman siguro kanina na galit si Master Ryou. Sana ay huwag mo ng uulitin ito. Naiintindihan mo ba, Amelia?"
Sunod-sunod akong napatango. Hinawakan niya ako sa balikat kaya naiangat ko ang paningin ko.
"Pinagsasabihan lang kita pero sana huwag mong mamasamain. Para rin sa 'yo ito. Alam ko na kailagan mo ang trabahong ito kaya sana ay pagbutihin mo at sumunod ka sa mga bilin ko"
"Pasensiya na po. Hindi na po mauulit" Wika ko. Tumango naman siya saka ngumiti kaya nakahinga ako ng maluwag.
Dumating naman ang trolley na naglalaman ng pagkain bitbit ng isang chef. Dumaloy na naman sa kalamnan ko ang kaba dahil makikita ko na naman si Ryoushin.
"Ikaw na ang bahala dito. Tandaan mo ang sinabi ko sa 'yo kanina. Pagkatapos ay bumalik ka sa maid's quarter dahil susukatan ka na ng uniform mo" Paalala niya.
"Sige po"
Tinanguan niya ako. Tinulak ko na ang trolley papunta doon sa may hagdan. Nang makarating ako ay tinigil ko ang trolley sa isang tabi at kinuha ang tray na may lamang pagkain.

BINABASA MO ANG
Fated To Be The Demon's Wife
FantasyAmara Celestine Fuentes was arranged by her father to marry a man that she had never met. In order to avoid her twisted fate, she decided to run away. While she was on the run, she met a stranger who helped her to find a place to stay, but in return...