CHAPTER III

3.1K 47 2
                                    

***

Lumabas kaming dalawa ni Lorenzo sa silid na iyon ng walang imikan. Napapikit ako ng marinig ang malutong na mura mula sa labi ni Ryoushin. Bakit 'yong mura niya ang expensive pakinggan, parang puwede ng ibenta.

"Medyo weird 'yong kaibigan mo" Puna ko saka napamulat. Nakatingin rin pala ito sa akin. Kumunot ang kaniyang noo.

"Paano mo naman nasabi?"

"Bakit ganun 'yong kuwarto niya? Ang dilim tapos puro kandila. Member ba 'yon ng kulto?" Nagtatakang tanong ko. Nawala ang pagkunot ng kaniyang noo at unti-unting sumilay ang ngiti sa labi. A smile without showing his teeth.

A Duchenne' smile.

Nagulat pa ako dahil first time kong makita iyon. Tinuro ko ang kaniyang labi.

"Oy marunong ka rin palang ngumiti" Dahil sa sinabi ko ay mabilis itong naglaho. Umiwas siya ng tingin.

"Tss. He's not a member of a cult. Nagtitipid lang 'yon sa kuryente" Sagot niya at naglakad muli kaya hinabol ko siya.

"Ang yaman niya tapos magtitipid pa siya" I mumbled. Nakipagsabayan ako sa paglalakad niya.

"You really made a scene, Amelia"

Sa tingin ko ay tinutukoy niya 'yong nangyari kanina. Medyo nakakahiya nga iyon pero hindi ko naman kasi sinasadya.

"I didn't mean it. Natuwa kasi ako masyado kaya nakalimutan kong hawak ko pala ito" Pinakita ko sa kaniya ang panyo na may sipon. Napapalatak ito saka isinuksok ang magkabilang kamay sa kaniyang pantalon.

"I'm not talking about that" Nginuso niya ang panyo. "I'm talking about how you cried in front of him. Desidido ka talagang tanggapin ang trabaho na 'to?"

Hindi sana pero kailangan ko e. "Syempre naman. Ito na lang ang pag-asa ko para mabuhay"

Parang gusto kong masuka sa mga sinabi ko. Napabuntong hininga ito saka siya naglakad muli kaya sumunod ako sa kaniya. Tumigil kaming dalawa sa tapat ng sofa.

"You're quite a fighter. Ang lakas rin ng loob mo para gawin 'yon kay Ryou" He is quite impressed.

Napangisi ito saka napapailing pang napaupo sa sofa. Bumaling siya sa akin at hinawakan ang pulsuhan ko kaya nahigit ko ang aking hiniga ng maramdamman ang malambot at mainit niyang palad. Napatitig ako sa bagay na inilagay niya sa palad ko. Isang cellphone. Napatingin ako sa kaniya.

"I'll give you my phone para may gamitin ka dito. Tawagan mo ako kung may kailangan ka" Seryosong sabi niya kaya napalunok ako. Inalis ko ang kamay niya sa pulsuhan ko.

"C-Cellphone mo 'to. Anong gagamitin mo?" Nahihiyang tanong ko.

Ang bilis naman yata niyang magtiwala sa akin kahit kakakilala lang niya sa akin. Ganun ba ako kagaling umarte para maniwala siya sa mga kasinungalingan ko?

"I still have a spare phone in my car. Don't worry" Tumayo siya saka napatingin sa relo na nasa pulsuhan niya. "I have to go. Maiwan na kita dito, hintayin mo na lang muna 'yong magtuturo sa 'yo sa magiging kuwarto mo"

Tumango naman ako. Inilibot ko ang paningin ko sa buong bahay. Magiging okay kaya ako dito? Napabalik ako sa reyalidad ng magsalita siya ulit.

"You'll be safe here, Amelia" Saad niya na tila nahulaan ang iniisip ko. "As long as you stay away from Ryou"

Napakunot ang aking noo dahil sa sinahi niya.

"What do you mean? Paano ko 'yon gagawin e siya ang amo ko?"

Fated To Be The Demon's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon