CHAPTER XXVIII

2K 32 0
                                    

***
It's been three days after we talked and it's been three days that I noticed every single changes of his routines. After I declined his offer, I seldom saw him inside the vicinity. He was always not in the mansion.

Going too early at work without breakfast. Hindi rin siya umuuwi ng lunch. Well, going home late at night is the only thing that is not new to me kasi kadalasan ay ganun ang kaniyang ginagawa.

Why do I have this feeling that he was avoiding me?

Whenever he was home, I'd got so nervous. I became so edgy that anytime I would bump into him at the hall, in the garden or any part of the estate.

I admit it, hinahanap siya ng mga mata ko at pati na rin ng sistema ko.

Wala na rin naman akong nararamdaman na kakaiba sa paligid baka siguro dahil suot ko ang amulet. Napabuntong hininga ako saka napatingin sa farm.

Nandito ako sa front yard at nakaupo sa wooden bench. Nagmumuni-muni dahil wala naman akong gagawin. Hindi na kasi ako pinayagan ni Miss Pen na magtrabaho. Pinabalik na rin niya ako sa pag-aaral kaya bukas na bukas ay papasok na ulit ako.

Nakausap ko na rin ang mga teachers ko at ayos na raw kasi nag-explain na sa kanila si papa. Isa na namang buntong-hininga ang pinakawalan ko.

May namataan naman akong sasakyan na parating kaya nabuhayan ako ng loob at kaagad na napatayo. Ngunit ng tuluyan itong makapasok sa loob ay napansin kong hindi ito ang gamit na sasakyan ni Ryoushin. Dismayado akong napaupong muli.

Bumaba ang sakay no'n at nakita ko si Lorenzo.

Napatingin ito sa gawi ko bago tumakbo patungo sa aking kinaroroonan na may ngiti sa labi. Naalala ko na hindi ko pa pala ito nakakausap simula ng gabing iniuwi nila ako ni Ryoushin galing sa Apartment.

"Amara, kumusta?" Agarang bungad niya ng makarating sa puwesto ko.

"Ayos naman ako, Lorenzo" Sagot ko. "Pasensiya ka na pala sa nangyari....hindi ko sinasadyang magsinungaling sayo tungkol sa pagkatao ko. Nadamay ka pa tuloy at nagawa mo pang magsinungaling kay Ryoushin"

Ngayon lang ako nakahingi ng pasensiya sa lahat ng ginawa ko dahil ilang araw ko rin siyang hindi nakita na dumadalaw dito. Mukhang pati rin siya ay abala sa maramming bagay.

"To tell you honestly, I was very disappointed after knowing it. However, I realized that humans tend to lie for a cause, so, don't worry, I understand what happened."

"Talaga? Hindi ka galit?" Paniniguro ko.

"Do you want me to get mad at you for real?" Nanunuksong tanong niya. Tinaasan niya ako ng kilay kaya napanguso ako.

"Syempre, hindi" Ani ko. "Thank you"

He nodded and tap my head. Ilang segundo lang iyon bago na niya binitawan ang tuktok ng aking ulo. Umupo na siya ng maayos saka ipinag-cross ang mga binti.

"Bakit ka nga pala nandito? Hindi mo ba kasama si....Ryoushin?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya at halos maging pabulong na lang ang pagbanggit ko sa pangalan niya.. Usually, kasi lagi silang magkasama.

Tumikhim naman ito saka napabuntong hininga na tila problemado. Seryoso niya akong binalingan ng tingin. Medyo kinakabahan ako sa paraan ng pagtitig niya dahil pakiramdam ko ay may sasabihin siya sa akin na hindi ko magugustuhan.

"Actually, ikaw talaga ang sadya ko dito. I want to talk to you about Ryoushin. I can't think of any person that can help me with this" Seryosong saad nito kaya kumunot kaagad ang noo ko.

"Anong nangyari sa kaniya?"

Hindi ko maiwasang mag-alala dahil sa paraan ng pagsabi niya at ganun na rin ang ekspresiyon ng mukha niya. It is telling me that there's really something wrong.

Fated To Be The Demon's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon