CHAPTER XXXV

1.5K 35 7
                                    

***

Kumalas siya sa yakap at hinawakan ako sa magkabilang-balikat. Nagagalit ba siya sa akin kasi alam na niya na kinuha ko ang singsing?

"Sorry, hindi ko naman sinasadya e" Naibigkas ko bago punasan ang aking pisngi. Nanatili akong nakayuko ngunit naiangat ko ang aking paningin ng maramdaman ang mainit nitong palad na hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Masuyo nitong inalis ang mga luha sa aking mata gamit ang kaniyang hinlalaki.

"I'm sorry if I startled you, I'm just worred. I thought, there's something bad happened to you" Batid ko ang pag-aalala sa boses nito. Hindi rin nawaglit sa mga mata ko ang malamlam nitong titig na siyang nagpalambot ng puso ko. "Stop crying, I'm not mad, okay?"

Binitawan ako nito bago niya ako akayin papunta sa sasakyan pero hindi ko pa rin mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Ang tanga-tanga ko kasi, bakit ko pa kasi iyon inilagay sa bulsa ko kung puwede ko naman isuot na lang. Ano na lang ang gagawin ko kapag nalaman niya? Mukhang hindi na kasi ito madadala ng acting skills ko.

Inalalayan niya akong sumakay sa passenger seat bago ito umikot patungo sa driver seat. Nang makapasok ito sa loob ay kaagad niya naman akong inabutan ng panyo na tinanggap ko naman kaagad upang mapunasan ang aking basang pisngi.

Kapag iyon nga ang dahilan ay tiyak katapusan ko na.

"B-akit ka nga pala tumawag kanina...h-habang nasa klase ako?" Kinakabahang tanong ko sa kaniya. Nais ko lang naman malaman kung ang nawawalang singsing ang dahilan kaya siya'y napatawag.

"I was just checking on you. Did I interrupt your class?"

Nakahinga ako ng maluwag kahit papaano dahil sa sagot niya. Ibig sabihin, hindi pa nga niya alam na nawawala ang singsing. Huminahon na rin ako pero ang kaba ko ay hindi pa rin tuluyang humuhupa.

"Bawal kasi gumamit ng phone sa loob ng klase kaya pinatay ko muna"

"That explains why you didn't picked up my calls" He mumbled and heave a deep sigh. "I'm sorry, I didn't do that again"

Hindi ko na alam kung ikang beses ko ng narinig mula sa kaniya ang salitang 'sorry', naninibago ako kapag ganito siya. Hindi ako sanay na lumalambot ang ekspresiyon ng kaniyang mukha, nasanay na kasi ako sa malamig at matigas nitong ekspresiyon, at nakakapasong titig.

"Bakit mo nga pala ako sinundo? Ang sabi ko sa 'yo kaya ko ng umuwi mag-isa. Hassle pa kung iikot ka pabalik dito sa University"

"Tss. It's nothing. Besides, I just wanted to make sure that you will not run away again from me" He answered, then started the engine.

"Mukhang hindi na mangyayari iyon" Pabulong kong saad.

"What did you say?"

Mabilis naman akong napailing. "Sabi ko, n-nagugutom na ako" I briefly shifted my gaze to the window.

"Let's have dinner first before going back to the mansion"

Tumango na lamang ako at hindi na umimik. Pinaglaruan ko na lang ang mga daliri ko sa kamay at nag-iisip ng magandang gagawin ngayon. Sasabihin ko ba sa kaniya na nawawala ang singsing o hahanapin ko muna iyon bukas? Pero kung papaabutin ko pa bukas ay hindi imposibleng malamman niya na nawawala ito bago ko pa mahanap.

"Uhmm...R-Ryou..." Tawag ko. Saglit niya akong tiningnan bago niya ibalik ang paningin sa daan.

"Why? Do you want to say anything?" His eyes was still fixated on the road.

"Kasi....nai...naiihi na ako" Dahil sa takot ay umurong ang dila ko. Napayuko na lamang ako. I bite my lower lip.

"Can you hold it a little longer?" Napatingin ako sa kaniya. Ang sinasabi ba niya ay kung kaya ko pa bang pigilan ang ihi ko. Kahit walang katotohanan ang kaniyang sinabi ay tumango pa rin ako.

Fated To Be The Demon's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon