CHAPTER LII

1.2K 18 0
                                    

***

Ilang sandali pa ay dumating si Papa kasama si Kuya Armando gamit ang pick-up track namin na may laman pang mga pinya. Hindi ko alam kung saan napunta ang SUV na sasakyan namin. Pinatay ko na ang cellphone ko saka  pinaalis ang mga aso na ayaw tigilan si Ryoushin. Pinagmasdan ko si Papa na pababa mg sasakyan, halatang kakagaling lang nito sa pagsasaka, wala siyang suot na tsinelas at maputik ang mga paa. Nakasuot siya ng sweater, mahabang salawal, at malaking sumbrero.

Nang makita ako niti ay kaagad siyang ngumiti. Napangiti rin ako pabalik ngunit unti-unti itong nawala ng may mapansin akong pagbabago sa itsura niya. Medyo nangayayat siya at malalim ang mga mata. Mukhang stress ito. Nang makarating siya sa puwesto namin ay inalis niya ang sombrero saka niya binati si Ryoushin.

"Magandang araw, Sir Castillian"

"Magandang araw po" Seryosong bati ni Ryoushin pabalik rito. Ito ang unang beses na marinig ko siyang magsabi ng 'po'. Hindi ako sanay.

Bumaling naman sa akin si Papa. "Anak, hindi ka nagsabi sa akin na dadalaw ka ngayong araw. Sana ay ipinaghanda ko kayo ng pagkain" Wika niya saka bumaling kay Kuya Armando. "Armando, tawagin mo si Angelika, magluto muna kayo ng tanghalian" Utos niya rito.

Tumalima naman si Kuya Armando. Si Angelika ang anak ng kasamahan sa trabaho ni Papa, kasing edad lang kami nito, pero hindi kami ganoon ka-close. Minsanan lang kasi siya kung dumalaw sa bahay noon.

Pumasok naman sa loob ng bahay si Papa saka inilabas ang electric fan. Pinaandar niya ito kaya nagkaroon ng hangin. Hindi naman ganun kainit kasi may mga puno naman pero mas maigi pa rin dahil may kasama akong laki sa aircon.

Umupo si Papa sa upuan na nasa tabi ng maliit na mesa na gawa sa kawayan. Lumapit kami sa kaniya saka umupo sa pang dalawang upuan. Napabuntong hininga ito.

"Kumusta na kayong dalawa? Kakakita lang natin noong nakaraang linggo" Wika niya.

"Ayos lang po, Papa. Kayo po, kumusta na? Bakit po mukhang nangayayat kayo? Noong isang linggo na nagdala kayo ng palay, maayos pa kayo" Puna ko.

Tumawa naman siya pero pansin ko ang tamlay roon. "Ganito talaga anak kapag tumatanda na at said sa trabaho"

Kahit ganun ang sinabi niya ay hindi pa rin ako naniniwala na ganito kalaki ang ibinawas ng timbang niya. Hindi ko maintindihan kung bakit tila mas domoble ang tanda ng edad niya. Tumingin ako kay Ryoushin at nakita kong seryoso itong nakatitig kay Papa.

"Sir Castillian, salamat sa pagdalaw rito. Pasensiya ka na sa bahay namin" Hingi ng paumanhin ni Papa.

"No worries, it's okay" He answered curtly. "Amara, bought some fruits for you from the hacienda" He added.

Tumingin naman si Papa sa plastic ng prutas na nasa mesa. "A, ito ba iyon? Napakarami naman nito. Sana ay hindi na kayo nag-abala pa, may mga prutas naman ritong tanim"

"Papa, wala po niyan dito sa bahay kaya iyan ang dinala ko" Nakangiting saad ko sa kaniya.

"Umakyat pa siya ng Lansones para makuha ang mga bunga"

Pinandilatan ko ng mata si Ryoushin dahil sa kaniyang sinabi. Wala manlang siyang reaksiyon. Tsismoso talaga kahit kailan.

"Amara, hindi ka na bata para umakyat ng puno. Hindi ka ba nahihiya kapag sumabit ka sa sanga" Wika ni papa kaya napayuko na lang ako. Nakita ko naman yung tsimosong lalaki na ngayon ay may nakakaasar na ngisi sa labi. "Ikaw talagang bata ka. O siya,  Maraming salamat pa rin dito sa mga dala mo, Amara at sayo rin Sir Castillian" Nakangiti nitong sabi saka kinuha ang plastic.

Tumayo naman si Papa saka kami inanyayahang pumasok sa loob ng bahay. Pagpasok namin ay bumungad sa akin ang bagong sahig, dahil kasi ay hindi ito naka-tiles, ngayon may kulay puti na itong tiles. Sa kanan ay naroroon ang mahabang sofa na kulay abo, nakalagay sa ilalim ng bintana na may kurtina na kulay yellow at may center table sa harapan na may glass vase at sunflower namang nakapatong.

Fated To Be The Demon's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon