CHAPTER LXI

980 20 1
                                    

***

Betrayal is always present in people's lives: from your neighbors, from your trusted employees, from your teachers, from your classmates, from your trusted friends, from your relatives, and even from your loved ones. You can't change the fact that everyone can betrayed you, no matter how deep your connection with those people.

"Bakit po ba ninyo ito ginagawa? Wala pong idinulot ang pamilya ni Ryoushin sa inyo kung hindi kabaitan, they treated you like a family"

He took a deep breath and fixed his glasses. "Wala akong pakialam sa sasabihin mo tungkol sa kanila. Matagal na sana itong nangyayari kung hindi ka lang dumating, tuluyan sanang mababalot ng kasamaan ang kaniyang puso subalit natuto siyang magmahal, magpatawad at magpakumbaba. Ikaw ang dahilan kaya't naging matagal ang proseso ng kaniyang pagpapalit anyo"

"Ano po ba ang dahilan ninyo?" Hindi ko maiwasang itanong. Lahat naman ng bagay may dahilan, malamang ay mayroon rin siyang dahilan kung bakit niya gustong malipol ng kasamaan si Ryou.

"Gusto ko lang na tuluyang mabalot ng kadiliman ang puso ng binatang iyon, gusto kong gamitin ito upang mawasak ang sangkatauhan. Sa ginawa kong ito ay tiyak bibigyan rin ako ng mas mataas na posisyon ng prinsipe" Napangisi ito sa huling lintanya niya.

As I was staring at Kuya Greg right now, all I can see is selfishness and greed. He is absolutely after the position that he was aiming since then. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit may nga nilalang na ganid sa kapangyarihan. Tila nabulag na ito sa bagay na iyon.

Nagitla ako ng may puting liwanag na tumama kina Yllana, Mystique at Charito. Nabitawan ako ng mga ito. Sumalampak sila sa lupa at nawalan ng malay. Mabilis ko silang dinaluhan at tinapik upang magising pero mukhang hindi sila magigising kahit anumang yugyog ang gawin ko.

"Amara!" Nairinig ko ang sigaw ni Lorenzo. Napatingin ako roon at nakita ko siya kasama si Aerith. Bago na ang anyo nila. Tila nagliliwanag silang dalawa habang nakasakay sa puting kabayo habang patungo sa kinaroroonan ko.

Nagbibigay sila ng ginahawa at sigla sa puso ko ngayon. Nakasuot ng puting kasuotan ang dalawa na tila pinalamutiam ng ginto. Ang mga pulsuhan ay mayroong gintong pulseras. Mayroong gintong aksesorya sa ulo si Ephraim na nakapalibot sa kaniyang ulo. Samantala si Aerith naman ay may aksesorya rin sa kaniyang ulo na tila mga gintong bulaklak.

May mga kamay na humila sa akin patayo at ngayon ay  hawak-hawak ako ni Kuya Greg. Hindi ko akalain na hahantong ang lahat sa ganito. Hindi ko akalain na ang taong pinagkakatiwalaan ni Ryoushin ay gagawin ito sa kaniya.

Sabay na bumaba ng kabayo sila Aerith at Lorenzo. Naglabas sila ng espada at pinikot ito sa mga kamay. Tila naghahanda ito sa parating na digmaan.

"P-Pero pinagkatiwalaan po kayo ni Ryoushin. Kayo pong dalawa ni Miss Pen"

"Buo na ang aking pasya" Sagot nito na may katiyakan sa boses. Napailing na lamang ako dahil sa mga sinabi nito. Mukhang wala na talaga akong magagawa pa roon.

"I really know it. You are behind of all those sh*ts in the mansion" Lorenzo blurted out. "Pinagkatiwalaan ka ni Ryoushin pero ito pa ang iyong ginanti. Sinuway mo ang utos ng mga magulang niya"

"Hindi ako sumusunod sa mga traydor. Utos lamang ng prinsipe ang sinusunod ko"

Nabigla ako ng gapusin ang katawan ko ng itim na usok. Hindi ako makapagpumiglas dahil unti-unti ako nitong sinasakal. Balak sana akong lapitan nilang dalawa ngunit nagsilabasan ang mga nabubulok na katawan mula sa ilalim ng lupa.

Kinokontrol ito ni Kuya Greg. Napatingin ako sa tatlo kong kaibigan na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila. Isa-isang sinugod ng mga naaagnas na katawan ang dalawa kaya doon bumuhos ang kanilang atensiyon.

Fated To Be The Demon's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon