CHAPTER XLI

1.4K 18 2
                                    

***

Dahil wala namang pasok ngayon ay tinanghali ako ng gising. Nilubos-lubos ko na talaga ang pahinga ko dahil sigurado mamaya na marami akong gagawin na school works, idagdag pa yung interview kineme na iyon.

Lumapit ako sa bintana saka binuksan ang kurtina, binuksan ko na rin ang bintana para naman pumasok ang sariwang hangin sa kuwarto ko. Napatalon naman ako ng may dumapong itim na ibon roon. Napakunot noo ako habang pinagmamasdan ito.

T-Teka? Ito yung uwak noong nakaraan a? Bakit na naman ito nandito? Pinakatitigan kong maigi ang kaniyang mata. Ganun pa rin ito kung makatingin, yung tipong nang-uusig at tila may gustong sabihin. Kinilabutan tuloy ako.

Napaatras ako ng dahan-dahan habang hindi inaalis ang tingin sa ibon saka napakapa-kapa sa aking likuran upang maghanap ng panghampas. Nang may makapa ako sa aking likuran ay kaagad ko itong hinawakan ng mahigpit saka binato sa ibon.

Tumunog ito ng malakas kaya napaigtad ako. Bigla naman itong lumipad palayo. Kaagad akong tumakbo sa bintana saka dumungaw upang tingnan kung saan ito pumunta pero hindi ko na nakita pa.

Naibaling ko naman ang aking paningin sa vase na naitapon ko kanina. Inakyat ko ang bintana saka ako lumundag palabas. Napangiwi ako ng tumama ang tuhod ko sa batuhan. Lampas kasi sa ulo ko 'yong bintana kaya medyo mataas talaga ang babagsakan ko.

Kasing tangkad yata nu Ryoushin 'yong pasimano ng bintana. Pinagpahnko naman 'yung kamau ko saka pinulot 'yung vase. Napalabi ako ng makitang may kaunti itong crack. Pinagpag ko ang rumi nito upang mawala ngunit nabasag na lang siya ng tuluyan.

Lagot na naman ako nito. Wala na talaga akong magandang ginawa. Tsk. Kinuha ko na lang 'yung daisy kasi hindi pa naman nalalanta. Napatingala na lang ako sa bintana kasi mukhang hindi na ako makakaakyat pabalik.

"Hija?"

"Aykabayo!" Napatalon ako at napahawak sa aking dibdib ng sumulpot bigla si Kuya Greg sa aking harapan. Napalinga-linga ako kasi hindi ko mawari kung saan siya galing.

"Ayos ka lang ba, Hija? Nagulat ba kita, pasensiya na"

"Ayos lang po" Ngumiti na lang ako ng pilit. Katulad ng lagi nitong suot ay naka-americana ito at may puting guwantes. Suot-suot niya rin ang kaniyang salamin ngayon.

Napatingin naman siya sa hawak kong daisy. "Bakit ka pala nandito? Anong nangyari diyan sa bulaklak?" Lumapit siya sa akin.

"Nabasag po kasi 'yung vase kaya ito na lang ang natira" Paliwanag ko. Hindi ko na sinabi na nabasag iyon dahil ibinato ko sa uwak. Kinuha niya naman sa kamay ko ang bulaklak saka siya nagsimulang humakbang papunta sa may frontyard ng bahay. Sumunod naman ako sa kaniya.

"Sayang naman ito. De bale, maaari pa naman itong mabuhay kapag ilagay mo ulit sa panibagong vase na may tubig" Wika niya saka ibinalik ito sa akin na tinaggap ko naman kaagad.

"Tinanggap mo na pala ang alok na kasal ni Master Ryou" Wika niya habang ang paningin ay nasa singsing. Tumango naman ako saka napangiti. Medyo napaatras ako ng kunin niya ang kamay ko saka pinakatitigan yung singsing. "Bagay na bagay ito sa iyo, Hija. Ingatan mo itong maigi kasi napaka-importante nito sa kaniya"

Binitawan na niya ang kamay ko kaya nakahinga ako ng maluwag. Ewan ko ba at ang bigat sa pakiramdam ng hawak niya ang kamay ko. Naglakad na muli siya kaya sumabay ako sa kaniya.

"Paano po ba ito naging importante sa kaniya?" Tanong ko. Nawala naman ang kaniyang ngiti sa labi at tila may inaalala.

"Malalaman mo 'yan sa pagdating ng panahon" Wika nito. "Sa ngayon ay, kailangan mo 'yang ingatan at huwag mong iwawala"

Fated To Be The Demon's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon