CHAPTER XLVI

1.3K 27 0
                                    

**

Tumayo na ako upang magpalit ng damit pero napatalon ako sa gulat ng mahagip na naman ng aking mata ang uwak sa labas ng bintana. Salubong ang kilay ko na nilapitan ito saka nagpameywang sa harapan niya. Sa panggugulo nito sa akin, imbes na matakot ay naiinis na ako.

"Hoy ikaw, noong isang araw ka pa ha! Ano bang kailangan mo sa 'kin? Kung magpapaampon ka, huwag sa akin, ayoko ng pet na uwak" Inis na saad ko at tinuro-turo ito. "Shooo! Shooo!" Taboy ko saka hinampas yung glass window.

Isinara ko ang kurtina saka dumiretso sa closet para kumuha ng damit. Gusto ko na lang na mag-half bath, magbihis at matulog ngayon. Napagod ako buongg araw e.

Matapos kong magbihis ay bumalik ako sa kama saka binuksan ang aking phone. Agaran kong nabungaran ang message sa akin ng tatlo.

"BHIE, HINDI PA NGA NASISIMULAN ANG PLANO, BUSTED AGAD! KALOKA IYANG SOON TO BE HUSBAND MO, MAKA-ANGKIN WAGAS!"

"Day, peram acu bks ng mrker m"

"Girl, natapos mo na yung activity sa entrepreneur?"

Napabalikwas ako sa tanong ni Yllana sa akin. Patay! Ayon ang nakalimutan kong gawin kanina. Kaagad kong hinalungkat ang aking bag at inilabas ang printed questionnaires saka ballpen. Napatingin ako sa wall clock, alas nueve palang naman. Gising pa naman siguro si Ryoushin ngayon.

Isiuot ko ang aking tsinelas saka nagmadaling lumabas ng aking kuwarto upang puntahan siya. Tinahak ko ang tahimik at may kadilimang corridor, bitbit ang bond paper at ballpen. Paglabas ko sa corridor ay napalinga-linga ako, wala akong napansin na kahit isang tao dito.

Ang aga pa yata para matulog? Hindi ko na lamang iyon pinagtuunan ng pansin, tinahak ko na ang daan patungo sa living room. Habang naglalakad ako ay nagtataka ako ng mapansin kong medyo nanlalabo ang paningin ko.

Ipiniling ko ang aking ulo saka nagpatuloy sa paglalakad. Nahulog naman ang ballpen ko ng malapit na ako sa may hagdan, kaagad ko naman itong pinulot saka ako tumayo. Ngunit sa pagtayo ko ay sumalubong sa akin ang malakas na hampas ng hangin at mapunong lugar.

Napaatras ako dahil hindi ko maalala kung paano ako nakalabas ng mansion. Napalinga-linga ako at nakita ko ang mansion na naroroon sa malayo habang ako ay nandito sa mapunong parte ng hacienda.

P-Paano ako napunta dito? Napalinga-linga ako dahil nakakaramdam na ako ng takot. Kinurot-kurot ko ang aking braso dahil baka panaginip lang ang lahat ngunit naramdaman ko ang hapdi sa bawak kurot na ginagawa ko.

Sunod-sunod akong napailing saka napahawak sa ulo ko. Pinulot ko lang yung ballpen, imposibleng naglakad ako palabas. Kumalma ka, Amara. Nag-umpisa akong maglakad pabalik ng mansion. Mas binilisan ko ang bawat hakbang dahil pakiramdam ko ay may mga matang nakasunod sa akin.

Ang kailangan ko lang gawin ay ang bumalik. Mas binilisan ko pa ang paglalakad hanggang sa maging takbo na ito. Ngunit kahit anong gawing takbo ko ay tila lumalayo lamang ang mansion sa paningin ko. H-Hindi. Hindi ito totoo, Amara.

"Amara...." Napalinga-linga ako dahil sa naririnig kong boses, boses babae iyon.

Napailing ako saka itinaas ang aking kamay upang abutin ang mansion pero hindi ko magawa. Lumalakas ang hangin at ang mga tuyong dahon ay nagliliparan. May lumipad na sanga papunta sa akin dahilan para masugatan ang kaliwang braso ko. Hinawakan ko ng mahigpit ang sugat upang hindi dumugo.

Nangangatal ang mga labi ko sa lamig at nanginginig ang mga kamay ko sa takot. Napalinga-linga ako pero wala akong nakikitang kahit ano, tila paikot-ikot lamang ako.

"Amara" Ayan na naman ang boses. Nangilid ang luha ko dahil sa sobrang takot.

Isang tao ang pumasok sa isipan ko, isang tao na nagpapakalma sa akin sa tuwing natatakot ako.

Fated To Be The Demon's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon